“YOU b***h!” narinig ni Glaysa na sabi ni Beatriz, kasunod niyon ang mariing pagsabunot sa buhok niya, hinila siya at dahil hindi siya handa, na-out of balance siya at nalaglag mula sa kinauupuang stool. Naging napakasakit ng pagbagsak ng balakang niya. Agad siyang kinubabawan ni Beatriz at pinagsasampal. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. “Isa kang salot na dumating sa buhay ko. Adam hates me now. Alam kong kinamumuhian niya ako at hinding-hindi mapapatawad. Putang-ina ka!” Sinikap niyang kumawala. Nagawa naman niya. Bumangon siya at lumayo dito. Mahapdi ang anit niya, at mahapdi rin ang mukha at leeg dahil sa kalmot nito. “Sa ating dalawa, mas puta ka,” balik niya. Pinawi ng pagmamahal niya kay Adam ang galit niya sa ginawa nito sa kanya noon. Pero ibang usa

