ISANG mahigpit na yakap muna ang ginawa nina Desiree at Zedrick ng mga sandaling iyon.
"Kailan ka babalik Mama?"tanong ng bata na nabahiran na naman ng kalungkutan ang kabuuan ng inosenting mukha nito.
"Don't worry baby kapag nagka free time si Mama ay biya-biyahe ako pabalik dito, be sure behave ka kina Lola't Lolo. Huwag mo silang bigyan ng sakit ng ulo, huh! Saka a-andiyan naman si Papa Kiel mo,"litaniya ni Desiree na nagpahid pa ng luha.
"Okay Ma, m-mamimiss po kita."Pagkatapos niyon ay mahigpit na siyang niyakap muli na humagulhol pa ng iyak.
Maya-maya`y sunod-sunod na pagbusina mula sa kotse ni Guiller ang naulinigan nila.
"Sige na Anak, La, Lo, Kiel... k-kayo ng bahala s-sa---k-kay Zedrick."Matapos sabihin iyon ay mabilis na niyang tinalikuran ang anak na ilang beses pang tinawag ang pangalan niya.
Hahawakan na sana niya ang pinto ng kotse ng marinig niya ang tinig ni Ezekiel.
"Huwag kang mag-aalala sweetheart aalagaan ko ang anak natin. Babantayan ko sina Lola, pakikiusapan ko rin ang asawa mo na hayaan niyang kami na lang ang dumalaw sa apartment niyo para hindi ka napapagod sa biyahe."
Sa sandaling iyon ay nilingon ito ni Desiree at namutawi sa labi niya ang pasasalamat. Magaan na magaan na ang loob niyang pumasok sa kotse ng asawa.
MAHABA-HABA na ang ibiniyahe nila ng muli niyang marinig ang tinig ni Guiller.
"Sigurado akong sobra mong enenjoy ang tatlong araw na kasama ang anak mo at ang lalaking iyon. Ano ba ang mga ginawa niyo ni Ezekiel sa loob ng tatlong araw huh, Desiree? Ano magsalita ka. Mas masarap ba siyang kumantot sa akin? Kapag ba tulog ang anak niyo ginagapang ka ba niya? Nakakalimutan mo ba kami ng mga anak mo sa tuwing kasama mo sila?!"nanggigil na sabi ni Guiller na madilim na madilim ang mukha.
"Manahimik ka nga! Napakadumi ng isip mo! Ang kapal ng mukha mo na sabihin iyan sa harap ko. Hindi mo na ako nirespeto!"pabulyaw na pabalik na sagot ni Desiree.
"Dahil iyon ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko na ang asawa ko sa tatlong araw na hindi ka namin kasama ng mga anak mo ay hindi maalis-alis sa isip ko na matagal mo na pala akong pinapaikot! Matagal mo na pala akong pinagmumukhang gago! Sobrang sakit Des! Malayo ka na sa babaeng minahal ko rati,"mapait nitong amin.
"H-Honey..."nasapol si Desiree sa mga salitang binigkas ng asawa niya. Guilty'ng guilty siya.
"I'm s-sorry,"nabigkas na lamang ni Desiree.
"Gusto ko sanang hilingin sa'yo na layuan mo si Ezekiel pero paano mo gagawin iyon kung may karapatan siya para makipagkita sa'yo. Alam mo bang sinabi rin niya na kayang-kaya ka niyang agawin sa akin."
Nakatitig lamang si Desiree at hindi niya alam kong ano ang sasabihin niya sa asawa. Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman niya. Gulong-gulo na siya.
"Honey mahal mo naman ako diba? Hindi mo ako iiwan dahil nalaman mong siya ang ama ni Zedrick hindi ba? Mas mahalaga naman kami nina Darren at Warren?"Nasa tinig ni Guiller ang despirasyon.
Tumango naman si Desiree.
"Salamat hon, ngayon alam ko na kahit anong mangyari ay hindi mo kami iiwan ng mga bata,"tila nabunutan ng tinik na saad ni Guiller.
"Pero humihingi ako ng permiso sa'yo Guiller na sana pagbigyan mo ang kahilingan ko na dumalaw-dalaw si Zedrick sa akin sa apartment. S-sana tanggapin mo na siya hindi lang bilang anak ko, pero sana ituring mo na rin siyang isa sa mga anak natin."Nasa tinig ni Desiree ang pagsusumamo.
Kahit labag pa rin sa loob ni Guiller ay pumayag ito.
MAKALIPAS nga ang ilang araw ay tila bumalik sa normal ang pakikitungo nilang mag-asawa para bang walang nangyaring gusot sa buhay nila.
"Mag-iingat ka sa work honey."Kasabay niyon ang pag-abot ni Desiree sa suitcase na dinadala ng mister niya mula sa trabaho.
"Thank you hon, ingat na lang kayo ng mga bata. Baka gabihin na naman ako, kung hindi ako makauwi ay baka mag-over time ako kasama ng mga supervisor,"eksplika pa ni Guiller. Isang maiksi pang halik ang pinagsaluhan nila.
Kumaway pa si Desiree sa lalaki bago tuluyan sumara ang elevator na kinalulunaan nito.
Napabuntong-hininga na lang si Desiree sa biglang pagdaan ng mabigat na damdamin. Masaya na siya kahit paano ay okay na sila ni Guiller, tatayo na sana si Desiree ng biglang mag-ring ang smart phone niya mula sa bestidang suot-suot niya. Agad niya iyon kinuha at sinagot na hindi tinitignan ang caller.
"Hello Mama!"ang masayang pagbati ni Zedrick.
"Oh, hello anak, kumusta?"nasisiyahan na rin niyang sagot. Muli na siyang tumayo at maglalakad ng matigilan siya sa kasunod na sinabi nito.
"...hurry up Ma, ang init po dito sa labas."naulinigan pa niyang sabi ni Zedrick.
Isang mahigpit na yakap ang ginawa ng anak niya matapos mapagbuksan ng pinto ang mga ito.
"Oh, my, t-totoo nga na narito kayo sa city. Na-surprise naman akong talaga baby,"naiiyak niyang bigkas na mahigpit ang pagkakayakap sa bata.
Isang maluwang na ngiti ang itinugon ni Desiree kay Ezekiel na tumango lamang.
"Pasok kayo Lo, Lola... puntahan niyo lang sina Darren at Warren doon." itinuro ni Desiree ang silid ng mga bata.
"S-sino po sila Ma?"Nagtatakang-tanong ni Zedrick.
Nagtitigan naman silang dalawa ni Ezekiel.
"Mga kapatid mo sila baby, sige na samahan ka nina Lola,"sagot ng binata.
"Talaga po? May mga kapatid ho ako. Yeheey!"Nagtatalon ito saka masayang nagtatakbo papasok ng silid nina Darren.
"Easy apo! Baka madapa ka niyan!"ani naman ni Lola Ofen na naiiling na sumunod sa bata.
"Ang mabuti pa'y maghanda na kami ng lunch iha,"tukoy ni Lola Devina sa mga dala-dalang paper bag ni Lolo Marcelino.
"Naku! Nag-abala pa po kayo Lola."Habang itinuturo naman ni Desiree ang mga gagamitin ng mag-asawa sa munti nilang kusina.
"A-ayos lang iyan Des, ito talagang si Ezekiel ang nagsudgest na magdala kami ng mga gulay galing sa taniman nitong Lolo Marcelino mo. Kako baka hindi ka nakakain ng gulay dito sa Manila. Sakto pa na maraming nakalap na tilapia sa fish pond ni Ezekiel."Pagbibida ni Lola Devina na inilalabas na ang ilan mga iba't ibang klase ng gulay na iniilalagay din nito ang ilan sa may fridge.
"Sige doon ka muna mga apo, kami ng bahala rito ng Lolo Marcelino mo. Meron yatang sasabihin na importanteng bagay si Ezekiel sa'yo,"muling baling ni Lola Devina sa kanya na nakikitulong.
"Ah, ganoon po ba. Sure po kayo? S-sige po kapag meron po kayong kailangan tawagin niyo lang ho ako,"paalala pa niya saka naglakad na palabas.
Nakita nga ni Desiree si Ezekiel na nakatayo mula sa bintana ng kanilang sala. Tila malalim pa ang iniisip nito kaya upang hindi mapansin ng binata ang paglapit ng una.
Isang tikhim ang ginawa ni Desiree kaya upang lingunin siya ng binata. Pinagsalikop ni Desiree ang palad mula sa likuran.
"May sasabihin ka bang importante Kiel, mukhang nalimutan mo rin na ipaalam na darating kayo. Hindi tuloy ako nakapaglinis ng bahay, sobra kasi akong busy sa pag-aalaga sa kambal,"ani ni Desiree.
Nagulat na lamang siya ng bigla siyang yakapin ni Ezekiel. Gusto man niyang itulak ito ay hindi niya magawa. Dahil ang totoo, sobra niyang namiss ito.
"Hayaan mo nakausap ko naman kanina si Guiller, naabutan naman namin siya bago nakaalis."
"Ah okay,"maiksi niyang sagot. Walang ibang maisip na sasabihin si Desiree sa lalaki. Ang utak niya'y kasalukuyan nalulunod sa mga yakap ng binata. Ramdam niya ang lalong pinahigpit na yakap ni Ezekiel.
"Oh, bakit may problema ba Kiel?"nagtataka na niyang tanong. Unti-unti naman siyang binitiwan nito pagkatapos. Hinaplos-haplos pa ni Ezekiel ang kabuuan ng mukha niya.
"I'm sorry sweetheart,"anas nito.
"For what? Ano bang sinasabi mo h-hindi kita maintindihan,"naguguluhan ng sabi ni Desiree na binalot na rin ng kaba sa mga sandaling iyon.
Kapag ganoon na ganoon ang itsura nito ay mukhang malaking problema nga ang dala-dala nito.
Bigla siyang kinutuban ng masama sa naiisip.
"B-bakit Kiel, i-iiwan mo na kami ng anak ko?"
Agad iniwas ni Ezekiel ang mukha. Kinakabahan siya kung paano niya uumpisahan sabihin sa babae ang lahat. Kung makakaya pa siyang patawarin nito matapos niyang makagawa ng ikakasakit rito.
"Hindi ko alam pero please pakiusap, marinig mo man ang ipagtatapat ko sa'yo... huwag mo naman sana akong ipagtabuyan sa buhay ng anak natin a-at lalong-lalo na sa buhay mo."huling bitaw ng mga salita ni Ezekiel tuloy-tuloy nitong inamin kay Desiree ang lahat ng naging plano nito sa dumaan na isang taon mula ng maisipan nitong pumunta sa America.
Kitang-kita ni Ezekiel kung paano lumatay ang sakit sa magandang mukha ng babae na kinababaliwan niya.
"Dalhin m-mo ako sa k-kanila..."Matapos makabawi sa pagkabigla iyon ang unang nasabi ni Desiree. Agad iniwas nito ang pansin kay Ezekiel.
"Kaya mo na ba Desiree? Anong plano mong gawin?"
"Huwag kang mag-aalala kung iniisip mong manggugulo ako. H-hindi ko iyan gagawin, pero g-gusto kong makita ng dalawa kong mata sila! karapatan kong ipaglaban ang alam ko. Legal pa rin naman akong asawa ni Guiller hindi ba?"
"Galit ka ba sa ginawa ko sweetheart?"tanong ni Ezekiel na hindi makatingin ng diretso sa babae.
"Hindi, dahil kung mahal ako ng asawa ko hindi niya hahayaan pumasok sa patibong na ikaw mismo ang naghain sa kanya. K-kung mahal niya kami ng mga anak niya hindi niya magagawang mambabae kahit ikaw pa mismo Ezekiel ang nagplano para akitin siya ni Melissa."Pagkatapos niyang masabi iyon ay naglakad na siya papasok sa silid nilang mag-asawa. Unang bumungad kay Desiree ang malaking picture frame na may kalakip na kuha nilang mag-asawa noong ikinasal sila na nakasabit sa pader.
Napahagulhol na siya, kasabay niyon ang pagtatakip ng magkabilang palad niya upang hindi manulas sa bibig niya ang mga hikbi. Tuluyan niyang isinandig ang likod niya sa pinto. Hinayaan niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob sa mga nalaman.
Hindi niya malubos maisip na sobra-sobrang pagpipigil ang ginawa niya upang paglabanin ang tukso mula kay Ezekiel. Pero habang inilalaban niya ang pamilyang binuo nila ni Guiller ay ito pa rin pala ang siyang sisira niyon.
Sa mga sandaling iyon, isa lang ang narealize ni Desiree. Hindi niya ikukulong ang sarili sa isang pagsasama na puro sama ng loob ang hatid sa buhay niya.