Sofia’s Pov Mabilis na tumakbo ang buwan at kabuwanan ko na rin. Tumutulong ako sa pagtitinda ni Lola para sa pang araw-araw namin. Infairness malakas ang bentahan dito lalo na sa mga dumadaan na mga estudyante at mga pauwi na galing trabaho. Nakabili na rin ako ng mga gamit ng kambal. Actually, si Jenny talaga ang bumili nito sa Maynila. Sobrang excited na siyang makita ang mga inaanak niya. Palagi nila akong dinadalaw ni Andrew at ganun din si Vance. Hindi ko ramdam na mag-isa ako dahil nariyan sila nakaalalay. Buwan buwan ako kung dalawin ni Vance. Nagtatanong kung okay ba ako or ano ba ang cravings ko. We are on good terms and we are friends. He was always there. Subalit minsan ay tinatangihan ko na ang mga tulong na inaalok niya. Nagpresinta din siyang maging ninong, aba syempre hi

