"SIR, nag-inform yung secretary ni Mr. Ilustreo na hindi daw siya makakasama sa meeting ninyo today. Si Ms. Sandoval lang daw po ang kameeting ninyo." Napatingin si Santi sa intercom nang marinig ang bungad ng kanyang receptionist.
Bigla siyang nakaramdam ng excitement dahil sa narinig. Naubusan na siya ng ideya kung anu ang dapat niyang gawin upang masolo ang dalaga. Naroong naisip niyang puntahan nang personal ang opisina ng F Advertising upang makita ito. Plinano din niyang kausapin ang boss nito upang humingi ng pabor na makausap ito nang sila lamang dalawa. Pero lahat nang iyon ay kinontra ng magaling niyang PA.
His worst plan is to stalk her and then bring her to his condo by any means. In others words naisipan niyang kidnapin ang dalaga. Pero ayaw niyang makulong kaya binura niya ito sa kanyang listahan.
"Great! Change the venue to Marcelo's and let Ms. Sandoval know right away. Also, tell the others na hindi tuloy ang meeting. You know what to do." Utos niya dito.
Originally ang venue ng appointment nila ay sa D21, dito kadalasang ginaganap ang monthly meeting ng bawat department head. Pero dahil dadalawa nalang sila pinili niya ang restaurant ng isa sa mga 5-star hotel na pagmamay-ari din nila.
"N-Noted Sir," nag-aalangan ang tonong sagot nito sa kanya.
He knows it's very presumptuous of him but who cares. The moment he's been patiently and fervently waiting for has finally come. At wala siyang balak palampasin ito.
Ilang beses siyang nagtangkang kausapin ang dalaga. Ngunit tila sinasadya nitong iwasan siya. Para itong tuko kung makadikit sa boss nito.
She always had that wary look in her eyes. Lalo na kapag nahuhuli nitong mariin siyang nakatitig dito. Minsan ay hindi nito naiwasang pandilatan siya ng mata. He almost laughed out loud because of her expression nang marealize nito ang ginawa. Namula ang pisngi nito ng bahagya at agad na nagbaba ng tingin. His body reacted fiercely after seeing her stained cheeks and docile expression.
That's when it dawned to him that he's gone completely crazy about her.
‘There is no turning back now. I am going to have you Iredea Sandoval.’
Bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa noon si Rueben. Hindi ito dumiretso sa harap ng kanyang mesa kagaya ng nakagawian nitong gawin. Bagkus ay naglakad ito patungo sa sofa kung saan ay nagsisilbing receiving area niya para sa mga bisita. Tahimik niyang pinanood ang bawat galaw nito. Kahit hindi ito nagsasalita kita sa mukha nito ang nararamdamang emosyon.
‘He looks livid,’ he smirked.
Lately ay lagi itong high blood sa kanya. Sinasadya nitong i-block ang schedule ng binata para hindi niya magawa ang mga binabalak.
Pagka-upong pagka-upo nito ay agad siyang tinapunan ng matatalim na tingin. Kung may kasama lang itong mga kutsilyo baka isinugod na siya sa hospital nasa ICU na sa mga sandali ding iyon. Ito lang ang may lakas ng loob na gawin sa kanya ang bagay na yon. Palibhasa matalik silang magkaibigan. He c****d his head and raised his eyebrows in response.
"Seriously? Marcelo's? What do you think you're doing?" pigil ang boses nitong sita sa kanya. Sigurado siyang kung wala lang sila sa opisina ay baka nasigawan na siya nito. Pasalamat ang lalake at kaibigan niya ito dahil kung hindi matagal nang sisante ito sa trabaho.
"So?" maikling sagot niya dito.
"So?" Marahas itong napahugot ng hininga. "Just to remind you Sir meeting ang dahilan ng pakikita ninyo hindi date," madiing sabi nito.
"I don't see anything wrong. Besides we're going to have lunch anyway," patay malisya siyang nag-ayos ng mga nagkalat na papel sa ibabaw ng kanyang lamesa.
"Are you sure you're still on your right mind? Do you know what face you make while looking at her?" his nostrils are still flaring up.
"Hey, Mr. Santiago I'm still your boss remember?" aniya dito sa awtorisadong boses. Of course, he's aware.
Napapikit ito ng mariin at humugot ng malalim na hininga bilang pagkakalma sa sarili.
"I told you not to let your personal feelings into this project. Alam mo bang hanggang ngayon kinukulit parin ni Director Go si Mr. Chairman na ireconsider yung desisyon na F Advertising ang maghandle lahat ng promotion dahil gusto niyang isingit yung ad agency ng pamangkin niya," litanya nito sa kanya.
Recently, sinabihan siya nito na huwag masyadong ipahalata ang interes sa dalaga lalo na tuwing may meeting sila. Ayaw nitong mabahiran ng intriga ang kontrata nila sa nasabing advertising company.
Isa pa madaming paring ulupong na nag-aabang sa maling galaw nila. Meron paring iilang miyembro ng board na ayaw sa naging resulta ng desisyon na iisang agency lang ang maghahandle sa promotion ng bagong hotel at ng annual day ng kompanya. At kabilang na nga dito si Director Go.
Naging mabangis ang expression niya sa nabanggit nito. Hindi lingid sa kaalaman niya ang pagkontra ng ibang board. Pero hindi niya sukat akalain na rerekta ang mga ito sa Chairman. Pinilit niyang alalahanin kung sino at ano ang itsura binanggit nitong pangalan.
May naiisip na siyang gawin para hindi nito maisingit ang ad agnecy ng pamangkin nito. He is beyond reason pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga matuloy ang lunch meeting/date nila ng dalaga.
Whatever is the outcome of his actions right now. He will take responsibility and is ready to mitigate any trouble that arises. And he means it by all means.
"YOU want me to do what!?" Napabalikwas mula sa pagkakahiga ang dalaga sa sinabi ng kausap sa kabilang linya.
Nagising siya sa tawag ng pinsan. Alas-otso pa lamang ng umaga.
"I'm at the airport now kasama ko si Karina. Ikaw na muna ang makipagmeeting kay Mr. Villamar," anang kabilang linya. Dinig niya sa background ang ingay na nagmumula sa paligid nito. "Nagkaproblema sa Singapore office and I need to deal with it personally."
Bigla ay gusto niya itong p*****n ng cellphone. Nagsisi siyang sinagot pa niya ang tawag nito. Kung alam lang niya, she would have just ignored him and pretended to be asleep because shes's sick.
Dumating na yung araw na pinaka-iiwas-iwasan niya. As much as possible she doesn't want to go on a meeting alone. Lalo na at laging nandoon ang binata. Nag-isip siya kung sino ang pwede niyang isamang empleyado ng pinsan.
‘Tch!’
Walang mahagilap ang dalaga. Dahil sa nangyaring aberya malamang sa malamang ay busy ang lahat sa opisina nito. Hindi din naman siya pwedeng magdala ng kung sino nalang. Nakakahiya sa pinsan niya pag nalaman nito.
Alam ni Irea na mahalaga ang proyektong ito sa pinsan. Kaya nga siya ang kinuha nito. Kapag meron itong malalaking kliyente kagaya ngayon ay siya ang kinukuha nitong maglead kahit pa hindi siya regular na empleyado nito. Ganoon na lamang kalaki ang tiwala nito sa kanya.
Napapikit siya nang maramdaman ang pagpintig ng sintido. Sooner or later, she knew this would happen lalo na at sobrang involved siya sa project. Magsisi man siya ngayon huli na ang lahat.
"Ok fine. Ingat. You owe me one!"
"I know. Babawi ako pagbalik ko," malambing ang boses na sabi nito sa kanya. "Daanan mo sa office yung print outs. Nasend na yung soft copies sa secretary ni Mr. Villamar. If anything happens call me ok."
"Yeah, yeah. Take care!" hindi mawari ng dalaga ang nararamdaman. Again, she is feeling restless and yet there is an insignificant eagerness stemming from the farthest corners of her heart knowing na magkikita na naman sila nito.
Mabigat ang mga hakbang niyang nagtungo sa banyo. Lunch meeting ang appointment nila. Pero bilang gising na din naman siya maguumpisa na siyang gumayak.
(K Group Receptionist): Good morning Ms. Sandoval! Please be informed that the venue of today's meeting was moved at D Hotel. Kindly proceed to Marcelo's and tell the staff that you will meet with Mr. Villamar. Appointment time is still the same. Thank you!
Katatapos lang magblower ni Irea ng kanyang buhok nang may matanggap siyang text mula sa receptionist ng binata. Napanganga ang dalaga sa kalituhan dahil sa nabasa. Alam niya ang hotel at restaurant na nabanggit sa text message. Ito ang pinakaprestishiyosong luxury hotel sa bansa.
Minsan na niyang napuntahan ito nuong graduation niya. Kumain sila sa nasabing restaurant at nagcheck in ng dalawang gabi sa hotel. Ito ang graduation gift sa kanya ng tiyuhin at mga tiyahin niya noon.
Nalula siya pagdating nila dito. Lahat ng facility ng nasabing hotel ay top of the line. Pakiramdam niya ay para siyang nasa ibang bansa pagkapasok palang sa lobby nito. Sa hotel na ito malimit na tumutuloy ang mga foreign dignitaries. Ganun din ang mga sikat na artista mula sa ibang bansa.
(Irea): Are you sure it's D Hotel?
Nagmamadaling nagtype ang dalaga. Gusto niyang masiguro na tama ang sinabi nitong lugar.
(K Group Receptionist): Yes Ma'am. It's the President himself who instructed to make the changes.
Pagkumpirma nito sa naunang mensahe.
Kumabog ang dibdib ni Irea sa reply na natanggap.
‘What the hell is happening? Bakit hindi ako sinabihan ni Dan!’ Natatarantang nag-isip ang dalaga ng dapat niyang gawin.
Sinubukan niyang I-dial ang numero ng pinsan ngunit out of coverage na ito. Sumunod ay ang numero naman ng secretary nito. Ngunit ganoon din ang resulta. Malamang ay nasa himpapawid na ang mga ito aniya sa isip.
(Irea): Ok. Thank you for letting me know.
(K Group Receptionist): You're welcome, Ma'am. Have a great day!
Tumaas ang kilay niya sa huling text ng receptionist.
‘I highly doubt,’ she thought.
Kagat labing huminga siya ng malalim. Today is her dooms day and she's extremely sure of it.
To be continued....