TILA natuyuan ng lalamunan si Irea sa tinanong ng binata. Nag-iwas siya ng tingin dito. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Wala tuloy sa loob niyang nadampot ang mug ng kape sa harap at dali daling ininom. Huli na nang marealize niyang mainit pa ito. "Damn Irea! Hindi ka nag-iingat!" Nag-aalalang dinaluhan siya ng binata. Kaagad nitong binawi sa kamay niya ang mug at ibinalik sa ibabaw ng dining table. "Here, drink this," anito sabay abot sa kanya ng basong may lamang malamig na tubig. Nagmamadaling tinanggap naman ito ni Irea. Ibinabad niya sa nagyeyelong tubig ang kanyang dila. Sa isip niya, sinisisi niya si Santi. Kung sana hindi ito pagbigla bigla ng tanong hindi sana siya nataranta! "Show me your tongue," utos sa kanya nito nang malunok niya ang tubig. "H-ha?"

