PLAGIARISM IS A CRIME!
A/N:
Sorry po,may ilan pong may mga typo kasi nagmamadali po ako sa pagta-type.Hehe.Pero ie-edit ko po yan.Soon.
Enjoy!
*****************************
DENNISE LOREN POV
YUNG totoo pinapalayas na ba ako o sadyang O.A lang si Michael?Isipin nyo kasi----Isa--dalawa--tatlo...TATLONG malalaking itim na bag ang dala-dala ko.At ngayon isa isa na nyang inilalagay sa likod ng kotse nya.
"Ano yan?",tanong ko sa kanya habang nakaturo sa bag na hawak hawak nya.
"Bag..",alam ko!
"Tss..Sabi ko bakit ang dami naman 'ata nyan?Ano?Pinapalayas na ba ako nina Tita?At ganyan kadami ang dala kong gamit?",actually si Tita Michelle ang nag-ayos ng gamit ko,ipinasuyo daw ni Miguel.
Inilagay na nya ang huling bag sa compartment bago nakangising humarap saakin.
"Hindi..Yan,yan ang laaaaahaaat ng gamit na kakailanganin mo..",aniya sabay turo sa mga bag.
"Oo nga,pero pwede naman akong umuwi dito para kunin ang mga kakailangin ko,hindi na kailangan iimpake ang mga yan..",hmmmm,dito kasi ako nakikitira kina Tita dahil dito ako sa Manila pinag-aaral ni Ina ng highschool,actually graduating na ako next year,kaya pinasuyo nya ako kay Tita at Tito.
"HAHAHA!Malalaman mo mamaya..",makahulugan syang ngumisi sa akin,bago isinarado ang compartment bago nauna na."Tara na.."
"Hala,oo nga pala!Jusko po!Di pa ako handa sa speech!",nagkanda ugaga akong sumunod kay Michael sa kotse."Ngayon ko na pala mami-meet ang buong team ng Phoenix!Hala,s**t!",narinig ko ang mahinang pagtawa ni Michael.Sinimulan na nyang paandarin ang kotse habang ako kinakabahan na.
Oo!Ngayong araw ko na mami-meet sa personal ang buong Team ng Phoenix!Hindi pa ako handa!Bakit kasi nawala sa isip ko 'yon?
"Hoy,Michael,Magtatanong ba sila?",nagtaas sya ng kilay sabay ngisi.Bwisit kausap nito!
"Oo,basta sagutin mo lang ang tanong nila at relax kalang Dennise di naman nila ikaw kakatayin.HAHAHA!".
"Paano ako magrerelax!?Paano kung magkamali ako tapos di nila ako tanggapin?Paano na ha?Di na ako makakapaglaro ng totoong laban?",kinakabahang sabi ko.
"Look,Dennise,sundin nalang natin ang plano,kung aayos ka di sila magdududa sayo",napanguso ako sa sinabi nya.
Oo nga naman,Dennise,relaaaaaax!Inhale,exhale...Inhale,exhale..Inhale,exhale..
Napatingin ako sa side mirror,tinitigan ko ang sarili ko,ibang-iba ako sa dating Dennise dahil sa bago kong itsura.Pina-short hair ko ang buhok kong mahaba,style ng mga k-pop ang buhok at bumagay saakin.Dahil dito naging MAGANDANG LALAKI ako.Ang suot ko di naman na iba sa akin dahil mahilig akong magsuot ng mga pang-boys outfit.Matangkad din ako,magkasing-tangkad lang kami ni Michael.
"Kilala mo naman na diba ang buong team ng Phoenix?",napatingin ako kay Michael.
"Oo naman,Idol ka 'ata silang lahat maliban sayo,pero ang pinaka idol ko si Miguel!",ngisi ko.Simula mga bata palang kami idol ko na si Miguel.Napailing sya.
"Ewan ko sayo..Nagtataka ako kung pinsan ba talaga kita?."
"Ako ang nagtataka kung kapatid ka ba talaga nina Miguel at Michelle!",nangunot ang noo nya sa sinabi ko."Bukod sa panget kana lampa ka pa",sabi ko sabay hagikgik.
"Tss..Bakit ba dyan nanaman napunta ang usapan?Sige nga!Kung kilala mo ang buong team ng Phoenix ano ang mga pangalan nila!?",nanghahamon na sabi nya.Syempre si ako di magpapatalo kay Michael Torres na kinulang sa height.Charowt!
"Una ang MVP nyo na si Khayzan Yuri De Guzman..",kilala ko na 'yon.Nakikita ko sya sa mga laban kapag nanonood ako ng game nila.Matangkad sya,pogi 'daw',habulin ng girls kaya nga lang soobrang sungit."Pangalawa,Si Kenzo Vitale",isa pa 'to..magaling din sya,mabait,habulin din daw ng girls,gwapings pero tahimik.Parang tulad lang nung Khayzan pero anghel si Kenzo tapos devil naman si Khayzan hehe."Syempre ikaw na si Michael Torres na kinulang sa height at si Idol kong si Miguel Torres at ang panghuli si Jan Marc Fernandez.Actually bagay nga yata kayo non,eh,balita ko pareho kayong may saltik sa ulo.HAHAHA!",sabi ko sabay tawa.Nakita ko ang pagkakunot ng noo nya.Naaasar na yan!HAHAHA.
"Bakit ba laging ako ang nakikita mo?Tss..lagi nalang ako ang inaasar mo,salbe kang pinsan.Salbahe!",madrama nyang sabi sa akin.Natawa ako sa reaksyon nya.
"HAHAHAHA!Ang sarap mong asarin.Napaka epik kasi ng pagmumukha mo!HAHAHA!".
"HAHA!Tingnan natin kung makatawa ka pa ngayon!",nagulat ako nung bigla nyang ipinark ang kotse sa tapat ng isang Coffee Shop.Holy s**t!Naandito na kami!?Ambilis naman."Ngayon ka ngayon tumawa ng tumawa sa kaba.HAHAHA!",Siraulo!May nakakatawa bang kinakabahan?Sinamaan ko ng tingin si Michael na bumaba na.Nakita kong may kinawayan sya mula sa loob."Let's go,Dennise",mapang-asar na tinig nya bago nagpauna.
Eto na 'yon!Eto na!Wala sa sariling napasign of the crus ako!Juskolord help me!
Huminga ako ng malalim bago bumaba na din,feeling ko matutumba na ako anytime anywhere in any---any!?
Walanghiyang Michael na yon,iniwan ba naman ako?
Inayos ko ang sarili ko bago sumunod kay Michael.
Matunong na nag-ingay ang bell matapos ko itong buksan at isarado.Mula dito tanaw ko si Miguel at ang iba pa na nakatingin saakin.Bigla na naman akong kinabahan.
Umayos ka Dennise!Inhale,exhale...Inhale,exhale..
Nagsimula na akong maglakad.Lahat ng tao sa loob napapatingin sa akin.Ganoon ba ka obvious ang kaba ko?Ano na ba ang itsura ko?Mukha na ba akong tanga na kailangan ng tumakbo para makaiwas sa kahihiyan.Pero mas nakakahiya naman siguro kung gagawin ko yon.
"OMG..ANG CUTE NYA..HIHIHI"
"RIGHT!DI LANG SYA CUTE,AH,POGI DIN NYA.."
"KASAMA NYA BA YUNG SA KABILANG TABLE?"
"OO,LOOK MUKHA NAMAN DOON ANG TUNGO NYA DIBA?"
"OMG!SILA YUNG TEAM NG PHOENIX!"
"HELL YEAH!"
"ANG POGI NILANG LAHAT!HUHUHU!"
Kabila-bilang bulong ang naririnig,syempre..girl things.
"Hi!",bati ko sabay ngiti sakanila.Napatingin ako sa lahat.OMG!Nakita ko na si Khayzan Yuri De Guzman,prenteng nakaupo at parang walang pake sa paligid nya.Confirm na ang kapogian nya at mukhang kasungitan nya.Sunod naman ay katabi nya si Kenzo Vitale na nakatingin lang sa akin.Tulad ng sabi ko mukha syang mabait at impernes pogi din..at ang isa pa si Jan Marc Fernandez na nakangiti sa akin.Tama ako pareho sila ni Michael may saltik sa ulo.Charowt!At ang isa pa na nandito ay nasisiguro kong si Coach Alvin Santiago na nakangiti din sa akin.
"Ah,Sya si Dennise Loren Legazpi..my cousin",pakilala sa akin ni Michael sa kanila.
"Have a seat..",yaya saamin ni Coach Santiago.Naupo ako sa pagitan nina Michael at Coach Santiago.
"Hi,Dennise!By the way,I'm Jan Marc Fernandez..Jack for short nalang..",magiliw na bati nya at inabot nya sa akin ang kamay nya.Nagpilit ako ng ngiti at kinamayan sya.Grabe naman 'to,di malabong hindi sila magkasundo ni Michael.
"Dennise Loren----Dennise Loren Legazpi",pakilala ko ulit hehe para matandaan nya ulit.Charowt!Sunod naman si Coach Santiago ang nagsalita.
"Hi,Dennise,I'm Coach Alvin Santiago..Coach Santiago nalang..It's nice to meet you",nakipagkamay din sya sa akin.Magiliw akong tumango at ngumiti.Grabe!Ibang level na to,akalain mo mabait pala silang lahat.
"Hoy,Umayos naman kayo..maging good kayo sa kanya..",narinig kong bulong ni Jack sa dalawang nasa harap ko.
"I don't care..",masungit na sagot ni Khayzan Yuri..mali ako,di pala silang lahat mabait.May isang KJ dito.
"Kenzo Vitale",ani Kenzo na tumango lang saakin.Tipid akong ngumiti at tumango din.Eto mabait to.Maya maya ay sinulyapan ko si Khayzan Yuri na naabutan kong umirap sa akin.Eto panigurado akong 50-50.
Guy or Gay??
Masungit nga!Naku po!Kailangan kong mag-ingat dito baka sya pa ang unang makabuko saakin!
"So,cousin nyo sya ni Miguel?",tanong ni Coach.Eto na 'yon..magtatanong na sila.Huminga ako ng malalim bago inisip ang mga dapat kong isagot kapag tinatanong nila ako.Mahirap na!Baka magkaletse-letse,magalit pa saakin si Miguel.
"Yes,Coach..",agad na sagot ni Michael.Tatango-tango si Coach Santiago.
"Kung cousin nyo sya ay walang problema,sang-ayon ako sa kanya.Pinagkakatiwalaan naman nyo si Dennise kaya ok na din saakin",pasimple akong napabuga ng hininga sa sinabi ni Coach Santiago.
Yun na yon?Ang dali lang pala.Akala ko naman sankatutak na tanong ang ibabato nila sa akin.Hehe.
"Thank you,Coach",ani Michael na ngumiti.
"Welcome,Dennise sa grupo namin!Isa kanang Phoenix!",nagitla ako kay Jack nung bigla syang tumayo at tuwid na tuwid ang dalawang braso nya saakin na nakaambang yayakapin ako."Dali na..Isa kana din naman sa Team namin,eh",hala!Sya parang bata,tulad talaga sila ni Michael,isip bata.
"Haha.Thank you po Coach..",ngisi ko kay Coach.Tumango lang sya at may binulong kay Michael na di ko narinig."Lah..",nagulat ako nung biglang may yumakap saakin mula sa likod,handa ko na sanang sikuhin nung malaman ko kung sino.
"Welcome,Dennise!Hmmm---bango mo naman.HAHAHAHA!",baliw!Agad akong napatayo at nagugulat na tumungin sakanya.Naramdaman ko pang nadali nya yung ano ko...basta!Kahit pader ako 'no!
"Hahahaha!Pasensya kana,ganyan lang sya kapag may bagong nakakasama..",halakhak ni Coach kasabay ni Michael.
"Sorry",nagpeace sign saakin si Jack bago namumulang bumalik sa upuan nya.Muntik na akong magka heart attack sa ginawa nya.Ako din ay naupo na at napatingin kay Jack na nakayuko.Lah..ano ginawa ko?
"Dennise,your the part now of Team Phoenix---",di pa natatapos ni Coach ang sinasabi nya nung biglang sumabat si Khayzan Yuri.
"No.He's not part of our team...until he's not answering ALL my questions",sabi nya na nakatitig mismo sa mga mata ko.WTF!?Nakangising umupo sya ng tuwid habang nakatitig saakin."Let's start..",uh,oh!
Lahat ay natigilan at walang sinuman ang umimik kahit na ang mismong si Coach Santiago ay di umimik.
Oo nga pala,nagkaroon na pala ng hudas sa grupo nila kaya siguro ay ganito tong si Khayzan Yuri,nag-iingat lang.Kaya mo yan Dennise!Para lang syang Teacher na may sankatutak na tanong at kailangan mong sagutin lahat ng 'yon kung hindi bagsak ka!
Ngumisi din ako sa kanya."Then try me.."
*****************************