MYSTY’S POV Nilabas ko ang espada ko at saka ko sila pinatay. Pero dahil sa nangyayare ay mas lalo silang dumadami. Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong susugurin ni Primo si Al kaya naman agad na sinalag ko ang espada nya. “Ako ang naunang umamin pero bakit sya ang ginusto mo!” galit na tanong nito. “Hindi ko alam kung anog tinutukoy mo. Pero base naman sa sinabi mo... siguro kakaiba si Al kesa sa ‘yo,” sabi ko naman saka ko sya sinipa at saka kami nagharap na tatlo. “Alam ni Al na gusto kita pero pinilit nya pa rin ang gusto nya!!!” “Dahil alam kong may karapatan din ako!” sagot naman ni Al. “E’di dapat pareho na lang sana kayong tumigil sa mga nararamdaman nyo para walang nasasaktan!” inis na sabi ko naman. “Masyadong makapangyarihan ang love. Dahil do’n nagko-cause

