"He's dead." Hindi agad nakahuma si Marga sa sinagot ni Kaito. Si Matt ang kinalabit nito para itanong kung nasaan na si Allen nang makapasok sila ng ER ng hospital. Ngunit iyon ang sagot nito. "Do you really think I would spare that dumbass' life?" "Sa ngayon, malamang nasa kamay na siya ng mga pulis, Marga. Baka dinala sa ibang hospital," agaw ni Hana sa eksena. Siya na ang sumagot dahil mukhang walang planong magsabi ng totoo si Kaito. Ang kanina na tila nabigla nitong reaksiyon ay napalitan ng kaunting ginhawa. Siguradong masasaktan rin ito kapag may nangyaring masama kay Allen. Afterall, boyfriend nito ang lalaki ng ilang taon. Pero selfish mang sabihin, maging siya ay gustong hilingin kay Kaito na tapusin na lamang ang lalaki. Nang sa ganoon ay wala na siyang iisipin pa. Ang pasa

