Mahinang ungol ni Marga ang umagaw ng pansin ni Akagi mula sa pagkakaupo sa kanyang silya. Hininto niya ang ginagawa sa lamesa at tumayo. Lumapit sa center table na nasa gilid ng sofa kung saan nakahiga ang babae at nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Umungol ulit ang dalaga pero ngayon ay gumalaw na para sapuin ang sariling ulo. "How are you feeling?" tanong niya matapos iusog ang baso palapit rito. "A-Akagi...?" Pinaliit nito ang mga matang namamaga pa at tinitigan siya nang may pagtatanong. "Saan tayo?" "Inside my office." "...office? Bakit...ako nandito?" Itinukod ng babae ang siko sa hinihigaang sofa para suportahan ang katawan habang bumabangon paupo. Inalalayan naman niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa siko at likuran. "Thank you." Inabot nito ang basong may malamig na

