Part 22

1216 Words
TAHIMIK ang lalaki habang lumalabas sila papuntang highway, nakatuon lang ang pansin nito sa daan. She loves the sight of him maneuvering the wheels lalo na ang pagmasdan ang paggalawan ng mga muscles nito sa braso na bahagya niyang nasisilip mula sa itim na suit. Hindi na niya mapipigilan ang nararamdaman para kay Jin. She always wanted to touch him and be inside his broad chest. Nasa kahabaan na ng Dasmariñas at tuwid na ang daan nang basagin nito ang katahimikan, "Hana, ano 'yong sinabi ng papa mo? Would you mind if I ask?" "A-alin dun, Sir?" "Naoperahan ka and you're still recovering?" "Ah--ano, kasi..." "Is it really too hard to say to me?" Napayuko siya dahil nakokonsensiya sa ginagawa. Ngayong official boyfriend na niya ito, may karapatan na ito  somehow na malaman kung ano ang nangyari. "Ano'ng nangyari? Appendicitis? Bladder stones?" "Hindi." "Were you cut?" "... gun shot." Shock and disbelief was drawn on his beautiful face as he suddenly turned his gaze to her. Agad itong naghanap ng espasyo sa daan at mariing inapakan ang brake, "Anong sabi mo? Nabaril ka?" Mahina siyang tumango. "Why? Saan?" "S-sa balikat lang naman." "Sinong bumaril sa iyo, Hana?" Jin was now using a deep tone she can feel the pressure of his fingers holding her arm. His eyes became sharp, hindi niya mabigyan ng paliwanag but it was like he's imitting a sense of danger at that moment. "H-hindi ko kilala. May bigla kasing nagbarilan malapit sa convenient store na pinasukan ko, t-tapos naramdaman ko nalang na sumakit ang balikat ko." Napangiwi siya at nag-iwas ng tingin dahil hindi niya kayang tumahi ng kasinungalingan nang nakatingin sa mata. "I don't know what to say," anito na bumuntong-hininga saka hinarap uli ang manibela. "Magaling naman na." Namayani na naman ang katahimikan dahil nabaon na ito sa pag-iisip. Awkward na rin magbukas ng ibang topic  kaya tumanaw nalang siya sa labas ng bintana at inaliw ang sarili sa iba't-ibang kulay ng ilaw mula sa mga nadadaanan nilang buildings. "Don't just wander naïvely on the streets, Hana, anything can happen in a split of time. Marami nang baliw na nagkalat sa daan ngayon. Just--be careful, okay?" "Okay..." "Anong gusto mong kainin?" Nabunutan ng tinik ang mabigat niyang dibdib nang magtanong ito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Mukhang humupa na ang masamang mood nito base sa ginamit na tono. "Kahit ano nalang, wala akong masyadong alam sa mga international dishes, eh. Pawang pinoy food lang naman ang kinakain ko, iyon lang naman kasi ang kilala ko." "In that case, we'll go for Japanese. Ipapatikim ko sa iyo ang favorite kong sukiyaki, I know a very nice restaurant in Mandaluyong," sabi nito na may ngiti sa mga mata. Mukhang excited ito na i-share sa kanya ang paborito. Hindi pala totoo ang sinabi nito sa tatay niya na nag-reserve na ito. "Okay, gusto ko 'yan," nakangiti niyang sagot. "ANG dami naman nito, parang hindi ko yata mauubos 'to, Sir." Sa hitsura ng sukiyaki na in-order ni Jin para sa kanya ay parang natakam siya bigla pero totoong malaki ang serving niyon, pang dalawang tao yata. Kapares niya ay ganoon din ang kinuha nito, nagdagdag pa ng ilang side dishes na hindi niya kilala. May nakalatag din na ilang maliliit na kanin na may iba't-ibang hugis, ang iba ay pinatungan ng isda, ang iba naman ay may nakahalong avocado slices, iyon, alam niyang sushi ang tawag doon. Dinampot ni Hana ang dalawang stick na maayos na nakalatag sa gilid ng plato at inipit sa daliri. Kumuha ng sushi gamit iyon at inilagay sa plato. "Hmn, for a person who's not often to asian restaurants, you're quite good with chopsticks." Oo nga, hindi naman siya palaging gumagamit pero hindi niya rin maipaliwanag kung bakit mabilis sa kanya ang gamitin iyon. Sino ba'ng nagturo ulit sa kanya noon? Hindi na niya matandaan. "Madali lang naman 'to," kibit balikat niya. "Some are claiming they love eating Japanese food pero hanggang ngayon ay hindi parin marunong humawak ng chopsticks. Anyways, if you want to add more, go ahead," tukoy nito sa pagkain. "Ay hindi, hindi po. Ang dami na nga nito, o. Mahihirapan na akong ubusin kahit itong sukiyaki ko." Ngingiti-ngiti lang ang lalaki habang nakatingin sa kanya na pinapapak ang karne. "ARE you good? Do you like the food?" Panaka-nakang sinusulyapan siya ni Jin habang nagmamaneho ito. They spent an hour at the restaurant at umalis nakaagad. "Oo, ang busog ko!" "That's great." "Saan tayo pupunta ngayon?" "My place," saad nito na lumiko sa kaliwa. Familiar sa kanya ang lugar, mukhang papasok na sila sa West Avenue. Naalala niya ang sagot nito sa interview ng itay niya na sa Quezon ito nakatira. Pumasok ang kotse sa parking lot ng isang malaking building. Napansin niya ang mahigpit na security sa nasabing gusali, mula sa dalawang guards na nakabantay sa gate na pinasukan nila, namataan din niya na may nakatayo ding dalawa sa entrance, iba rin ang nagro-roving sa parking lot. Pawang nagtataglay ng malalaking build ang mga iyon. Maliban sa guards ay nagkalat din ang mga CCTV sa kada-sulok ng gusali. "We're here." Mabilis itong dumukwang na bahagya niyang ikinagulat at kinalas ang seatbelt na nakapulupot sa kanyang katawan. "S-salamat." "Stay there," usal nito na lumabas ng pinto at saka umikot sa gawi niya para pagbuksan siya ng pintuan. "Sir, magaling naman na ako. Hindi mo na kailangang gawin 'yan." "Gunshot is no joke, Hana." Natahimik na lamang siya dahil kahit na mag-insist siya ay mukhang hindi siya mananalo sa lalaki. Pumasok sila sa isang elevator at nakita niyang pinindot nito ang twenty fifth floor, iyon ang pinakahuling buton. Hindi touchy at hindi sweet kapag may ibang tao, iyon ang napansin ni Hana sa ilang beses nilang pagsasama ni Jin, humahawak lang kapag kailangan. Kahit kapag naglalakad sila ay kung hindi nakapamulsa o nakahawak sa cellphone ay nakababa lang ang kamay nito, napakapormal kaya mahirap sa kanya ang maging easy. 'Siguro ganoon lang talaga siya.' Pagkabukas ng elevator ay hindi inasan ng babae na isa na namang pintuan ang makikita. Itim iyon at may digital lock. Pagkatapos pumindot ng ilang numbers sa maliit na screen ay tumunog ang lock. Tinulak ni Jin ang dahon ng pinto at bumungad sa kanya ang malawak na sala. Nakapaikot sa halos kalahati ng silid ang glass walls, mula doon ay kita ang malawak na lungsod ng Quezon. Kumukutitap ang mga ilaw na nanggaling sa mga gusali at sasakyan. Everything was painted white, grey an black, very manly. Itim din ang sofa set na nakalatag sa gitna ng bahay, sa gilid niyon ay malaking spiral staircase paakyat sa itaas. Tumingala siya at pinagala ang paningin sa dulo ng hagdan, "Bedroom?" turo ni Hana. "Yes, leave the bed for later," he said naturally while taking off his suit. Pinamulahan tuloy si Hana ng mukha, hindi naman iyon ang ibig niyang sabihin. Lumipat ang lalaki sa bar na nakadikit sa pader at nagsalin ng magkaibang alak sa dalawang baso at bumalik sa harap niya. "Champagne, just like before," anito na inabot sa kanya ang inumin na nasa goblet at nag offer na toast. Kanya-kanya nilang dinala sa bibig ang mga baso at sumimsim. Jin intently stared at how her small lips touched the clear liquid through the rim of his bourbon, she gulped when a subtle one sided smile broke his lips. "Welcome to my home, Hana." Terminologies: Sukiyaki- a Japanese dish which consists of meat which is slowly cooked or simmered at the table, alongside vegetables and other ingredients, in a shallow iron pot in a mixture of soy sauce, sugar, and mirin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD