A few moments ago... "Ano'ng plano mo kay Allen? Bakit mo siya hinayaang mabuhay? I've been meaning to ask this at alam kong alam mo," sabi ni Hana isang araw habang seryoso silang nag-uusap ni Kaito sa sarili nitong penthouse. Nakaupo sa sofa ang lalaki habang eleganteng nakakrus ang mahahaba nitong binti. Sa isang kamay ay tasa ng mainit na tsaa. Siya naman ay nakaupo rin sa tapat nito. Days have past ever since they have been discharged from that sickening huge hospital. Nais pa sanang mag-conduct ng iba pang test ang doctor sa kanya ngunit tumanggi siya, para sa kanya hindi naman kailangan dahil wala naman siyang ibang nararamdaman. Nagpumilit kay Kaito na umuwi na at hindi siya nagsisi. Pakiramdam kasi niya, hindi pa rin natatapos ang kanyang paghihirap hanggat naroon pa siya sa pag

