Papunta kami ngayon sa Boracay at kasama namin sila Claire and William. Masaya ang mga anak ni Aileen dahil makakapasyal na din sila. Magkatabi kami ni Claire sa upuan at gusto pa niyang magkatabi kami ng kuya niya pero tumanggi ako. Alam ko she's playing cupid sa aming dalawa at nakakahiya sa kaniyang kuya. Napag-alaman ko na may beach resort din pala si William doon at minsan ay pinaparent daw niya.
"Friend bakit ayaw mong katabi si kuya para naman makapag getting to know each other kayo."
"Pwede ba Claire pumikit ka na lang diyan at matulog ka muna." saad ko sa kaniya.
"Hmmp try mo si kuya mapagmahal yan at stick to one yan."
"I told you ayaw ko nga munang makipagrelasyon."
"What if manligaw siya sayo? Paano naman kasi mahiyain yan minsan hindi showy."
"Gutom ka ba at kung ano-anu ang sinasabi mo sa akin."
"Hindi noh. Gusto talaga kita para sa kuya ko. At may mga common kayong dalawa kaya for sure magcliclick kayong dalawa. I want both of you to be happy."
"Bakit malungkot ba ang kuya mo? At may mas deserving pa sa love ng kuya mo kesa sa akin."
"Sa tingin ko oo malungkot ang love life ng aking kuya kaya sana mapansin ka niya at alam ko naman na crush ka niya kasi lagi ka niya tinatanong noon."
"Naku Claire yan ka na naman. Hayaan mo ang tadhana ang hahanap ng the right one namin ng kuya mo."saad ko sa kaniya at pinikit ko na ang aking mata para hindi na siya magsalita.
Tumahimik naman na siya at pumikit narin siya. Hindi nagtagal ay nakarating narin kami sa boracay at napansin kong hindi na talga mapakali din si Aileen dahil sa nakita niya si Marco. Alam ko mahal parin ni Aileen si Marco kahit na hindi niya sabihin. Pero ako nakamove on na ako at alam ko sa sarili ko na hindi na maaring magkabalikan pa kami ng dating asawa ko. Bago ako bumalik sa magkikita kami ni Michael at tinawagan ko siya dahil may mga kailangan kaming pag-usapan. Napatawad ko narin siya dahil humingi rin siya ng tawad sa akin dahil natukso daw siya. Ganun talaga ang buhay kailangan magparaya para sa ikaliligaya ng isa sa amin. At alam kong masaya na siya sa iba. At tama si Claire kailangan din na magkaroon na ako ng special someone.
"Mars okay ka lang ba?" tanong ko kay Aileen pagkadating namin sa resthouse ni William.
"Actually mars hindi ako okay, natatakot ako sa maaring gawin ni Marco." naiiyak niyang sabi sa akin.
"Mars kaya mo yan malay mo mahal ka talaga ni Marco at hinihintay ka niya"saad ko sa kaniya.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko mars natatakot talaga ako."
"Maybe you should talk to him and explain mo kung bakit mo yun ginawa."
"Yeah I will talk to him soon." saad niya sa akin at pinuntahan na niya ang kaniyang mga anak.
Naging complicated ang pagpasyial namin sa boracay at isama mo pa si William minsan nakadikit siya sa akin at nagiging friendly din pero parang may ibang gustong iparating sa akin. Kahit noong nasa down phase ako ng buhay ko eh lagi siyang nariyan noon nagbakasyon ako sa kanila. Kahit bagong kakilala pa lang namin ay mabait na siya sa akin. Pero pansin ko din na may kakaiba sa mga tingin niya sa akin.
Nasa rest house na kami ni Marco ngayon dahil nagkaroon g bantaan at pilitan sa pagitan nila ni Marco at Aileen. Sa liit ng mundo ay magkakilala pala itong Marco at William naging magkaklase daw sila noong college and they became friends. Pero si William ay mas gusto niyang pamahalaan ang hacienda na iniwan sa kaniya ng kaniyang lolo at talagang napalago niya ito.
Ang kwento sa akin ni Claire ay paminsan-minsan ay pumupunta naman daw siya sa Company nila sa Makati kung saan ako nagtrabaho sa kanila ng dalawang taon. Fresh graduate ako noong nagtrabaho ako sa kanila.
Kasabay ng pagresign ko sa trabaho ko ang pagfile ko ng divorce paper namin ni Michael. Dalawang taon din ako nagtiis dahil before ang graduation namin ay nagpakasal na kaming dalawa. Masaya ang aming pagsasama sa loob ng isang taon. Nagbago lamang siya noong nag-apply ang kaibigan ko sa kumpaniya nila at doon ay nagkaroon sila ng relasyon.
Naging kampante ako sa pagiging closeness nila sa una pero yun pala ay may ibang kahulugan na iyon. Minsan ay harap-harapan pang ipinapakita ng malanding Maricar na yun ang paglalambing sa ex-asawa ko.
“Hoy natulala ka na naman diyan? Ano iniisip mo na naman ang ex-husband mo? Nagkausap na ba kayong dalawa personally?” Gulat sa akin ni Claire. Nandito kami ngayon sa my pool side. May mga set ng upuan dito at nagkakape kami.
“Naisip ko lang siya friend. Sa tingin mo anong gagawin ko? I only have how many days para magawa ko ang mga dapat kong gawin.”
“Wala ka bang balak na bumalik dito at dito ka na lang magwork? Actually nagtatanong si kuya about sa’yo. Lagi ka nyang kinukumusta sa akin simula noong umalis ka.”
“Hindi ko pa alam, depende sa offer nila sa akin kapag nagwork ako dito. At bakit naman niya ako kinukumusta? Ikaw gumagawa ka na naman ng kwento isumbong kaya kita sa jowa mo.”
“Hindi ako gumagawa ng kwento. Talagang lagi ka niyang tinatanong kung nakapagmove on kana daw ba.”
“Bakit nga niya itatanong yun?”
“eh baka may gusto sa’yo pero torpe kasi yang kuya ko ayaw ka pang ligawan eh pero alam mo bang tingin siya ng tingin sa’yo kapag hindi ka nakatingin sa kaniya.”
“Napansin ko nga yon. Haays nakapagmove on naman na ako pero kasi parang may problema ata sa family nila Michael hindi ko alam kung ano may nabanggit kasi sa akin yung pinsan niya na nakita ko sa Canada pero hindi naman niya binanggit kung ano.”
“Ano naman yun? Eh wala naman ako nababalitaan except sa parang hindi maayos ang buhay ngayon ng ex mo. Kung sinu-sino daw ang kadate. Baka naman hinahanap-hanap ka parin niya?”
“Hindi ko din alam at hindi ko alam kung ito na ba ang tamang panahon para makapag-usap kaming dalawa. At wala na ako sa posisyon para problemahin pa ang mga kadate niya.” natawa na lang ako sa kaniya.
Mga ilang oras pa kaming nag-usap ni Claire tungkol sa kuya niya at sa mga ibang bagay. At habang nag-uusap kami ay abala naman si Aileen sa pag-asikaso sa kaniyang mga anak.
“Bea deretso ka ba sa bahay ko pag-uwi natin?” tanong sa akin ni Aileen
“Oo friend kasi andun naman ang mga ibang gamit namin ni Lance. Ewan ko lang diyan kay Lance kais may bahay naman sila na malapit sa inyo pero nakipagsiksikan pa talaga siya sa bahay mo. At mukhang may iniiwasan.” Natatawa kong sabi sa kaniya.
Malapit lang pala ang bahay nila Lance na boss s***h kaibigan namin ni Aileen na common friend din pala ni Claire at kaibigan din pala ni William ang kuya niya kaya naging kaibigan narin nila.
Talagang connected na yata ang mga buhay-buhay namin sa isa’t-isa. Ang galing lang dahil ang dami naming mga commong friend.
“Sissy ayaw mo ba mamasyal sa bahay?” tanong sa akin ni Claire.
“Pwede naman pero puntahan ko muna si Michael at may mga kailangan pag akong idiscuss sa kaniya.”
“Bakit kailangan mo pang puntahan yung taong yun?” sabad ni William na nakikinig pa ata sa usapan namin.
“Ahmm may mga kailangan kasi siyang pirmahan na mga documents kaya kailangan namin magkita.” paliwanag ko sa kaniya pero parang dumiliw ang awra ng mukha niya sa sinabi ko.
“Do you accompany?” tanong niya sa akin.
“Kaya ko naman na puntahan siya at magkikita naman kami sa labas kaya hindi ko na kailangan ng kasama.”
“Kuya William bakit hindi mo pa kasi deretsahin itong kaibigan ko ang dami mo pa paliguy-ligoy eh.” natatawang asar ni Lance sa kaniya na lalong ikinadilim ng mukha niya.
“hoy kuya Lance tumigil ka niya mamaya awayin ka ng kuya ko kita mong nagseselos na eh.” sabad naman ni Claire sa kaniya.
“Haay naku enough na yan may mga bata tayong kasama. Kumain na tayo para makaligo na at makaalis mamaya kung may pupuntahan pa tayo.” saad ni Aileen sa amin. Ayaw niyang may nakikita ang kambal nagsasagutan. Kaya pinatigil niya kami ganun siya kaprotektado sa mga anak niya.
Maayos na ang naging bakasyon namin, at kahit hindi namin napuntahan ang ibang mga gusto namin puntahan ay ok naman ang bakasyon namin sinulit nalang namin ang pagswimming sa dagat. Si Marco ay sumaglit sa kaniyang restaurant at bago umalis ay nagkaroon pa ng komosyon dahil dumating ang ex girlfriend ni Marco. Hindi na yata mawawala ang mga kontrabida sa mga buhay namin.
Talagang maswete si Aileen dahil masipag ang ama ng kaniyang twin. Sana kapag ako din nag-asawa ulit ay ganiyan din siya kasipag. Sana may dumating pang lalaki na magkakagusto sa akin.
Pagdating sa manila ay kumain muna kami at namasyal narin sa Ocean Park. Halos hapon na ng umuwi kami sa batangas kaya sobrang pagod din namin. Sumama narin sa amin si Marco sa bahay ni Aileen. At siya narin ang nagdrive ng kaniyang sasakyan papunta sa Batangas.
Bukas ko na lang siguro iset ang date ng pagkikita namin ni Michael to polish the unsettled things with him. Alam ko madami din kaming pag-uusapan tungkol sa bahay at ibang mga ininvest naming dalawa. Kaya kailangan magkita kami as soon as passible or bago ako bumalik sa Canada pero sana makausap ko muna siya bago ako pumunta kina Claire. Pagdating ko nalang sa bahay ni Aileen ay subukan ko muna magmessage kay Michael. Hindi ko alam kung active pa ang mga contact number niya.