Part 9

1338 Words
UNANG beses na lumabas si Hana kasama ang isang lalaki, maliban sa itay at kuya Matt niya. Kaya kaba at galak ang nag-uunahan sa dibdib niya nang mga sandaling iyon. Kahit gaano man niya pinapaalala sa sarili na huwag magpadala sa pinapakita ng lalaki ay hindi parin niya mapigilan ang sariling kiligin dito, afterall, she is still a woman. At normal lang naman siguro ang makaramdam ng atraksiyon sa isang lalaki lalo at kasing tikas ng kasama niya. Palihim niyang sinulyapan ang katabi, nagtaka siya nang makitang magkatagpo ang mga kilay nito. Nakatiimbagang at mahigpit na nakahawak ang kamay sa manibela. Panay ang tingin nito sa rear view mirror. "Sir Jin, may problem ba?" kagyat na umaliwalas ang ekspresyon ng mukha nito nang bumaling sa kanya, bahagya itong ngumiti. "Wala, Hana. Malapit na tayo sa restaurant." Tumango siya pero hindi nawala ang pagtataka sa kilos ng kasama. Hanggang sa maka-park sila ng kotse at pumasok sa restaurant ay aligaga ito. Magkahalong black and beige and kulay ng paligid na may gintong linings ang gilid. May malalaking kwadradong poste sa gitna ng dining area. Right side, mula sa entrance ay ang mahabang bar, nagkikislapan ang mga kopitang nakalambitin sa dingding niyon, sa gilid naman ay ang mga bote ng mga mamahaling inumin. Nakapailanlang ang masarap sa pandinig na violin instrumental sa paligid. Sa tantya niyang sobra kinse na mesang naroroon ay anim ang okupado, dahil narin siguro hindi pa peak time. First time niyang pumasok sa ganoon ka-garbong restaurant kaya hindi niya alam kung paano gumalaw. 'Bakit naman dito n'ya 'ko dinala? Hindi bagay ang hitsura ko dito!' "Table for two please." Anito sa babaeng staff na sumalubong sa kanila, giniya sila sa isang eleganteng mesa na pandalawahan sa isang sulok. "Hana, will you be fine here?" tanong nito pagkatapos nilang mag-order. "Bakit?" "May kukunin lang ako sandali sa kotse." "Hmn, sige." Iba ang pakiramdam niya sa kinikilos ng lalaki. "I'll be right back before you miss me." saad nitong ngumisi bago tumayo at naglakad palabas ng establisemento. Ang laki ng pinagbago ni Jin. When she first met him, under the rain, he was snob. Kahit noong dinala niya ito sa dojo para gamutin ang sugat sa kamay nito ay halos hindi ito nagsasalita. He looked intimidating. Ang taas nito, ang tindig, ang mga titig at kilos, halatang hindi basta-bastang tao. Pero pilyo din pala, at halatang womanizer. From snob and intimidating to being a pervert, 'yun ang impression n'ya. Kumpara noon ay mas nagsasalita na ito, he even smiled more often. Minsan ang cute nito kapag ngumingiti. Pero hindi niya malaman kung bakit ganoon ang mood ni Jin nang mga sandaling iyon, mukhang may iniiwasan. Sino? Ano? Diyes minutos na simula nang mag-order sila at lumabas si Jin, wala pa ang pagkain at hindi pa ito nakabalik. Nakaramdam siya ng pagkabagot dahil narin siguro sa hindi siya mapalagay. Tumayo siya at binagtas ang palabas ng restaurant. Nagtungo kung saan ginarahe ang sasakyan ng lalaki pero wala ito. 'Saan na ang lalaking iyon?'  Wala pa naman siyang dalang pera kung sakaling hindi ito makabalik. Uli naglakad siya at nilibot ang parking lot pero walang Jin. Babalik na sana siya sa loob ng restaurant nang marinig ang ungol ng isang lalaki. Nanggaling ang boses na iyon sa likurang bahagi ng gusali, tahimik niyang pinuntahan iyon at nagulantang nang makitang bumulagta ang isang lalaki sa unahan. Napasinghap siya ng malakas, hindi nag-iisa ang lalaki. May dalawa pa itong kasama na pawang nakahandusay na sa lupa. Lumipat ang tingin niya sa salarin, mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino iyon.  "Sir Jin?!" "Lets get out of here." Saad nito na hinila ang kamay niya. Pumasok sila sa kotse at mabilis na pinasibad iyon. "Anong nagyayari? Anong ginawa mo sa mga taong iyon?" she felt nervous, nakaramdam siya ng pag-atubili nang hilain nito ang kamay niya. "Theyre not dead, siguradong pinadala sila ng mga kakompetensya ko sa negosyo." Sagot nitong nakatuon lang ang tingin sa daan. "L-lagi bang nangyayari ang ganito?" "Well, yeah. Hindi maiiwasang may magbanta." "S-saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa amin." "Hindi ka muna uuwi ngayong gabi Hana, delikado pa. Ipagpabukas na natin ang paghatid sayo." "What? No, its okay. Pwede mo na akong iuwi." "Hana, please, trust me." Saad nito. His voice was begging and it made her stop complaining. Nagdial ito sa monitor na nasa harap ng kotse, maya-maya ay may sumagot na may katandaan nang boses. "Hai, kaichou sama?" "I'll be coming in ten minutes." "Kashikomarimashita." at naputol. 'Ano daw? Ang hirap naman ng Japanese.' Dinala siya nito sa isang malaking hotel, a tall and very luxurious one. Parang nagkikislapang ginto ang mga yellow lights na nakapalibot sa building. Sa gitna malapit sa main entrance ay may magandang fountain na may naglalaro ding makulay na ilaw. May magagarang kotse na nakapark sa paligid. Pero nilagpasan lang nila iyon, umikot ang kotse sa likod ng gusali. Tahimik lang na nagmamasid si Hana. Bumagal ang takbo ng kotse nang dumako sila sa isang malaking roll-up door, unti-unti na iyong bumubukas. 'Parking space?' konklusyon niya nang tuluyan nang tumaas ang metal na pintuan. May apat na lalaking naka-itim na amerikana ang nakayukong sumalubong sa kanila. Nang mamatay ang makina ng sasakyan ay may tig-iisang lumapit sa pintuan nila at pinagbuksan sila. "Irasshaimase, kaichou sama, ojosan." sabay na bigkas ng dalawang empleyado "Hana, come." saad ni Jin na nilapitan siya, nangingimi naman siyang sumunod dito. Pumasok sila sa isang hallway na walang ibang nakikita kundi puting dingding, sa dulo niyon ay may elevator na naghihintay, sumabay ang dalawang lalaki sa loob niyon at pinindot ng isa ang fifteenth floor. Habang gumagalaw paakyat ang elevator ay tahimik ang lahat, pati siguro nahulog na karayom ay maririnig. Nakakaasiwa ang kapormalan ng mga kasama niya! Patingala siyang sumulyap kay Jin. Walang emosyon ang mukha nito at diretsong nakatingin lang sa pinto ng elevator pero nang maramdaman nitong nakatingin siya ay bahagya itong sumulyap din sa kanya at pasimpleng ngumiti. Palihim naman siyang napakagat-labi sa nakita at nagbawi ng tingin. 'Ang heart ko!' Nakakalula ang interior ng hotel, fully carpeted ang hallway na may geographic design, cream ang kulay ng walls to ceiling, animo'y nasa loob siya ng isang palasyo. "Ikaw ba'ng may-ari dito?" pagkuway tanong niya nang makapasok na sila sa binigay na kwarto. Naisip niya iyon base sa trato ng mga sumundo sa kanila. Halos sala lamang niyon ang buong bahay nila sa Cavite. May historic touch ang buong kwarto, napipinturahan iyon ng kagaya nang sa labas, may brown lining ang paarkong hugis na mga pintuan. Sa bintana ay may makakapal na kurtina. Sa gitna ng silid ay may malawak na tanggapan, sa itaas niyon ay kumikinang na chandelier. Sa kaliwang bahagi ay ang malaking banyo at katabi naman ay kwarto. Sa loob niyon ay isang malapad na puting kama. Mula sa kinaroroonan nila ay kita ang kabuuan ng siyudad. Tila mga alitaptap ang ilaw ng mga gusali na natatanaw niya mula doon. Ngumiti ang lalaki habang hinuhubad ang blazer. Sinunod na niluwagan ang kurbata. "Isa lang ako sa may-ari, marami kami." Naaappreciate niya ang pagkahumble ng lalaki. "Im so sorry, Hana." Saad nito sa pagtataka niya. "I ruined the night. I wanted us to have our proper dinner in a nice place." "Wala sakin 'yun, nag-aalala lang ako." Humakbang ito patungo sa kinatatayuan niya, he raised his hand and caressed his check. Hana could feel the warmth of his touch against her skin. Gustong manayo ng mga balahibo niya sa batok.  "I know you were scared. I'm sorry kung kailangan mong makita ang ganoon." Their eyes met in a gaze, hindi alam ni Hana kung paano tumugon sa kilos nito. Her breath became heavier. "We're safe here, just relax. Alam kong nagugutom kana, dito nalang tayo mag-order, kung okay lang?" Tila napapahiyang napatungo si Hana. Nahihinuha niyang namumula na naman ang mukha niya, iba ang inakala niyang gagawin ni Jin. Ganoon naba niya kaasam na mahalikan ulit ng lalaking ito? "O-oo naman." Inabot nito ang awditibo ng telepono sa mesa. Nag-order ng pagkain na pinili nila. Kahit ang galaw ng adams apple nito habang nagsasalita ay tila ang sarap pagmasdan. Sexy, naisip niya. "If you want to take a shower, may kumpletong gamit sa loob. Magpapadala nalang tayo ng extra na damit dito." Terminologies: Kaichou- means chairman Ojo- someone else's daughter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD