Chapter 3

1688 Words
PABAGSAK na umupo si Santi sa kanyang swivel chair. He lost track on how many days has it been since he started living in his office. Malapit lang naman sa opisina ang penthouse niya pero para sa kanya sayang pa yung oras na ibibyahe niya pauwi. After being promoted as the new President, he took the liberty of being the Chairman's son to have his new office renovated. Pinalagyan niya ito ng walk-in closet, toilet and bath, at mini sala. Mayroon din itong kitchenette at isang single bed. Alam niyang sooner or later ay kakailanganin niya ang mga ito sa opisina. At hindi nga siya nagkamali. Finally, pagkatapos ng ilang buwang paghahanda ay mag-u-umpisa na ang construction ng unang tulay na kontrata ng K Developers with the national government. He chose to be hands on sa unang project para masigurado niyang magiging maayos ang mga susunod pa. He supervised everything up to the minute detail. Nakalimang beses na revise sila sa kontrata bago nagkapirmahan. Hindi ito ang una nilang trabaho para sa gobyerno pero ito ang una nilang project with him being the new President. His Dad knows how meticulous he can be. Kaya hinayaan lang siya nitong maghandle personally, including going to sites to where the bridge will be built. Wala siyang pinalampas na detalye hanggang sa soil testing. Halos every week ay may meeting siya with the different government departments. Ayaw niyang mabahiran ng politika ang kontratang ito at madawit ang pangalan ng kanilang kompanya sa eskandalo. Hangga't maari iniwasan niyang pumunta sa mga under the table meetings. He even gave strict instruction to his secretary na huwag tumanggap ng appointment unless makareceive sila ng official letter from the said department. Alam ni Santi ang kalakaran kapag kontrata sa gobyerno ang pinag-uusapan. He will make sure that as long as he holds the positon hangga't kaya niya, he will weed out all the greedy animals in their company. Hindi man niya kontrolado ang mga tao sa kabilang partido at least sigurado siya na hindi sa kompanya nila manggagaling ang eskandalo. Ilang tao na din ang sinibak niya dahil sa mga bribery scandals. Alam niyang may mga board of directors na ayaw sa kanyang ginagawa pero wala siyang pakialam. Tahimik lang din ang kanyang ama sa mga nangyayari. His Dad knows how stubborn he can get because he took after him. PIKIT matang hinagilap ng binata ang kanyang cellphone. Hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa kama. Sa tunog nito ay alam niyang ang ina ang tumatawag. "Yes mom?" Pinipilit niyang imulat ang mata upang tingnan ang oras sa alarm clock na nasa ibabaw ng side table. Madaling araw na siyang natapos sa kanyang ginagawa. "Anak, Friday na. Wala ka bang balak umuwi?" Tanong ng ina niya mula sa kabilang linya. He groaned after being reminded that another week has passed. “I still have work to do mom.” Plano naman talaga sana niyang umuwi ang kaso lang hindi niya natapos ang ginagawa dahil sa sobrang antok. He already took care of the urgent matters. Ayaw lang niya talagang natatambakan ng trabaho kaya gusto niyang tapusin lahat bago pa man dumating ang bagong work week. “Your sister left without even a word up to now. Tapos ikaw na nasa malapit lang hindi ko man lang makita ang mukha. Sana pala nag-anak nalang ako ng madami.” May himig ng tampong saad ng ina. Kapag ganito na ang tono ng ginang ay walang choice ang binata kundi umuwi sa kanila. Alam na niya ang kasunod na rant ng ina. Ang mag-asawa na siya bigyan ito ng apo. Ang kaso nga lang malayo pa sa isip niya ito at hindi pa niya nakikita ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. "Alright. I'll come home this afternoon. I just need to finish up some things," aniya. “See! Kung hindi pa ako magtatampo wala ka pang balak umuwi. I know your job is important but you also have a life. Kelan ako magkaka-apo kung puro trabaho ang inaatupag mo! ” Litanya nig ginang sa kabilang linya. At heto na nga nag-umpisa na ang ina. Wala talagang tatalo sa mommy niya pagdating sa pagalingan ng segway. “Alright mom, let’s not go there anymore. Pa-request nalang kay Manang Saling ng humba na may pritong saging,” pag-iiba niya sa usapan. “I know, kanina pa nakasalang. Ikaw nalang ang hinihintay.” Bago pa man siya tawagan ng ina ay napag-utusan na nito ang kusinera nila na magluto ng paborito niyang ulam. “Thanks mom! You’re the best! Love you!” Malambing na sabi niya. “O siya, you need to come home or else makakalimutan ko na ang mukha mo.” Natawa siya sa sinabi ng ina. “Of course! See you later!” aniya. Nagpaalam na din ang ina sa kabilang linya. Kumilos na din siya para bumangon at tapusin ang nakabinbing trabaho para makauwi siya ng maaga. NAKARAMDAM ng gutom ang binata kaya napagpasiyahan niyang dumaan sa pinakamalapit na fast food chain sa kanilang opisina. Nakapagbayad na siya sa ng counter at naghahanap ng mauupuan habang nag-aantay nang mahagip ng mata niya ang isang pamilyar na mukha. ‘It’s her!’ bulong niya sa isip na tila ba naexcite pagkakita sa dalaga. Naglakad siya patungo sa kung saan ito nakaupo.Huli na nang mapansing niyang hindi pala ito nag-iisa. “Hi! It’s nice seeing you here,” bati niya dito. “And who are you?” tanong nito sa kanya. Maang na nakatingin sa kanya ang dalaga. Mukhang hindi siya nakikilala nito. Nagtatakang napatingin din sa kanya ang kasama nito. “We met at the café the other week. Remember? You even left your phone. I tried to run after you pero hindi na kita nakita. Nabalikan mo din.” “Oh, right! Yeah, I got it from the counter. Salamat.” matipid ang ngiting sabi nito. Surprisingly he felt a bit disappointed dahil sinadya niyang iwan ang numero at inantay niyang magtext ito sa kanya para masigurong naibalik dito ang cellphone nito. “That’s great to hear. I’m Santi by the way. And you are?” pasimpleng inilahad niya ang palad. He’s been dying to ask for her name when they were sitting together at the café kaya lang ay hindi niya nagawa dahil mukhang may iba itong iniisip. TININGNAN ni Irea ang nakalahad na kamay ng binata. For some reason she felt hesitant to take it and even say her name. Bigla kasing nanlamig ang mga kamay niya. She looked at him and he smiled sheepishly with a glint of excitement on his blue-violet eyes. Nalilito siya kung bakit ito nakikipagkilala sa kanya. She was caught off guard nang nakita niyang palapit ito sa kinaroroonan. Of course, she remembers him! Kahawig ito ng isa sa mga paborito niyang artista kaya paano niya ito makakalimutan. Idagdag pa ang exotic na kulay ng mga mata nito. Irea felt Audrey’s eyes on her. Nagpapapalit-palit ang tingin nito sa kanya at sa kamay ng binata. Basa niya nag ekspresyon ng mukha nito. She was left no choice. Irea was about to shake his hands nang walang ano-anu'y nilapitan sila ng isa sa mga crew na may dalang paper bag. Dito tuloy nabaling ang atensyon ng binata. Pagkalingat nito ay dali-dali niyang isinilid ang cellphone sa dalang bag at mabilis na tumungo sa restroom. Hindi na siya nagabalang lumingon pa. Naiwang nakanganga si Audrey habang nakatingin sa kaibigang tila hinahabol ng sampung demonyo kung matakbo. Para tuloy gusto niya itong sundan sa restroom at sabunutan. My God! Kung hindi niya lang ito kaibigan ewan nalang niya. “Hi! Sorry, pagpasensyahan mo na yung kaibigan mukhang may nakain yatang hindi maganda. Santi, right? I’m Audrey by the way. My friend’s name is Irea.” Kusa nang inilahad ni Audrey ang palad para makipag-kamay dito. “Hi, mukhang natakot yata sa akin ang kaibigan mo. I don’t have any bad intentions I swear. Natuwa lang ako kasi nakita ko siya ulit,” ani Santi. “Oh no, don’t mind her ganun talaga yun lalo na kapag nakakakita ng gwapo. You can sit down and wait for her,” paanyaya niya dito. Pinasadahan ni Audrey ng tingin ang binata. May hinala siyang ito ang nakuwento sa kanya ni Jess na papable na naligaw sa café nila. Wala itong bakas sa palasingsingan kaya sigurado niyang wala itong asawa. Kung magbabalak man itong manligaw sa kaibigan ay pasadong pasado sa kanya. Tiyak niyang baga na bagay ang dalawa. “I would love to kaya lang inaantay na ako sa amin. Baka mapingot ako ng nanay ko kapag nalate ako ng uwi,” anitong humawak sa batok. “I see. Well, you can drop by at the café anytime. Palagi siyang tumatambay dun.” Pagbibigay alam niya dito. Ipagkakaluno na niya ang kaibigan tutal kay Mr. Pogi din naman ito mapupunta. “Sinabi mo yan ha! One of these days sasadya talaga ako dun,” saad ni Santi. “I wouldn’t mind having you there every day panghakot customer din yun,” pabirong saad ni Audrey na ikinatawa naman ng binata. “Walang bawian yan. I’ll go ahead then. Nice meeting you and Irea.” nakangiting paalam ng binata. “Sige sabihan ko nalang siya. Tsaka sasabunutan ko na din para sayo.” ani Audrey. For Audrey it’s not unusual to see her friend feeling uneasy around men. Napansin na niya yun noon pang unang beses niya itong makita sa kanyang café. But it seems like it became worse after her break up with her ex. Tarantadong lalaking yun. Mukhang hindi sapat yung ginawa niyang pagsugod dito sa opisina nito. Pasalamat ang mokong na yon dahil mag-asawang sampal lang ang inabot nito sa kanya. Somehow, she felt broken hearted too dahil mula noon hindi na niya nakitang nagka-interes pa sa relasyon ang kaibigan. Kahit hindi ito nagkukwento sa knaya, alam niyang sobrang nahirapan ito sa sakit na naranasan. All she wishes now is for Irea to find her happily forever after at umaasa siya na sana ay dumating na ito sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang maging bato ang puso ng kaibigan. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD