You're Not My Brother
Episode 2
Red
Nakaupo ako sa bleachers ng gymnasium nang ilapag ni Dale sa tabi ko ang pinabili ko sa kanya na inumin.
First day pa lang ng klase kaya wala pang gumagamit ng gym pero pinili namin na dito muna tumambay habang hindi pa oras ng klase.
Highschool pa lang kami ay kaibigan ko na si Dale. Silang dalawa ng heartrob na si Kazu. Hanggang sa Senior High ay kami ang magkakasama. Dito rin mismo sa school na ito.
Pero ngayong college na kami ay nahiwalay sa amin si Dale dahil ibang course ang kinuha niya. Si Kazu ay kaklase ko pa rin. Pareho kaming anak ng businessman kaya sa linya ng business courses kami napunta.
Hindi sa gusto ko ang business. Pero dahil si Daddy na naman ang nasunod ay wala na naman akong nagawa.
Pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Pero hindi ibig sabihin ay makikiayon na ako sa kanya. May plano ako, ang isabotahe ang pag-aaral ko hanggang sa si Daddy na mismo ang magsabi sa akin na kunin ko na lang kung anong course ang gusto ko.
Dinampot ko ang malamig na bote ng mineral water saka ko iyon ininom. Pagkatapos ay tumingin ako sa dalawang babae na nasa di kalayuan. Maiiksi ang mga palda kaya nakalantad sa mga mata ko ang makikinis nilang mga hita.
Dahil sa nakikita ko ay hindi ko naiwasan na mapalunok kasabay ng pagkakaroon ko ng hard on.
Napasulyap ako sa mga kaibigan ko. Si Kazu ay abala sa pagbutingting sa cellphone niya habang si Dale naman ay nakatitig din sa magandang tanawin na nakikita ko.
Pasimple kong kinambyo ang harapan ko saka na ako umiwas ng tingin sa mga babae. Hindi ako maaaring tigasan ng matagal dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang unang klase namin. Mahihirapan ako na maglakad patungo sa classroom.
"Huwag na lang kaya muna tayong pumasok, Kazu? Tutal first day pa lang naman. Magpapakilala lang tayo malamang." sabi ko.
Natawa naman si Dale na tila natuwa pa sa narinig niya. "Tara laro na lang tayo sa bahay. Labanan natin ang mga tropa ko sa amin." sabi niya.
"Huwag ninyo akong idadamay sa mga kalokohan ninyong dalawa." seryosong sagot ni Kazu na hindi man lang nawawala sa screen ng cellphone niya ang focus niya.
Dahil ayaw din naman lumiban ni Kazu ay wala na kaming nagawa kung hindi ang pumasok na lang din.
Humiwalay na sa amin si Dale dahil ang classroom niya ay nasa kabilang building.
Kasunod ko si Kazu na abala pa rin sa gadget niya habang ako naman ay maangas na naglalakad sa harapan niya.
Hindi na bago sa akin ang lugar kaya hindi na rin ako nahirapan na hanapin ang classroom namin.
Nang matanaw ko na ang room G-204 ay lumingon ako at sinulyapan ko si Kazu na kasalukuyang inilalagay sa bulsa niya ang cellphone niya.
Napangiti ako saka na ako nagtangka na pumasok sa pinto pero may papasok din pala na isang estudyante.
Maluwag ang mga pintuan ng mga classroom sa school na ito pero dahil pareho kaming malaking bulas ay hindi kami nagkasya na dalawa.
Nagkabanggaan ang mga braso namin at sabay pa kaming napaatras muli palabas. Napahinto rin si Kazu sa paghakbang.
Pareho kaming sumulyap ng lalaki sa isa't isa. Maamo ang mukha niya ngunit may nabanaag ako na kakaiba sa kanina ay mapupungay niyang mga mata na ngayon ay kababakasan na ng tapang.
Hindi na niya ako hinintay pa na magsalita. Mabilis na siyang nagpatuloy sa pagpasok at naiwan kami ni Kazu na nakasunod ng tingin sa kanya.
Napapailing na napangisi na lang ako saka na ako pumasok sa loob ng silid. Maangas ang isang yun pero magbabago yan sa mga susunod na araw. Tinitiyak ko iyon.
Dahil halos puno na ang mga silya sa loob ay sa bandang likuran na kami naupo ni Kazu. Hindi naman nalalayo sa kinauupuan ko ang puwesto ng lalaking nakabanggaan ko sa pintuan kanina.
Tahimik lang siya na tila ba napakalalim ng iniisip. Hindi ko namamalayan na pinagmamasdan ko na pala siya ng mas matagal kaysa sa normal.
Sino ka ba? Bulong ko sa isip ko.
Ilang sandali pa ay nagpasya ako na sulyapan ang mga kaklase ko na nasa loob ng classroom.
Ilan sa kanila ay mga kakilala na namin ni Kazu dahil dito rin sila nag-aral last year. Pero karamihan ay puro mga baguhan na mula sa iba't ibang paaralan.
Muli ay bumalik ang tingin ko sa tahimik na lalaki na nasa kabilang row at seryosong nakatanga pa rin sa harapan.
Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kanya. May kakaiba talaga sa isang ito. Sigurado ako na hindi pa niya ako kilala pero sa mga susunod na araw ay malalaman niya kung sino ba ako sa school na ito.
Sinulyapan ko si Kazu. Busy na naman siya sa gadget niya. Napailing na lang ako. Kaya lumalabo ang mata ni gago dahil sa kakababad sa screen.
Ilang sandali pa ay pumasok na ang professor namin para sa unang subject. Si Mr. Galvez.
Natawa pa ako nang matisod siya sa pag-akyat sa platform. Sinikap namang pigilan ng mga kaklase ko ang pagtawa nila.
Napakamot na lang siya sa napapanot na niyang ulo saka na niya sinimulang ipakilala ang sarili niya. Sumunod na nagpakilala ang mga kaklase namin.
Dahil nababagot ako ay tumanaw na lang ako sa labas ng bintana. Mabuti na lamang at ito ang pwesto na nakuha ko. Natatanaw ko ang mga estudyante na nasa labas.
"Good morning everyone, my name is Gael Robles..."
Mabilis akong napasulyap sa lalaking nagsasalita. Nakita ko na nakatayo na ang lalaking kanina pa pumupukaw ng kuryosidad ko. Nagpapakilala siya sa buong klase at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napakasarap sa pandinig ng kanyang tinig. Buo at malamig. Kasinlamig ng samahan namin ngayon ng Daddy ko.
"I am eighteen years old at nanggaling po ako sa Pampanga."
Nakita ko ang kinikilig na itsura ng mga kaklase naming babae habang nakatitig sila kay Gael.
Napaingos ako. Sabagay hindi ko naman sila masisisi. Gwapo si gago. Pero mas gwapo pa rin ako syempre. Napangisi ako dahil sa mga naiisip ko.
Nakita ko na nakatingin sa akin si Kazu na tila ba takang-taka sa reaksyon ko. Nakangiwi pa si gago.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko saka ko siya binanatan. "May naalala ako na nakakatawa. Bakit, may problema ka ba?" maangas na sita ko sa kanya dahil medyo napahiya ako. "Sapakin kita diyan eh." mahinang bulong ko.
Napailing na lang siya saka na siya muling bumaling sa harapan.
Napaisip naman ako. Sa pagkakaalam ko ay sa Pampanga rin dating nakatira ang bagong asawa ni Daddy bago siya nagpasya na magtrabaho dito sa Maynila.
Nailing na lang ako. Bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon? Hindi ko siya dapat pinag-aaksayahan ng oras ko.
Hindi ko namalayan na natapos na pala ang mga sumunod na estudyante. Ako na ang magpapakilala pero napakalayo ng tinatakbo ng isipan ko.
Kinalabit ako ni Kazu at doon pa lang naibalik sa loob ng classroom ang atensyon ko.
Nag-angat ako ng tingin. Sa akin na nakatuon ang mga mata ng lahat. Maging si Gael ay nakalingon na rin sa gawi ko.
Nakita ko ang pagtawag sa akin ni Galvez. Patamad akong tumayo saka ko siya tinitigan. Mata sa mata.
"Hindi ko alam na may espesyal na estudyante pala ako sa klase na ito. Kilalang kilala na kita Mr Serrano. Pero dahil marami sa mga bagong kaklase mo ang baguhan lang sa university na ito ay magpakilala ka dito sa harapan."
"Nang-aasar ka ba? Silang lahat nagpakilala sa mismong upuan lang nila pagkatapos ako diyan pa sa harapan?" inis na sagot ko sa kanya.
Kilalang kilala ako ng damuho na ito. Sa katunayan ay siya pa nga ang palagi na lamang nagsusuplong sa akin noon sa guidance office kapag nakakagawa ako ng mga kalokohan kaya napapahamak ako.
"Magtungo ka na rito at huwag ka nang magmayabang pa. Kung ako lang ay ayaw kitang maging estudyante." sabi niya.
Ikiniking ko na lang ang ulo ko saka na ako patamad na humakbang patungo sa harapan.
Kung makikipag-argumento pa ako sa kanya ay lalong hindi matatapos ito. Pinag-iinitan ako ni gago dahil minsan na siyang nagtangka na umiskor sa akin pero napahiya siya.
Putanginang bakla na to.
Galit na nakatitig lang ako sa kanya upang malaman niya na hindi ako natutuwa sa pinaggagagawa niya.
Hindi ko napansin na nakalabas pala ng bahagya ang isang paa ni Gael. Natisod ako doon at bago pa ako makahuma ay lumagapak na ako sa sahig.
"s**t! Putang-ina!" malutong na sigaw ko saka ako mabilis na tumayo. Marahan namang iniurong ni Gael ang paa niya.
Nakita ko ang ilan sa mga kaklase ko na pinagtatawanan ako dahil sa nangyari. Sa kanila ko ipinukol ang nakamamatay na mga tingin ko kaya huminto sila.
Inis na bumaling ako kay Gael na tila ba inosente na nakatitig lang din sa akin. Wala akong mabasa na emosyon sa mukha niya. Basta ang alam ko lang ay nakatitig siya sa akin.
"Bakit ganyan ka makatingin? Sa tingin mo ba sinadya ko iyon?" sabi niya.
Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay tinitigan ko lang siya ng masama.
"Hey!" sabi niya saka niya hinawakan ang kamay ko. Akala siguro niya ay sasapakin ko na siya.
"Pasensya ka na. Hindi ko naman sinadya na iharang ang paa ko. Nangangawit kasi ako kanina kaya ko iniunat." paliwanag niya.
Marahas na inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa kamao ko saka na ako naglakad patungo sa harapan.
"Kawawa naman sa Gael. Naku baka pag-initan na siya ni Red." narinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya. Nahihimigan ko ang pag-aalala sa tinig niya.
Umangat ang isang sulok ng labi ko ngunit hindi para sa isang ngiti kundi para mang-uyam.
Natapos ang klase namin kay Galvez na walang sandali na hindi ako nabagot. Kaya nang magring ang bell ay mabilis kong hinatak si Kazu palabas ng classroom.
Natataranta pa niyang hinablot ang bag niya mula sa upuan habang hila ko ang braso niya.
Lumabas kami ng campus para mananghalian sa food chain na paborito ni Kazu.
Pabalik na kami sa school nang matanaw ko si Gael na lumabas mula sa isang mumurahing kainan.
Dahil nasa bandang unahan namin siya ni Kazu ay hindi niya kami napansin. Mag-isa lang siya at diretso lang din ang tingin sa daan habang ang dalawang kamay ay nakahawak sa sabitan ng kanyang backpack.
Nagpatuloy lang ang klase na kay Gael ako palaging nakasulyap. Hanggang sa mapatingin ako sa bag niya na nasa upuan niya. Napangiti ako. Pilyong ngiti dahil may naiisip ako na kalokohan.
Mabilis na natapos ang huling subject namin. Hindi ko na napansin pa ang paglabas ni Gael sa classroom. Nang mapasulyap ako sa gawi niya ay wala na siya doon.
Iginala ko pa sa buong room ang tingin ko pero wala na talaga siya.
Paglabas namin ni Kazu ay natanaw ko si Gael sa di kalayuan. May kasama siyang matangkad na lalaki at kasalukuyan silang naglalakad palabas ng campus.
Hindi ko na sila nasundan pa nang tingin dahil bigla nang sumulpot sa harapan namin si Dale.
"Sino ba ang pinagmamasdan mo at humahaba yanf leeg mo na parang giraffe?" tanong niya.
"Napahiya kasi siya kanina sa classroom. Sa palagay ko may binabalak na masama yan kay Gael." singit ni Kazu.
Napangisi naman ako saka ko siya sinakal gamit ang braso ko.
"Anong sabi mo ha? Napakasama talaga ng tingin mo sa pinsan mo. Pero tama ka. May binabalak nga ako kay Gael." nakangisi na sabi ko habang hinaharot ko si Kazu.
"Bar tayo mamaya." sambit ni Dale habang palabas na kami ng campus.
"Pwede ba akong sumama?" si Kazu
"Hindi!" mabilis na sagot ko. "May kasalanan ka sakin. Hindi kita ipagpapaalam sa inyo." biro ko.
Lumabi naman siya saka siya tumingin kay Dale. "Hindi ko na kailangan ng paalam mo. Pinapayagan na ko na lumabas. College na ko. Hindi na ako bata."
Natawa naman ako ngunit nawala ang ngiti sa mga labi ko nang matanaw ko ang driver ni Daddy na naghihintay sa amin sa labas.
Napahinto ako sa paglalakad at napako ang tingin ko sa mamahaling sasakyan na dala niya.
"Ipinasusundo ka ng Daddy mo, Tor." maawtoridad na salubong niya sa akin.
Kumuyom ang mga kamay ko at lumagutok ang mga ngipin ko dahil sa pagpipigil ng inis.
Hindi ko alam kung ano na naman ang kailangan ni Darius. Pero sigurado ako na hindi ko na naman magugustuhan ito.
Sumulyap ako kina Kazu at Dale.
"Mauna na kayo. Magtext ka na lang mamaya." sabi ko kay Dale saka na ako tahimik na sumakay sa sasakyan ni Daddy.