Nanatili siya sa posisyong iyon. Nagtaka si Kaito nang hindi na maramdaman sa mukha ang tagaktak ng ulan.
Tumigil naba ito? Pero naririnig niya pa rin ang ingay ng buhos niyon. Nagmulat siya ng kanyang mga mata at sumalubong ang itim na telang tumatabon sa kanyang paningin.
'Payong?'
Itinuwid niya ang ulo para harapin kung sinuman iyon.
"A, Sir, okay lang po ba kayo?"
Tinitigan niya ang mukha ng nangahas na pumutol sa kanyang pagmuni-muni. Natatabunan ang katawan nito ng orange na raincoat, mababakas sa maamong mukha ang pag-aalala.
Napasinghap ito at tumitig sa kamay niya. "Sir, may sugat ka!"
"Im fine," sabi ni Kaito na tumayo at umaktong babalik sa kotseng nakaparada sa di kalayuan nang hawakan nito ang braso niya.
"Hindi, hindi kayo okay." Nasorpresa ang lalaki nang basta na lamang siyang hilain nito sa kamay. "Gagamutin natin ang sugat mo. May alam akong lugar na may sapat na gamit, in fact, papunta rin ako roon."
Walang lumabas na isang salita mula sa bibig niya, he felt cornered and dumbfounded. No, he felt astonished. Unang beses iyon na may totoong nag-alala sa kanyang kalagayan. Kahit na nga ba sabihing hindi niya ito kilala. Well, baka nga dahil hindi siya nito kilala.
Halos lahat ng nakakakilala sa kanya ay pinangingilagan siya, dahil sa kapangyarihang taglay o dahil takot ang mga ito sa mga naririnig na balita tungkol sa kanya. Ang iba ay titig niya palang, nanginginig na. Ang iba naman ay pinili na lamang na umiwas.
Hindi niya malaman kung ano ang pumasok sa kanyang utak bakit niya hinahayaang basta na lang siyang hawakan at hilahin nito. Nakita nalang niyang sumusunod ang mga paa niya kung saan ito patungo.
Ilang block lang ay narating na nila ang gusali, isa iyong dojo ng taekwando.
"May maliit na clinic dito, kaso walang nurse na available ngayon, so ako ang gagamot sa 'yo." Nanatiling walang tugon si Kaito.
Nakipag-usap ang kasama niya sa isang lalaki bago sila tumuloy sa clinic.
"Heto, magpalit ka muna ng damit, lalo kang magkakasakit 'pag natuyo iyang damit mo sa katawan mo. Don't worry, malinis iyan. Extra iyan ng teacher ko. May banyo sa labas, maghahanda lang ako ng gamit dito," anito.
Sinunod ni Kaito ang sinabi nito. Pagbalik niya ay sinimulan na nitong gamutin ang kanyang sugat.
"Mabuti at hindi masyadong malalim. Hindi ako marunong magtahi, e." Kasalukuyan na nitong binebendahan ang kanyang kamay.
"Kumusta ang pakiramam mo? Hindi ka ba nilalagnat?" Bigla nitong itinaas ang kamay para sana salatin ang noo niya pero umiwas siya.
"I'm fine."
"Okay," anitong ibinaba ang kamay sa ibabaw ng hita. "Ako pala si Hana."
"...Jin," sagot niya makaraan ang ilang sandali
"Jin," pag-uulit nito. Tila ninanamnam ang pangalan niya sa mga labi
"Dito po muna kayo, Sir Jin, hanggang tumigil ang ulan.," sabi nitong lumingon sa bintana. Muli itong humarap sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Ikinagagalak kong makilala ka." Lalong sumingkit ang singkit na nitong mga mata
'Pretty.'
She has quite long black and straight locks. Hugis puso ang mukha nito at wari'y kay sarap haplusin ang maputi nitong kutis. Not so fat, not so thin, bilugan at sakto lang.
"How old are you?" tanong niya sa kaharap.
"Nineteen, ikaw?"
"Thirty two."
"Taga Cavite ka rin ba?" mukhang naengganyo na itong makipagkwentuhan.
"No, may pinuntahan lang akong importante."
"Aaa...mestizo ka ba? Medyo green kasi ang mga mata mo." Habang sinsabi iyon ay walang pag-aalinlangan nitong tinitigan ang kanyang mga mata.
He's amused. Curiousity was drawn into her eyes. "Yes, Half Japanese, One forth Irish and Filipino."
"Oooh..." Namimilog ang mga mata nito na parang bata at napangiti siya doon.
"Ikaw? I can say you also bear a Japanese blood," tanong niya
"Wala. Singkit lang talaga ako." Jin has been surrounded with Japanese people eversince he opened his eyes kaya masasabi niya kung ang kaharap ay may lahing hapon.
"Hmn, okay."
Nakipagkuwentuhan pa ang dalaga nang kaunti sa kanya. Naaliw si Jin dito, she's smart and witty. Kenkoy minsan and he finds it cute. Ang iba nitong tanong ay sinagot niya, ang iba ay hindi. Hindi naman ito nangungulit.
Makalipas ang halos isang oras ay tumigil na ang ulan.
"I have to go."
"Ihahatid—"
"I have my car, I can handle." Tumango ito, tila napahiyang napakagat-labi.
Napatitig siya sa labi nitong lalong pumula dahil sa pagkakakagat.
"But before I go, thank you." He crossed the space between them, slid his bandaged hand against her cheek and met her surprised lips with his for a quick smooch. He tasted the sweetness of her smooth lips. Sucked and licked it in a very quick but passionate way.
The moment he widthrew his lips, isang matunog na sampal ang dumapo sa pisngi niya.
"Ouch." He plainly uttered. Expected na niya iyon, nadala lang talaga siya na halikan ito.
"Bastos! Pagkatapos kitang tulungan?! Ganyan pa ang igaganti mo sakin?"
"But that was my thank you. Women always love it when I do that." he reasoned out
"P'wes, hindi ako isa sa mga babeng sinasabi mo, Mister at ayoko ng thank you mo! Umalis kana bago pa magdilim ang paningin ko at ma-- masahol pa d'yan ang gagawin ko sayo!"
Amused na naman si Jin. Pulang pula ang mukha nito sa galit at marahil sa pagkapahiya.
"Sabi ko, umalis kana!" tili ulit ni Hana na nilangkapan pa ng padyak.
Itinaas ng binata ang dalawang palad na parang sumusuko pero nakangiti pa rin. Naaaliw sa babae.
"Relax, fine. Ja'a ne, Ohime-sama," yuko niya bago lumabas ng clinic.
Terminologies:
Ohime- grand princess
Sama- the formal & respectful form of 'San'