NANG mag-umaga ay nagkaroon na ng liwanag sa silid na kinaroroonan nila ni Desiree at Ezekiel. Tinanggal na ng babae ang pagkakagapos ng kamay ng binata. Maging ang busal sa bibig at piring nito sa mata ay inalis niya. Halos naninikip ang dibdib ni Desiree nang mapagmasdan nito ang kabuuan ni Ezekiel. Halos magang-maga ang buong pagmumukha nito dahil sa labis na sugat at pasa na natamo nito sa pambubog ng mga tauhan ni Badette. Sa ilang parte ng suot nitong asul na polo ay bakas ang pulang dugo. "Ezekiel, hold on sweetheart, m-magiging okay din ang lahat. Makakaalis din tayo rito,"usal ni Desiree na agad nagpunas ng luha sa mata. Yinapos-yapos niya ang mukha ni Ezekiel na ikinandong naman niya sa kaniyang hita. Maya-maya'y narinig ni Desiree ang pag-ungol ng binata, hanggang sa nagmula

