MYSTY’S POV Matapos kong maligo ay tinignan ko ang gown na nakalatag sa may kama. Nalala ko ‘yong nangyare no’ng isang gabi. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o baka nag-iimagine lang ako dahil sa miss na miss ko na sya. Hindi naman maaring mangyare ang iniisip ko. Dahil imposibleng nandito sya sa mundong ito. Pakiramdam ko mag-isa lang ako at hindi ko na makakasama pa ang taong gusto kong makasama. Kinuha ko ang gown at saka ako nagbihis. Magapos ‘yon ay saka ko tinignan ang sarili ko sa salamin. Ngayon lang ako nakasuot ng ganitong kulay dahil hindi naman ako mahilig sa black. Pero dahil dito ay tumingkat ang kulay ko at mas pumuti ang katawan ko. Napangiti ako ng makita ko kung gaanong kabagay sa ‘kin ang itim at saka ko inayos ang sarili ko. Naglagay ako ng konting lipstick

