Chapter 7: Hide and Seek

1546 Words
Sofia’s Pov “Hello Renz, we’re here na at infairness ha sobrang ganda dito. Siguradong safe na safe si Bes dito,” Bungad agad ni Jenny pagkasagot sa tawag ni Renz. “Sus palusot mo. Gusto mo pala siya makausap bakit sa akin ka pa tumatawag? Di ba binigay ko na sayo ang contacts niya. O heto na siya,” Ani Jenny sabay abot ng cell phone kanyang cell phone sa akin.. Inabot ko ito at lumunok muna bakamabara na naman ang lalamunan ko at mutual na naman ako. “Hello, Renz..” usal ko. “Yes, beauty. How are you again? Did you arrive safely?” Tanong nito. Beauty? I bit my lips para itago ang ngiti dahil nariyan lamang si Jenny. Baka tuksuhin ako. “Ahm oo, sinalubong kami ni Aling Myrna at Kuya Carlito. Sobrang maraming salamat sa tulong mo Renz. Promise babawi ako sayo kapag may pagkakataon.” sagot ko. “Hey, hey, hey, easy. I'm not expecting any favors from you, okay. I’m happy and willing to help lalo na sa mga kaibigan ko. Pero malay mo in the future, we wouldn't know may ibang gawin ka na magugustuhan ko,” Anito. “Oo naman, kahit ano basta kaya ko ay gagawin ko para sayo.” Sagot ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “What an innocent girl,” Ani pa nito na ikinakunot ng noo ko. Can you give back the phone to Jenny? I will remind some important things.” Dagdag niya saka ko inabot pabalik kay Jenny ang kanyang cell phone. Hinayaan ko na lamang silang mag usap at nagpalinga-linga ako subalit naririnig ko pa rin ang mga sinasabi at sinasagot ni Jenny. Upon listening, I realized how I appreciate the help they are giving in this time of my difficulties. The right people will be supportive and their advice can have a big impact on my decisions and I need it this time. I’m very grateful. “Okay, sasabihin ko. Salamat. See you soon. Bye.” Pagpapaalam ni Jenny saka binaba ang tawag. Sakto namang natapos ang usapan ay nakita naming bumaba ulit si Kuya Carlito at may kasamang babae. Mukhang magkaedad sila ni Jenny. She’s pretty though. Nakangiti siya habang lumalapit sila sa amin. Kaya ngumiti rin ako bilang ganti. “O Isabel ito ang bago nating mga bisita, sina—” “Jenny at Sofia,” Putol ni Jenny sa sasabihin ni kuya Carlito. “Hello po. Ako po si Isabel. Ang gaganda niyo naman po lalo ka na. Para kang hawig ni Kristine Hermosa,” Ani Isabel na nakatingin sa akin. “Welcome po sa RMSB luxury paradise resort. Ako po ang magiging assistant niyo habang narito po kayo. Lahat ng kailangan niyo po ay maari niyo pong sabihin sa akin at h’wag kayong mahihiya. Halina kayo ihahatid ko na po kayo sa inyong magiging silid,” dagdag pa niya at nauna ng maglakad kaya sumunod na lang kami. “Tatawagin na lang kayo kapag nakahanda na ang pagkain,” Ani naman ni Kuya Carlito saka umalis. Habang papaakyat ay nalula ako sa ganda at modernong design nitong mansion. Kahit sino ay mawiwiling manatili rito. Langhap na langhap mo ang sariwa at malamig na hangin dahil nakabukas ang mga glass window nito at nahaharangan lamang ng mga see through curtains. “Ahm Ma’am dito po ang magiging pansamantalang kwarto niyo,” ani Isabel. Tumango ako at pinaikot ang paningin at tumambad sa akin ang kaharap na pinto na may nakasabit na RMB logo. Malamang yan ang kwarto ni Renz base sa narinig ko sa sinabi kanina ni Aling Myrna. “Maiwan ko muna kayo, may telepono naman diyan any time pwede kayo tumawag if meron kayong kailangan.” Ani Isabel. Nagpasalamat kami bago siya bumalik ulit sa baba. Pumasok kami ni Jenny at namangha ulit sa ganda ng kanilang guestroom. You will notice the luxury designs in every detail of the room. Parang kwarto ng mga anak ng mayaman na napapanuod ko sa pelikula. Am I dreaming? “Ahh bes, para kang prinsesa dito, tingnan mo naman ang ganda ganda ng magiging kwarto mo,” Aniya. “Parang sobra sobra naman ata ito, bes? Pwede naman ako sa baba o kahit nga makitulog ako sa kwarto nina Aling Myrna or Isabel ay okay ako. Hindi naman ako totally bisita dito. I’m in a hide and seek situation di ba? Kaya tutulong pa rin ako sa kung ano man ang kaya kong maitulong dito sa resort.” Saad ko. Hindi ako sanay sa ganito. “Ha? Eh si Renz nga ang nag insist na dito ang magiging kwarto mo tapos tatanggihan mo. Once in a lifetime lang to bes kaya grab it na while it lasts.” Aniya. “Kasi naman naka—” naputol ang sasabihin ko ng magring ulit ang cellphone niya. Si Andrew tumatawag. Napatakip ako ng bibig habang nakikinig sa usapan nina Jenny at Andrew. Tama nga ang hinala namin, hahanapin ako ni Kuya. “Huwag kang mag-alala, Bes. As if naman mahahanap ka niya dito. Napakalayo mo sa kanya at ligtas na ligtas ka dito.” Ani Jenny pagkatapos niyang ibaba ang tawag. Napatango ako. “Alam ko kaya lang hindi ko maiwasang kabahan at mag alala. Lalo na kapag bumalik ka na don.” ani ko. “Sus, ako na bahala don. Don’t worry, okay? H’wag mo na kaming alalahanin. Sulitin mo ang mga araw na narito ka. Isipin mong nasa bakasyon ka lang at nagpapahinga.” Aniya. Tumango ako saka niyakap siya ng mahigpit. Maya-maya lang ay aalis na din ito dahil back and fort ang kinuha niyang ticket. Naghihintay din sa kanya ang bangkang sinakyan namin kanina. Si Kuya Carlito na lang ang maghahatid sa kanya papuntang airport. Nakaalis na si Jenny kaya pakiramdam ko ay mag isa na naman ako. Minabuti kong puntahan sa kusina si Aling Myrna at makipag kwentuhan o tumulong sa mga ginagawa niya. “Tyang hanggang kailan magtatagal dito ang bisita ni Sir? Nakakapagtaka lang dahil VIP treatment ang trato natin sa kanya. Girlfriend ba ni Sir yung Sofia? Ang ganda niya no? Saka siya din ang pinaka unang gumamit ng guestroom sa itaas. Eh ang bilin ni Sir sa mga VIP lang yun.” Usyoso ni Isabel. Mukhang iniiterogate niya si aling Myrna. “Hindi ko alam Isabel, girl friend man o hindi kailangan natin sundin ang utos ng amo natin. Saka mukhang mabait na bata si Sofia,” Sagot naman ni Aling Myrna. “Pano kaya siya nagustuhan ni Sir? Ang bata pa niya, mukhang matanda pa nga ako sa kanya.” Tanong ni Isabel. “Manahimik ka riyan Isabel. Mukhang nasa tamang edad naman si Sofia at kailan pa naging basehan ang edad kung nagmamahalan naman sila?” Sabat naman ni Aling Myrna. Hindi na ko nakatiis kaya kumatok ako sa pintuan na nakabukas. Nagulat sila ng makita ako. “Kanina ka pa ba diyan, Ma’am Sofie?” Bakas ang gulat sa mukha ni Isabel ng magtanong sa akin. Tumango ako. “Naku pasensya na iha. Napag uusapan ka namin.” Ani Aling Myrna. Ngumiti lamang ako. “Okay lang po. Naiintindihan ko po at ako na po ang sasagot sa tanong mo ate Isabel,” tumingin ako sa kanya. Nagkatinginan naman sila dahil siguro nahihiya. Ngumiti ako para hindi sila ma-awkward. “Naku ma’am pasenya na po sa narinig mo hind—” hindi ko na pinatapos si Ate Isabel sa sasabihin niya. “Walang problema Ate, to clear things out at mapanatag ang loob niyo. Hindi po ako girlfriend ng Sir niyo. Saka huwag niyo po akong itrato na VIP or bisita kasi tutulong po ako sa mga gawain dito. Hindi ko po alam kung hanggang kailan ako mananatili rito pero baka pwede pong dito na lang din ako sa baba matulog kasama niyo? Mukhang nakakatakot sa itaas eh.” Mahabang paliwanag ko. Nagkatinginan ulit silang dalawa at bakas sa kanilang mga mukha ang gulat at pagtataka. “Naku iha, malabo yang gusto mong mangyari na sasama ka sa amin dito sa baba. Bawat sulok ng bahay na to ay may mga mata at nakikita ni Sir lahat ng kilos ng mga tao dito.” Ani Aling Myrna. Tumingala ako at may mga naka install ngang cctv sa taas. “Ganun po ba. Kakausapin ko po si Renz kung ganun, kasi hindi rin po ako sanay na walang ginagawa. Batid niyo po ba kung kailan ang dating ni Renz dito?” tanong ko. “Naku ma’am si Kuya Carlito lang ang nakakaalam kung kailan darating si Sir kasi siya ang sumusundo sa kanya. Magugulat na lang tayo susulpot na lang yun dito.” Ani Ate isabel. Tumango na lamang ako. “Pwede po bang dito muna ako makipagkwentuhan?” Saad ko. “Oo naman. Ilang taon ka na ba? Kwento mo paano kayo nagkakilala ni Sir? Alam mo ba wala pang ibang babaeng dinala yun dito, ikaw pa lang.” Ani Ate Isabel at mukhang lumalabas na ang pagiging madaldal nito. Sinaway naman siya ni Aling Myrna na abala sa pagpupunas ng platong pinagkainan namin kanina. Katatapos lang niya maghugas ng dumating ako dito sa kusina. “Manang?!” Sabay- sabay kaming nagulat sa boses. Hindi ko na nasagot pa ang mga katanungan ni Ate isabel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD