Chapter 18

1830 Words
DUMUKWANG si Irea upang damputin ang kanyang running shoes. '3:00AM' ang oras na nagflash sa kanyang suot na smart watch. Maagang nakatulog ang dalaga kaya napaaga din ang kanyang gising. Nasamyo niya ang halimuyak ng bulgarian roses na nakalagay sa bagong bili niyang plorera na nasa ibabaw ng shelf. Galing ang mga ito kay Santi. Nagmistula nang garden in bloom ang loob ng kanyang apartment dahil sa loob ng isang linggo nitong pagsama sa kanya para magjogging ay may dala-dala itong bulaklak. "Water bottle, check." "Face towel, check." "Ear pods, check." Nang masiguro ng dalaga na wala na siyang nakalimutan ay lumabas na siya ng pinto. Mabilisan niyang ipinusod ang mahabang buhok. Lulan ng elevator mula sa 5th floor kung saan naroon ang ino-ukopa niyang apartment, nagsimulang magstretching ang dalaga. Magaan ang pakiramdam niya. This is what she loves about running. Natigil siya sa ginagawa nang bumukas ang pinto ng elevator. Binagtas niya ang lobby palabas ng building. Mas maaga siya ngayon kumpara sa mga nakaraang araw pero hindi mapagkakailang busy na ang paligid. Nahagip ng kanyang mga mata ang isang sasakyang nakaparada sa may parking lot sa harap ng building. Nakatayo sa tabi nito si Santi at nakasandal sa pinto ng driver's side. Nakapikit ang mga mata nito at bahagyang nakahilig ang ulo. Anong oras ito dumating? Gaano na ito katagal na nakatayo doon? Marahan niyang nilapitan ito. Huminto siya sa paghakbang nang mga isang dipa nalang ang layo niya mula dito. This is the second time she got to observe him this close. Sa tulong ng liwanag mula sa mga ilaw sa paligid nila, kita niya ang dahan dahang pagtaas baba ng dibdib nito. He has a 5 o'clock shadow beard. "Is he sleeping?" He looks so calm with his eyes closed. Sa pagkakahalukipkip nito ay mas naging prominente ang mga biceps ng binata. Mataman niyang pinasadahan ng tingin ang pigura nito. He has wide shoulders and slender hips. Suddenly, Irea got reminded of the incident at Marcelo's. Agad niya iyong pinalis sa isip. Today, he is again wearing his usual plain white shirt and running shorts. He looks a bit tired. Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit nag-aabala pa itong puntahan siya sa kabila ng pagiging busy nito sa trabaho. Bagaman, unti-unti na siyang nasasanay sa presensya nito, hindi parin kumbinsido ang dalaga sa ginawang pag-amin nito sa kanya. Irea noticed that his impudent curiosity toned down a bit. Hindi na ito parang high school kung magtanong na tila ba may balak gumawa ito ng slumbook niya. Some of his questions are annoying but she still finds herself answering them in the end. Naging seryoso na ang mga tanong nito. Just the other day he asked about her current job. How did she ended being a freelancer. Sinagot niya naman ang mga ito, leaving the details about her love life of course. To her surprise nagmulat na pala ito ng mata at nakangiting bumati ito sa kanya, "Hi! You're early today." Agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi malaman ng dalaga ang gagawin sa pagkakahuli nito sa kanya. Wala naman siyang balak titigan ito ng matagal o panoorin ito habang natutulog. Nakaramdam lang siya ng konting awa dahil sa nakitang itsura nito. "Mr. Villamar, aren't you a busy person?" pagtatago niya sa di maipaliwanag na kabang nararamdaman sa mga sandaling iyon. "Santi," narinig niyang sabi nito. She gave him a puzzled look. "Jacob Santiago, that's my name in case you don't know, but you can call me Jacob or Santi, whichever you prefer," pagbibigay alam nito sa kanya. Tila nahihiyang napakamot pa ito sa batok. "Ok, Santiago," ulit niya sa gitnang pangalan nito. Natigilan ang binata. It was only his grandma who calls him by his middle name. Iyon ang tawag nito sa kanya tuwing naglalambing ito, kinuha daw kasi iyon sa pangalan ng noo'y kanyang yumaong lolo. "Sorry, Santi," maya-maya ay bawi niya naunang sinabi. "No, it's ok. It's been a while since someone called me by that name." Binuksan nito sandali ang pinto ng kanyang sasakyan at tila may kinuha sa loob nito, "Anyway, this is for you." Inabot nito sa kanya ang isang bugkos ng bulaklak na forget-me-not. The stems were tied with royal blue colored laces. It was artistically blended with a couple of baby's breath flowers which made it look like ethereal. Lihim na natuwa ang dalaga. She adores flowers, though, sometimes she would rather not have them. Practicality wise, she would prefer food more. Isa pa, nanghihinayang siya kapag nakikita niyang nagsisimula nang malanta ang mga ito. Ano ang gagawin niya sa lantang bulaklak? However, she feels a bit different right now. Irea buried her nose in the delicate blue petals. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng mga ngiti sa labi. "Thanks!" She felt her cheeks burned. Pagkasabi niya ay agad siyang tumalikod at muling pumasok sa building upang dalhin ang mga bulaklak sa kanyang apartment. She could've just leave them in the receptionist area like she always does but the flowers look so dainty. Nanghinayang siya baka malanta lang ang mga ito. Sayang naman. Santi was left with a hopeful smile. Sa nakita niyang pagkakangiti ng dalaga may sumilay na pag-asa sa puso niya. Marahil ay mali siya ng akala na suntok sa buwan ang payo ng kaibigang si Rueben. He suddenly felt more confident. After few minutes, nakalabas na ulit ng building ang dalaga. At dahil maaga pa hindi siya nagmamadaling maglakad. She bit the inner side of her lower lip, it's her habit when she feels distracted. Bakit? Dahil hindi niya akalain na tatabihan siya ng binata sa paglalakad. Nasanay siya na lagi itong nasa likod niya. Where does his sudden confidence come from? "Err, I know it's still too early but, would you care to have breakfast with me after?" Sandaling tila nag-isip ang dalaga. "Kung ok lang sayo ang Tapsilog. I know a place nearby," sagot niya dito. Tutal ubos na din ang supplies niya at bilang pa-konswelo na din sa binata. Nagliwanag ang mukha ng binata. "Of course!" Nang makatawid sila sa balinag kalsada ay muli itong sumabay sa kanya sa paglalakad. Sandaling lumipat ito sa gawi kung saan may nagdadaang sasakyan. Ah, 'a gentleman's gesture' ika nga. "Don't you really have plans about going back to being fulltime? I can see that you're excellent with your job and you could get promoted easily," pahayag nito. "I enjoy my work set up right now. Isa pa, stressful ang office." Balak pa ata nitong i-scout siya. "Besides, I don't care much about being promoted, maliban sa title at sweldo nothing much will change." "How about, I promote you into being the company President's wife then?" he mumbled. "Pardon?" "Yeah, I agree with you." Walang anumang sabi nito. Muntik nang matalisod si Irea. One of her unusual talents is that she has a very sharp ear. Hindi niya alam kung inborn ba ito. Or maybe she developed it because when she was a child, she's always on the lookout if her mom would cry. Mabuti nalang at nakatawid na sila ng kalsada. Napatunayan niya na wala talaga itong preno sa pagsasalita. Wife? What was he thinking? "This guy really!" Hindi na umimik ang dalaga. Nagkunwari si Irea na hindi niya narinig ang sinabi nito. Nang makarating sila sa park ay pasado alas kuwatro na ng madaling araw. Nag-stretching ulit siya ng kinse minutos bago sinimulan ang pagtakbo. Ipinagpasalamt niya dahil hindi na din muling nagsalita si Santi. walang lingong likod na dumiretso na siya sa pagtakbo upang iwasan ang binata. The moment she heard him; her thoughts came into complete halt. It made her feel rather offended. He may have no knowledge of her past experience pero para sa dalaga hindi ito magandang sabihin bilang biro kahit kanino. She was lost in that thought when she felt like she bumped into a person. "Oh my god! I'm so sorry. Hindi ako nakatingin sa madadaan ko," puno ng pag-aalalang sabi niya. Dahil bigla siyang yumuko dala ng paghingi ng paumanhin ay hindi niya agad nakita kung sino ang kanya aksidenteng nabangga. "Lower! I think I broke my back! You should pay for it!" masungit na sabi ng babae. Napakunot ang noo ni Irea. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Bigla siyang napatayo ng tuwid. Nakakalokong mukha ng kaibigang si Audrey ang nakita niya. Halatang pigil na pigil ito sa pagtawa. "Sabi ko na nga ba eh! Anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa natutong magjogging?" napipikon niyang tanong dito. "Ang harsh! Bakit ikaw lang ba ang may karapatang tumakbo nang may kasamang pogi!" nakaingos na sabi nito. Inirapan lang niya ang kaibigan. "Kaya pala sumi-seksi tayo lalo huh! May inspirasyon pala! Siya ba ang dahilan kaya wala ka sa sarili mo?" tudyo nito sa kanya. "Tse!" aniya dito at kumilos ulit upang tumakbo. Agad namang sumunod ito sa kanya. "Ayon sa aking bubwit isang linggo ka na daw pinupuntahan ni Mr. President." Of course, kanino pa nga ba nito nabalitaan iyon, malamang ay sa chika ng kanyang mahaderang landlady. "I think it's high time na makilala ko na siya." "Oh, eh, di hanapin mo siya dito sa park at magpakilala ka!" "Kita mo lang! Tingnan mo yang ugali mo! Nagmamagandang loob lang ako. Siyempre kailangan ko siyang kilatisin kung papasa ba siya, diba!" hingal na hingal nitong saad. Lihim siyang napatawa dahil sinadya niyang bilisan ang pagtakbo upang iwanan ito pero pinilit siya nitong habulin. Malapit na silang makarating sa dulo ng running course. "Ikaw yung gustong makipagkilala di ba!" she said catching her breath. Wala siyang nagawa nang sinunggaban siya nito dahil aktong tatakbo sana siya ulit. "Hep! Alam ko style mo bruha! Don't me!" "Fine! Bitawan mo na ako." "Umayos ka bruha, busy ako sa project. Ngayon lang ako may time!" pinandilatan siya nito. "Ahh, so, gumising ka lang talaga ng maaga para makasagap ng chismis?" "Hoy! Hindi ah! Seryoso ako, gusto kong makilala si Mr. President mo," anito na habang abala sa paghahanap. At this rate, mukhang walang paraan para mapalayas niya ito. Sino bang mag-aakalang makikita niya ito dito. Ilang araw na niya itong hindi naabutan sa cafe nito. Sabi nga ng empleyado nito ay abala umano sa bagong project ang boss niya. The option to leave the park with Audrey is impossible, nakapangako siya ng breakfast sa binata. Alam niya kung gaano katabil ang bunganga ng kaibigan. Baka hindi sanay ang binata sa mga kagaya nito. She checked the time it's almost quarter to five. Luminga-linga siya sa paligid. Simula nang mag-umpisa siyang tumakbo ay hindi na niya nakita ito. Wala din siyang napansing nakasunod sa likod niya. "Bruhaaaaa! Yung boyfriend mo pinagkakaguluhan doooon!" sigaw ng kaibigan na galing kung saan. Walang kamalay-malay ang dalaga na umalis pala sa tabi niya ito. Mabibilis ang hakbang nitong patungo sa kanya. Pagkatapos ay hinila siya nito at iginaya papunta sa kumpol ng mga tao sa bahagi ng park kung saan malimit nag-eehersisyo ang mga senior citizen. Anung ginagawa doon ng binata? To be continued ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD