Jin! No. Kaito! Dapat isaksak niya sa utak ang katotohanang iyan. Bakit siya dumating? Totoo bang nahuli siya ng Allen na ito? The vile elusive Kaito Ishida—na ilang buwan ang kanilang ginugol para lamang malaman ang totoong identity—basta na lamang nalinlang nang ganoon? Mas pinaigi pa ni Hana ang pagtanaw sa lalaking nakahalik sa sementadong sahig para siguraduhin kung hindi ba siya dinadaya lamang ng sariling mga mata. Jin had been in her mind ever since the hurtful encounter. Laging naglalaro sa kanyang isip masalimuot na tagpong iyon. Ang paulit-ulit na sigaw ni Marga na wari ay isang pelikulang walang katapusang pinalalabas sa kanyang harapan. At sa bawat pagrolyo niyon ay mas lalong dinudurog ang kanyang pagkatao. 'Hana! Lumayo ka kay Kaito!' Napatiim-bagang siya sa muling pag

