AFTER being stuck in the road for almost half an hour sa wakas ay narating din Irea ang hotel. Late na siya ng limang minuto. Magpaganun pa man marahan parin siyang bumaba mula sa sasakyan nang pagbuksan siya ng valet. Nagpasalamat siya dito matapos iabot ang susi ng sasakyan.
‘Urgh! Sana hindi nalang ako nagdrive!’ nagsisising bulong niya sa sarili.
Gustuhin man niyang maglakad ng mabilis upang makarating kaagad sa restaurant ay mas pinili niyang maglakad ng dahan-dahan. Hindi naman kataasan ang heels ng suot niyang sapatos. Pero ayaw niyang maplakda sa marmol na sahig ng hotel.
‘Wow! This place is really majestic!’
Pakiramdam ng dalaga ay para siyang nasa loob ng isang fairytale. She may not be the princess, but right now she feels like one. Pagpasok mula sa entrance ng hotel ay bubungad ang magarbong staircase na nagdudugtong sa right at left wing ng hotel. The classic yet modern railings are a combination of glass and gold-plated steel with victorian lay-out na animo'y nakalutang sa ere. The steps are laid out with cream colored heavy carpet.
‘Remember, pugad ito ng 1%. 1%... 1%... 1%,’ pagpapa-alala niya sa sarili.
She restrained herself from looking around like a curious cat. Natakot siyang baka matalisod sa kakatingin sa paligid niya.
Tanaw na niya ang bungad ng restaurant kung saan gaganapin meeting. Sa isip ng dalaga nire-rehearse niya kung paano siya hihingi ng paumanhin dala ng pagiging late. She knows how valuable time is, specially to businessmen. She may look serene on the outside but inside she's freaking out. For the record never siyang nalate sa kahit anung appointment.
May magalang ang ngiting sinalubong siya ng host nang makapasok siya sa restaurant. Nakasuot ito ng kulay itim na butler suit.
"I'm meeting with Mr. Villamar," nakangiting sabi niya dito. Hindi na niya inantay na tanungin siya nito.
"This way Miss. Mr. President is waiting for you," magalang na sabi nito. Bahagya pa itong yumuko at iginaya ang isang kamay sa direksiyon na dapat nilang puntahan. There was a brief awkward moment dahil inantay siya nitong magpatiunang maglakad pero hindi siya gumalaw dahil hindi niya kabisado ang lugar.
She cleared her throat, " Please lead the way," matipid siyang ngumiti dito.
"Well then Miss. Please follow me," anito at nagpatiuna nang maglakad.
She gracefully followed the restaurant host. Hindi nakalampas sa mga mata ng dalaga ang kaka-ibang sulyap sa kanya ng mga tao sa paligid. She had a peculiar feeling pero ipinagkibit balikat niya lang ito. Anyways hindi naman siya kilala ng mga ito and vice versa. Tahimik na ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
Tumigil ang host sa tapat ng isang magarang pinto nang makarating sila sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi inaasahan ng dalaga na mayroong VIP lounge doon. It's one of those places na kung hindi mo sasadyain ay hindi malalaman na nadoon ito.
"We are here Miss." Kapagkuwa'y bumaling ito sa kanya. Pagkatapos ay marahan itong kumatok sa pinto. "Mr. President, your guest has arrived," pagbibigay alam nito sa mga taong nasa loob.
"You may enter now Miss," he slightly moved aside from the closed door. Muli ay bahagya itong yumuko. She was impressed by how he is well trained.
Nagpasalamat siya dito pagkatapos ay humakbang palapit sa harap ng pinto. Akmang aabutin niya ang handle bar nang walang anu-ano'y bumukas ito.
Napa-awang ang mga labi ng dalaga pagkakita sa binata na noon ay nakaharang sa pinto. Her heart beat eraticaly. How can someone be so annoyingly handsome. "It's outrageous!"
He is in his usual navy-blue tailored suit and jeans. But today instead of longsleeve polo, he is wearing a body fitting black shirt inside. Lalo tuloy na-emphasize ang lapad ng dibdib nito.
‘He's too close!’ Noon lang niya na-obserbahan ng malapitan ang binata.
May naramdaman siyang kakaibang init na sumibol mula sa kanyang dibdib nang hindi sinasadyang mapadako ang mga mata niya sa matipunong dibdib nito. She felt like her mouth ran dry.
Unti unting umakyat ang tingin niya sa leeg nito. ‘So, masculine...’
She can almost feel his pulse. Kelan pa naging sexy sa paningin niya ang pagpintig ng ugat sa leeg. Nagbalik siya sa reyalidad nang makitang naglitawan ang mga litid ng leeg nito. Napaangat tuloy ang tingin niya sa mukha ng binata. Na-rattle siya sa expression ng mukha nito.
"Don't blame me for this," he said in his deep voice. His eyes are blazing with desire.
Hinila siya ng binata palapit sa katawan nito at walang sabi sabing hinuli nito ang kanyang mga nakaawang na labi. She felt his hot mouth on hers. Nahigit niya ang paghinga nang gumalaw ang mga labi nito. Nanlambot ang kanyang mga tuhod.
He sucked into her lower lip. Napapikit siya ng mariin dahil sa ginawa nito. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. She's feeling suffocated. Nagpumiglas siya pero mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. His one hand moved at the back of her head at nilaliman nito ang paghalik sa kanya.
Irea felt alarmed. She really is having a hard time to breathe.
"Hwai- s-sto- hmpff-!" pilit niyang iniiwas ang mukha sa binata subalit ayaw nitong mag-paawat. Iisang lang ang alam niyang paraan para mapatigil ito. She adjusted herself in his embrace and then she gave him a good kick. Hindi niya gaanong nilakasan ang pagsipa dito pero the pain should be enough for him to get back to his senses.
"Aaarrrghhh!" Napabitaw ito bigla sa kanya napayukong namilipit ito sa sakit, hawak-hawak nito ang gitnang bahagi ng katawan.
Tila nauupos na kandilang napasalampak sa sahig ang dalaga. Mabuti nalang at heavily carpeted ito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa dibdib. Hindi niya namalayang kung paano sila nakapasok sa loob ng lounge.
Humawak siya sa pader at pilit na itinayo ang sarili. But she miserably failed. She needs her bag. With her tear-stained eyes, sapilitan niyang inaninag ang paligid at kinapa kapa niya ang sahig. During the kiss she felt her bag slipped from her grip.
"Hey, hey, relax. Tell me what you need," he said calmly. Dali-daling dinaluhan siya ng binata nang makarcover ito mula sa sakit nga pagkakasipa niya.
"M-m-my bag... G-give me," she painfully slurred her words.
Mabilis naman nitong iniaabot ang bag niya. Hinila niya ang zipper at pagkatapos ay itinaktak niya ito. Isa-isang naglaglagan ang gamit na nasa loob ng bag ni Irea. Agad niyang agad niyang dinampot ang inhaler at namamadaling dinala niya ito sa bunganga. Tatlong beses niyang pinindot ang spray button nito kasabay ng malalalim na paghinga.
‘Please sana umepekto ka this time,’ taimtim na panalangin ng dalaga. Mariin siyang nakapikit hindi niya nalalayang tumutulo na pala ang kanyang mga luha.
NAMIMILIPIT sa sakit na bigla binitawan ni Santi ang dalaga. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Sapo niya ang gitnang bahagi ng katawan. Of all places bakit dun pa siya nito naisip sipain. He gritted his teeth. Ilang beses siyang humugot ng hininga para kalmahin ang sarili.
Nasulyapan niya itong tila nauupos na kandilang napalupasay sa sahig. Nakaramdam siya ng kaba nang makita niyang tangan ng dalaga ang didib nito na tila nahihirapang huminga. Kumapa-kapa ito sa sahig na tila may hinahanap. Mabilis niya itong nilapitan.
"Hey, hey, relax. Tell me what you need," sabi niya dito sa kalmadong tinig. Hindi siya expert pero base sa itsura nito tila nakakaranas ito ng panic attack. At alam niya na sa mga ganoong pagkakataon ay dapat maging maingat siya sa ikinikilos para hindi lalong matrigger ito.
‘You fool! Look what you've done this time!’ Pagkastigo ni Santi sa sarili.
Looking at her helpless expression right now, he realized he really was way out of the line. His sanity and rationality evaporated into the thin air nang makita niyang marahang napalunok ang dalaga. In his eyes, it was the sexiest act he's ever seen.
‘Fvck!’ mariin siyang napamura
Santi is a certified control freak, according to the people around him. Pero hindi niya mawari kung bakit pagdating sa dalaga nawawalan siya ng kontrol sa sarili.
Tila nakikita na niya ang mga nalilisik na mata ng kaibigang si Rueben kapag nalaman nito ginawa niya. Baka tuluyang masuntok na siya nito. Naalala din ni ang boss ng dalaga. Muli niyang sinipatan ang dalaga. Maybe she's already loathing him right at this very moment. Nanikip ang dibdib niya sa isiping iyon.
‘What should I do?’ He's at loss. For someone who's always sharp as tack. He became completely clueless of what to do about her.
To be continued....