"You did great!" proud na bati sa kanya ng pinsan. Sa wakas natapos din ang final presentation ng kanilang proposal para promotion ng bubuksang luxury hotel ng K Group. Kita sa mukha ng mga board of directors at executives ang approval para sa nasabing proposal. Malaking bagay din ang pakikipagtulungan sa kanila ng opisina ni Santi para matapos ito. Hindi lubos akalain ni Irea na siya ang aatasan ng kanyang pinsan na magpresent nito harap ng lahat. "I know and you have to pay me double!" nakaingos na sabi niya dito. Pwede na siyang tumanggap ng ibang gig ngayon dahil tapos na project niya para kompanya ng pinsan. Ang totoo niyan bago mag-umpisa ay kabado ang dalaga. Even with M Foods before, hindi naexperience ng dalaga ang magsalita sa harap ng board, idagdag pa ang mga executives ng

