"Alam kong tauhan ka ni Kaito!" Pilit kumakawala si Hana mula sa pagkakagapos sa metal na silya ngunit pakiramdam niya sa tuwing gumagalaw siya ay mas lalo lamang sumasakit ang parte ng katawan kung saan nakadiin ang makapal na cable. At sa tuwing kumikirot iyon at napapangiwi siya, lumalapad rin ang pagkakangisi ng kampon yata ni Satanas na kidnapper. Aliw na aliw itong nakamata lang sa kanya habang ang puwet ay nakatukod sa gilid ng kahoy na lamesa. His gaze were ablazed with flame, red as blood. Lips were cracked in a wicked grin that sent her spine to chills. "Pakawalan mo 'ko rito!" Pagkagising ni Hana ay nasa ganoong sitwasyon na siya. Sa isang lumang silid na kasing-lapad ng isang classroom. Iyon nga lang ay walang ibang naroon kundi ang silyang kanyang inuupuan, lamesang kahoy sa

