NAPAGPASYAHAN niyang bumalik ng NH para magbaka-sakaling makakalap ng dagdag na impormasyon. Naalala niya ang sinabi ni Marga matapos pag-aralang mabuti ang mga pangalang Philipe De Montaño at Equevo Pharmaceuticals.
"Nagkaroon nga ng koneksyon itong si Philipe De Montaño sa Nankai Holdings simula noong taong two thousand seventeen pero hindi ang Equevo. May pumasok na malaking halaga ng pera sa bank account ni De Montano galing sa nagngangalang Tristan Segovia. And this Tristan Segovia is the manager of the Akiko Restaurant kung saan may share din ang NH. Tatlong beses, to be exact, ang huli ay noong nakaraang tatlong buwan." Kaya malakas ang kutob nila na may malaking kinalaman ang NH sa pagkamatay ng lalaki. Lalong lalo na si Yuu Akagi na siyang nakipagkita sa lalaki sa restobar.
Pagkapasok ng gusali ay dumiretso siya ng eigth floor. May mga empleyado ding naroroon kaya hindi masyadong halata ang palihim niyang pagmanman. Suot ang office attire at dala ang folders nakihalo siya sa mga abalang empleyado.
"Nakita mo naba sa personal ang CEO, Emily? Balita ko nagpunta dito kahapon eh. Dumaan ba dito?" narining niyang tanong ng isa sa mga babaeng empleyado sa di kalayuan niya.
"Ay oo!" May dalawa pang babaeng galing sa pagta-type sa computer ang napahinto at nakitsismis narin.
"Talaga? Balita namin ang gwapo daw. Two years na ako dito pero hindi ko pa nakita ng mabuti yun, ang ilap!" Usisa ng naka beige na button up blouse.
"True, wala siya d'yan lagi sa opisina, bumibisita lang. Si Sir Akagi lang ang laging nandyan." sagot ng nagngangalang Emily. "And mga te..." hinulog ng babae ang dalang marker. "Drop dead handsome!"
Nagkiligan naman ang mga ito. "You know, iyong tipong matangkad, maputi, broad shoulders, tsinito. Ang bango tingnan!" tila nangangarap itong napatingin sa kisame na parang may nakikitang maliliit na puso sa paligid. "Pero totally snob." At nagsiputukan ang mga pusong iyon. "Hindi man lang lumilingon sa paligid, dire-diretso kung maglakad. Mabilis pa sa alas kwatro."
"Ganoon din ang mga foreigners maglakad eh, ang bibilis." dagdag noong nasa dulo. Nakita niyang biglang tumahimik ang mga ito at dali-daling nagsibalikan sa mga ginagawa kaya nagtaka siya. Ilang sandali pa ay may nagsalita sa likod niya.
"I believe gossiping is not part of your morning tasks." bungad ng isang middle aged na babae sa opisina. She looked very confident and intimidating in a black dress na hindi umabot sa tuhod, pinatungan iyon ng cream blazer at pinaresan ng nude color stilletos, siguro department boss ng mga ito. Baka nakita ng mga babae ito na paparating dahil salamin ang dibisyon ng kwarto at hallway. Naging alerto ang mga pandama niya nang masilip na nasa likod ng babae si Akagi. May pinag-uusapan ang mga ito tungkol sa galaw ng operasyon. Pasimple siyang umiwas ng tingin at mahigpit na napahawak sa dalang folders sa dibdib niya. Kinakabahan siya na baka memoryado ng mga ito ang hitsura ng mga empleyado, siguradong malaking gulo.
"Let's check the other departments." anang lalaki
Nakahinga siya ng maluwag nang umalis na ang dalawang amo, kailangan niyang masundan si Akagi nang hindi nahahalata. Nagtuloy ang mga ito sa isa pang kwarto. This time, wooden ang wallings kaya hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito sa loob.
Nagdalawang isip siyang pumasok dahil hindi siya sigurado kung anong eksena ang madadatnan doon. Sinulyapan niya ang relo sa kamay, magtatanghali na. Siguradong maya-maya ay maglalunch break na ang mga ito and who knows kung makikita niya ulit si Akagi after lunch break o hindi, kaya kailangang hindi niya hahayaang mawala sa paningin niya ang lalaki ngayon. Nasa ganoon siyang paag-iisip nang lapitan siya ng isang empleyado.
"Excuse me, who are you? Bakit ngayon lang kita nakita dito? Saang department ka galing?"
"Ah estudyante po ako, nagreresearch." dagling sagot niya. Nananalangin na sana hindi na ito mag-usisa pa.
"Akina ang school ID mo." binigay niya ang pekeng school ID. Mukhang kontento naman ito sa nakita. "Bakit wala kang visitors ID?" Iyon ang wala siya dahil hindi naman talaga siya naka schedule na magconduct ng rounds doon, pumuslit lamang siya.
"A—ahm ano po..." mangangatwiran na sana siya pero may pumagitna sa kanilang usapan. Nanlaki ang mga mata ni Hana nang makaharap si Yuu Akagi. Mabubulilyaso naba ang plano niya?
"What's the commotion all about?" kalmang tanong nito sa empleyado.
Nagkanda yuko naman ang huli sa pagbati dito. Napayuko narin siya bilang pagbati, prominent iyon sa mga Japanese. Hinuha niya ay malaki talaga ang respeto ng mga ito sa lalaki.
"Wala po kasi siyang visitor's ID, sir."
Sa hindi niya maunawaan ay tinitigan siya ni Akagi at ang kamay niya na hawak ang mga folders. "It's fine. I will handle this, you can go now."
'Patay na!' Magigisa na siya. Kailangan niyang makahanap ng magandang lusot. Kung hindi siya mag-iingat ay baka katawan na niya ang susunod na makitang walang buhay.
Yuu Akagi was tall, marahil ay naglalaro sa five feet and nine inches ang taas nito. He's good looking yet very intimidating, sharp eyes and mysterious smiles. Parang nakakatakot ang pagkakalma nito. Parang isang maling kilos niya lang ay mananakma na.
"And you are?" tanong nito sa kanya nang mapag-isa nalang sila.
"I am Hana Rodriguez, Sir." Ibinigay niya dito ang school ID niya. I am conducting a research for my thesis. Bumalik po ako kasi may kailangan lang po akong ifill-in na details. Naririnig na niya ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso.
'Sana kumagat. Sana kumagat.' panalangin niya.
Siniyasat nito ang ID niya pagkatapos ay sinauli din. "I am free right now so you can just ask me every details you need." anito. "Over lunch since it's almost twelve."
"L-lunch po?"
"Yes, I happened to know very well the company from it's firsts to the lasts, Ms. Rodriguez. So no need to do the rounds, come."
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito. After all pagkakataon na niya iyon para mapalapit kay Akagi.
Tumuloy sila sa isang restaurant na parte din ng building na iyon.
Kahit na nga ba harmless and professional ang approach nito sa kanya ay hindi parin niya maiwasang kabahan at maging cautious sa kilos niya. Sa nakikita ng dalaga, very observant ito. Alam niyang habang simple silang nag-uusap ay tahimik siya nitong pinag-aaralan.
"I like your watch." puna ni Akagi
"Thank you." wala sa loob na napatingin si Hana sa relo at hinawakan iyon. "Bigay lang po sa akin."
Tila napukaw ang interes ng lalaki at tumuwid ng upo. "Really? Who?"
"Isang kaibigan po." Tumango-tango lamang ito.
"Alam mo ba kung ano ang trabaho ng kaibigang ito?"
Nagtaka man sa huling tanong ng lalaki ay pinili niyang sagutin na lamang iyon. "Business po yata, hindi ko po sigurado."
Wala talaga siyang alam kung ano ang ikinabubuhay ni Jin. Base lamang niya iyon noong sinabi nitong may business meeting ito.
Tahimik lang si Akagi at hindi na nagtanong pa. Natapos nang maayos ang lunch c*m discussion nila at nagpaalam na rin itong babalik sa opisina.
ARAW ng pagbibigay ng progress report ni Akagi para sa amo. Walang untoward incidents sa mga nagdaang araw kaya maikli lamang ang salaysay niya.
"Akagi San, hindi ka pa nakapagbakasyon, diba? You've worked too hard, why not travel and relax for a bit? Say, Maldives or Paris?" suhestiyon ni Kaito sa sekretarya.
"Thank you for the suggestion, Ishida San pero wala pa akong plano para sa isang bakasyon."
"Hmmn, as you like." saad nito at hinarap ang cellphone.
"These are the guest lists for the auction gala." Inabot ni Akagi ang kopya ng listahan kay Kaito. "Confirmed na ang pagdalo ni Madam Elena Petrov, he will be going with Condrad Manzano."
"MADAM Elena is the chairman of Royale Jewels. Isang malaking kompanya na nagmamay-ari ng ilang sangay ng jewelry shops." sabi ni Marga. Nasa kwarto sila ng kuya Matt niya. Tinatalakay nila ang profile ng mga involve na tao sa magiging sunod na misyon. Nakadikit sa dingding ng kwarto ang isang white board, akahilera naman doon ang pictures ng mga targets nila.
"Prestigious ang mga products nila kaya matunog sa alta sa s'yodad ang pangalan. Ang asawa niya ay si Philippe Petrov ang presidente ng Almani Group of companies. Naghiwalay ang dalawa kamakailan lang matapos sumabog ang balita na hindi totoong nagsasama ang dalawa bilang mag-asawa. Ayon sa balita, binayaran lamang ni Madam Elena ng huge sum of money si Philippe at ang pamilya nito para magpakasal sa kanya ang lalaki."
Magkatabi ang magkapatid na nakaupo kaharap si Marga. Tahimik lang na nakikinig sa sinasabi ng babae.
"Usap-usapan na ang totoong kinakasama ng babae ay ang sekretarya niya, si Condrad Manzano. Hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng tao ang relasyon ng dalawa kaya kinailangan matali ni Madam Elena kay Philippe. Sa ngayon ay separated ang dalawa pero hindi pa nakapaghain ng annulment. Baon sa utang si Philippe sa kompanya ni Ishida matapos itong manghiram ng bilyones limang taon na ang nakalipas. Kaya kailangan nilang obligahin si Madam Elena na bayaran ang utang ng asawa. Hindi pa tuluyang nawalan ng bisa ang pagiging mag-asawa ng mga ito kaya technically, conjugal property parin."
"MADAM Elena often goes out with four bodyguards around her. This time we estimated a total of six men since Condrad is present. May itinalaga na akong tao para mag-asikaso sa mga iyon. The plan is, when the seventh item is revealed, which is the most expensive one, siguradong mag-uunahan ang mga bidders sa pagkuha niyon kabilang na si Madam Elena." mahabang paliwanag ni Akagi sa amo.
Napag-alaman nila that Madam Elena was a sucker of historical paintings.
"Ipapalabas na siya ang nanalo sa bidding. As a protocol, iausher sila patungo sa isang kwarto para sa pormal na bayaran. On her way there ay sasalubungin sila ng mga tauhan natin straight to the exit of the building."
"PAANO mo nalaman ang lahat ng iyan Marga? tanong ni Matt. Masyadong detalyado ang impormasyon na binigay ng babae sa kanila kaya nakakapagtataka kung paano nito iyon nakuha.
"I told you guys. I have great connections and reliable sources. May taong nagtatrabaho sa loob ng kompanya ni Ishida kaya hindi tayo mahihirapan sa mga bagay na ganito."
"Kung ganoon, bakit mo pa ako pinapunta ng Nankai para mag-imbestiga? Kaya mo na naman palang kumalap ng impormasyon sa mga underground acitivities nila." si Hana
"I wanted you to taste the cake from its icing to the bottom Hana, first hand. Para kahit bali-baliktarin ka pa, hindi ka mawawala." saad ni Marga.
May punto din naman ito, malaking bagay kung siya mismo ay matuklasan ang lahat tungkol sa target.
"Marga," si Matt. " Bakit kaya mong mag extract ng ganyan kadetailed na impormasyon pero hindi ang picture ni Kaito Ishida?"
Nawala ang confidence sa mukha ni Marga. "Im sorry guys."
Napabuntong-hininga na lang si Matt.
"Iyang source mo, siguradong alam nila ang tungkol sa amin. Hindi ba tayo magkakaproblema diyan? Baka baliktarin tayo niyan sa huli." si Hana
"No, hindi niya gagawin iyon, trust me." Tahimik na tumango ang magkapatid.
"HAVE you arranged everything with the event coorditor?"
Nakapangalumbaba si Kaito na pinasadahan ng tingin ang guest list.
"Hai, Ishida San. Everythings done."
"Yoroshi, you may leave."
"Pardon my asking, but I haven't seen you wearing your favorite watch these days, Ishida San."
"Oh, yes." anitong sinulyapan ang kamay. "I gave it to a friend."
"Gave it to a friend?" pag-uulit ni Akagi upang bigyang diin ang salita.
"Yeah, I met her two months ago. She's pretty and special, thats why." sagot nitong ngumisi
"Sou ka... Itte kimasu." yumuko siya at lumabas na ng kwarto.
Pinag-aralan niya ang consumers' transactions ng relong iyon sa buong Pilipinas at napag-alaman niyang tatlong tao lang ang may ganoong possession sa bansa. Isang politiko, isang matandang businessman at si Kaito Ishida. Mukhang nakilala na niya kung sino ang 'kaibigan' na tinutukoy nito.