CHAPTER 12

1169 Words
Chapter 12 Pagkahulog mula sa bangka When he said those words, her heart is skips a beat and this isn't normal. Dahil hindi naman ganito kabilis ang pagtibok ng puso niya kapag hindi niya nakikita ang binata. But she can't deny the fact na kinilig siya sa sinabi nito. She felt like there's a butterflies inside her stomach at parang nag-init ang pisngi niya. Baka namumula na siya ngayon. "I am Jorden. Jorden Greycent Aligrossa. 29 years old, how about yours? How old are you Ross?" he asked and confused written on her face. Ilang taon na nga ba siya? Hindi niya alam, siguro magkasing edad lang sila? O mas higit pa? Ah, hindi niya alam. Kung pipilitin na naman niya ang sarili niya na alalahanin iyon ay baka sasakit na naman ang kanyang ulo. Nag-iwas siya nang tingin sa binata at hindi pinansin ang mga tanong nito. Wala naman siyang maisasagot at isa pa. Baka pagtawanan pa siya nito dahil hindi siya nakakapagsalita. Tinitigan lang ni Jorden ang dalaga. Hindi nito sinagot ang kanyang tanong. Mahirap kausap ang dalaga sa totoo lang. Oh, hindi naman pala ito nakakapagsalita. Baka may disorder ito sa pagsasalita, o baka naman pipi ito? He have no idea for that. Tumikhim na muna siya at tinanong ulit si Ross kung nais ba nitong sumakay ng bangka. Kunot-noong tinitigan lang siya nito at tumayo na lang ito ng walang pasabi-sabi. Napatayo na rin siya at naglakad palayo sa kanya ang dalaga. "Hey, Ross! Where are you going?" pahabol na tanong niya pero hindi siya sinagot ng dalaga. Nagdire-diretso lang ito sa paglalakad. Napabuntong-hininga siya at napangisi nang may nabuong kapilyuhan sa utak niya. Mabilis na sinundan niya si Ross at walang sabi-sabi na pinangko ito na parang isang sakong bigas. "You can't go away without my permission," he uttured at naglakad patungo sa tabing dagat. Ross can't move, she want to speak at sigawan ang binata dahil sa biglaang pagbuhat nito sa kanya. Nahihilo siya sa paraan nang pagbuhat nito at napahawak siya nang mahigpit sa laylayan ng damit nito. Ibinaba siya nito at naramdaman niya ang malamig na tubig sa paa niya. "Please, stay. I want to be with you Ross..." he whispered. Her heart skips a beat, again, dahan-dahan at hanggang sa bumilis ang t***k nito. Hindi niya magawang humakbang at umalis dahil sa malambing na boses ng binata at tila bang nakikiusap ito sa kanya. "Promise, mag-e-enjoy ka rito." Pinanood niya lang ang binata sa pag-aayos ng maliit na bangka nito. Nakasuot lang ito ng manilis na t-shirt, kaya mas nag-flex ang ganda ng katawan nito. Lalo na ang muscles nito na akala mo ay galit na galit dahil sa mga ugat no'n. Ang sarap sigurong makulong sa mga bisig nito. She shook her head several times. Kung anu-ano na ang naiisip niya. Ilang minuto ito nag-ayos at lumapit sa kanya pagkatapos. "Come on, Ross." Hinawakan siya nito sa kaliwang kamay niya at marahang hinila. Lumapit sila sa maliit na bangka. Muli siyang nagulat nang binuhat na naman siya ni Jorden. At ibinaba sa bangka. Bahagyang gumalaw ito kaya naman mabilis siyang nakakapit sa damit ni Jorden. A soft chuckled come out from his mouth and it's like a music on her ears. "Don't move," natatawang saad nito. Nakahawak pa ito sa baiwang niya at tinanggal ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa damit nito. "Trust me, hindi ka mahuhulog. Hawakan mo lang ang bangka," pilit na ngiting sabi nito at dinala nito ang mga kamay niya sa bangka at doon siya napakapit. Natatakot siyang gumalaw ang bangka at baka mahulog siya ng wala sa oras. Takot pa naman siya sa dagat at marahil ay hindi siya marunong lumangoy. Mahinang tinulak nito ang bangka sa parte ng dagat na hanggang baiwang lang nito. Pinanood niya lamang si Jorden. Nasa unahan niya ito at nasa dulo ng bangka. Nang umabot na sa baiwang nito ang lalim ng dagat ay saka ito sumakay sa bangka. Muli na namang gumalaw ang bangka. Mahihinang ungol lang ang kumawala sa bibig niya. Napatawa ulit si Jorden at inabot ang sagwan. She nearly roll her eyes. Kung nakakapagsalita lang sana siya ay baka napagalitan na niya ito. Sa halip na maawa ito sa kanya ay mas masaya pang makita siyang ganito. Buwisit talaga. "Don't worry hindi tayo mahuhulog," sambit nito at kumindat sa kanya. Napakislot na naman ang puso niya. Ginugulo lang nito ang t***k ng puso niya. "I'll take you, somewhere, I know mag-e-enjoy ka roon." Nagsimulang mag-sagwan si Jorden at napapansin niyang naroon pa rin ang takot nito. Umiling na lang siya at ngumiti. Bagamat madalas ang pgsulyap niya rito. Tahimik lang silang dalawa at tuluy-tuloy lang siya sa pagsasagwan at hanggang sa nakarating sila sa likuran ng bahay-bakasyunan. Nasa Rossa Island din ito at medyo may kalayuan dahil na rin na malaki ang isla. Pwede naman itong lakarin pero daraan ka pa sa masukal at maraming bato. "We're here," mahinang saad niya. Tinago na niya sa bangka ang sagwan at akmang tatalon na siya sa dagat nang gumalaw na naman ang bangka at muli siyang nahawakan ni Ross sa dulo ng damit niya. Takot na takog ito maiwanan mag-isa sa bangka. "Stay here for awhile, Ross." Umiling ito at mas lumapit sa kanya kaya naman gumalaw-galaw na ang bangka. Pinadausdos niya ang braso niya sa baiwang ni Ross at bigla itong yumakap sa kanya kaya dahilan na nawalan ng balanse ang bangka at parehas silang nahulog. Bumilis ang t***k ng puso ni Ross nang muling maramdaman ang lamig ng dagat at hayon na naman ang pakiramdam niya. Nasa ilalim na naman siya ng dagat at may imahe na naman siyang nakikita. Bigla siyang nakainum ng maalat na tubig at nahihirapan siyang huminga. Pinilit niyang lumangoy pero hindi niya kaya. Naramdaman niya ang brasong dumausdos sa baiwang niya at inahon siya pataas. "Are you alright, Ross?" nag-aalalang tanong ni Jorden kay Ross. Hinawi niya ang nakatabing buhok nito sa pisngi at sunud-sunod na napaubo. Nang mahulog sila kanina ay nabitawan niya ang dalaga. Dahil sa gulat. Hindi naman niya 'yon inaasahan. Isang mahihinang ungol lang nito ang narinig niya at yumakap ang kaliwang braso nito sa leeg niya. Hinilig nito ang ulo sa dibdib niya at nakaramdam siya ng hindi pamilyar na panginginig sa buong sistema niya. Nagugustuhan niya ang ganitong ayos nilang dalawa. Napapangiti na lamang siya at hinaplos ang buhok nito. "Matakutin," natatawang komento niya. Hindi gumalaw si Ross at nararamdaman niya ang mainit na hininga nito sa dibdib niya. Kahit nakasuot pa siya ng basang damit ay ramdam pa rin niya ang mainit na hininga nito. Mas hinapit pa niya ito papalapit sa kanya at nagsimula siyang maglakad na bahagyang binuhat-buhat niya si Ross. Hinila niya ang maliit na bangka na gamit naman ang kanyang kaliwang kamay. Naglakad siya patungo sa parte ng buhangin na walang tubig. Hindi alintana ang bigat ng dalaga. Nakakatawang nahulog sila pero mas nangingibabaw ang saya sa puso niya. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD