ISANG pitik mula sa kaniyang harapan ang siyang nagpagising sa diwa niya.
“Tulala ka na naman girl,”natatawang kantiyaw ni Jaime kay Diseree.
Kasalukuyan silang nasa canteen ng office ng mga sandaling iyon.
“Okay ka lang?”Tanong niya rito.
“O-Oo naman ano sa tingin mo.”agad niyang sagot sa kaibigan.
Magmula kinder ay magkaibigan na sila nito. Hanggang ngayon na nagtratrabaho sila ay matibay pa rin naman ang samahan nila.
“Asus! Okay daw? Pero halata naman na hindi mare. Huwag ka ng magdeny, dahil kilalang-kilala kita!”sagot ni Jaime na agad naupo sa kaibayong bangko.
Agad nitong inilapag sa pahabang lamesa na pinaggitnaan nila ang mga binili nitong pagkain. Napasulyap ito sa kinakain ni Diseree.
“Ano ba mare! Iyan lang ba kakainin mo ngayong lunch? Baka magutom ka mamaya oras ng office hour.”tuloy-tuloy na sabi ni Jaime at agad na nilantakan ang frice na mainit-init pa.
Matipid lamang na nangiti si Diseree, sa totoo lang ay wala siyang ganang kumain sa mga nakalipas na araw. Magmula ng mangyari nga ang insidenting kinasangkutan lang naman niya. Napatitig siya sa kaharap, gustong-gusto na niyang magkuwento sa kaibigan. Ngunit natatakot siya sa maaring maging impresiyon nito sa mga ipagtatapat niya.
“Mareng Diseree, kung ako sa’yo sasabihin ko na lang kung ano iyan tumatakbo sa isip mo…”pangche-cheer up pa ni Jaime matapos itong lumagok sa ininom na cola.
“Kwan kasi, h-hindi ko alam k-kung paano ko sisimulan…”nahihiyang amin niya.
“Heto na naman tayo, mare, kung ano man iyan, tiwala lang. Parang hindi mo ako kabisado open minded ako.”itinaas-taas pa nito ang magkabilang kilay na inassured na safe itong pagsabihan ng sikreto.
Napalunok pa si Diseree, bago muli nitong nahamig ang tinig.
“Naalala mo, noong birthday celebration ni Boss Nikolai? W-Wala ka bang napansin?”may kaba sa bawat katagang binitiwan ni Diseree.
Kumibot-kibot pa ang labi ni Jaime,saka ito nagkibit ng balikat.
“Wala e Mare, lasing na lasing tayo nun diba sa private resort nila. Hindi ko na nga maalala kung paano ako nakarating sa cottage natin. Bakit ba? ”tanong nito.
“Huwag kang mabibigla huh, malakas kasi ang kutob ko Mare n-na may gumalaw sa a-akin… “bulong niya rito. Upang walang makarinig sa kanila. Bagama’t kakaunting tao lang naman ang kumakain sa mga sandaling iyon.
“What!”Napalakas na sigaw ni Jaime, kaya upang takpan ng dalaga ang bunganga ng kaibigan.
“Pwedi ba, quite lang oh!”pakiusap ng dalaga na nagpalinga-linga pa.
Sobrang takot niyang may makarinig sa pinag-uusapan nila. In the first place ang naiwalang virginity niya ang topic nila!
Agad na napalapit si Jaime rito at walang anu-ano’y mahigpit siyang niyakap.
“Anong gusto mong gawin natin Mare, kailangan ba natin isangguni iyan sa kapulisan. Aba! Hindi basta-basta ang nangyari sa’yo! “Nag-aalalang wika ni Jaime.
Napakunot-noo ito ng mariin siyang nailing.
“Ano ang ibig sabihin niyan, w-wala kang gagawin? Hahayaan mo na makaligtas sa batas ng tao ang hayop na gumahasa sa’yo?!”Hysterical na anas nito.
“Ssshhh! Mare makinig ka muna kasi sa akin!”patuloy niya.
“Okay, okay sige! Magsalita ka….”tugon naman nito.
“H-Hindi ko kasi kayang ipaliwanag itong nararamdaman ko, p-pero mare, n-normal lang ba sa isang babaeng katulad ko na madervirginized ng isang lalaki na hindi ko pa naman kilala na parang nagustuhan ko ang ginawa niya sa akin… “mahabang salaysay ni Diseree. Nasa mukha nito ang labis na kagulimihan.
Maski si Jaime ay nagulat at natigilan, hindi niya naexpect ang naging rebelasyon ng matalik na kaibigan.
“H-Hindi ko alam Diseree, sure ka ba na nagustuhan mo? Baka alam mo na, kasi baka kako first time mo. Siyempre naroon ang coriousity sa ganoong bagay.”conclude ni Jaime.
Mahabang patlang ang namagitan sa kanila pagkatapos niyon.
Hanggang magaan na dantay sa palad na nakapatong sa lamesa ang naramdaman ni Diseree buhat sa kaibigan.
“Huwag kang mag-alala Des, hindi kita hinuhusgahan. Magkaibigan tayo, k-kung ano man ang gusto mong mangyari nasa likod mo lang ako. Okay ba iyon?”taos sa puso na sabi ni Jaime.
Napatango naman si Diseree. Nasa mga mata na nito ang kislap.
“Alam mo bang umaasa ako sa mga nakalipas na araw na makita at makilala ko ang lalaking iyon na sana muli kaming magkatagpo…”naiusal niya.
“Mare, imposible naman iyon. Kung may lakas talaga ng loob at tapang ng mukha ang lalaking iyon. Hindi ka niya pagtataguan, sana nagpakilala siya sayo. Natitiyak ko, katawan lang niya ang hinabol mo!”huling sabi nito.
“S-Siguro…”nasabi na lamang ni Diseree.
Ngunit mariing tumatanggi ang kalooban niya. Ayaw niyang paniwalaan iyon, umaasa siya na muli silang magtatagpo ng lalaking sa hinagap niya’y hindi niya aakalain hahanap-hanapin niya…
MAKALIPAS ANG TATLONG TAON
“CONGRATS!”Malakas na pagbati ng mga kaibigan niyang dumalo sa kasal nila ni Guiller.
Masaya naman kinamayan ng bagong kasal ang mga bisita nila.
“Naku Mare! Best wishes huh! Happy ako for you!”Nasisiyahan bati ni Jaime kay Diseree na walang puknat ang ngiti sa labi.
“Thank you Mare.”sagot niya.
“Hindi ko ine-expect na sa anim na Buwan na mag-on kayo netong si Guiller ay papakasal kayo agad.”madaldal na wika ni Jaime. Isang siko naman ang ginawa ni June sa girlfriend.
“Ayaw ko na kasing pakawalan itong si Diseree Mareng Jaime, nasa kaniya na ang lahat ng hinahanap ko sa isang babae…”puno ng paghanga na bigkas ni Guiller rito.
Twenty three years old na si Diseree Lacson, isang secretary sa isang sikat na firm office sa Commonwealth. Mestisa features, chinitang mata na binagayan ng mahahabang pilikmata. Ilong na matangos, mapupula at pouty lips. Sa taas na 5’8 ft. Beauty queen na beauty queen, kaya nga para kay Guiller ay napakaswerti nito sa babaeng napangasawa.
Pare-parehas silang napatingin ng dumating na rin sa wakas sa veneu ng kasal ng mga ito si Nikolai Lacsamana
Agad linapitan ni Jaime ang bride.
“Mare! Look kung sinong kasama ni Boss Niko!”madiin bulong ni Jaime sa kaniya.
Mabilis naman humayon ang pansin ni Diseree sa papalapit na boss, tila biglang tumigil saglit ang mundo niya ng mapagsino ang guwapong lalaking kasama nito.
“Congratulations Mr. And Mrs. Jacinto!”Mainit na bati ni Nikolai na kinamayan pa sila.
“Thankyou Mr. Lacsamana,”tugon naman ni Guiller matapos na taggapin ang pakikipag-kamay ng boss ng asawa niya.
Hindi pa rin naimik si Diseree, ukopado kasi ng utak niya ang pagtitig niya sa bagong dating na lalaki.
“Nice wedding the both of you, best luck!”Sa wakas nawika ni Dr. Ezekiel U. Abenedi.
Titig na titig din ito kay Diseree.
“T-Thank you S-Sir,”maikling sagot lamang niya. Hindi niya na batid kong kapansin-panain ang pagkatense niya ng mga sandaling iyon.
Paano ba naman, ang ultimate crush niya noong college siya. Isa sa mga naging professor niya rin sa subject na Psychology kung saan naayon sa career nito ngayon.
Ang alam niya’y nagpunta ito ng America para doon ipagpatuloy ang pagtrabaho. Hindi aakalain ni Diseree na muli silang makakatagpo nito at sa araw pa ng kaniyang kasal.
Nakipagkamay si Diseree, hindi niya alam kung guni-guni niya lamang ang marahan pagpisil ni Ezekiel matapos na magdaop ang kamay nila.
Pakiramdam niya’y pamilyar sa kaniya ang init na hatid ng pagkakadikit ng balat nila ng lalaki.