3rd Person’s Pov Sa kabilang dako, para nang mababaliw si Jarren sa sandamakmak na problemang kanyang kinakaharap. Hindi na niya alam kung alin ang uunahin ang paghahanap ba kay Sofia? O kung paano lusutan ang kasong kinasagkutan niya. Alam niyang si Miguel ang may pakana nito dahil hindi pa niya maibigay si Sofia. Halos isang buwan na ang nakalipas mula ng dumating sa Pilipinas si Miguel at ganun na lamang ang galit nito sa kanya dahil hindi niya maipakita si Sofia. Sinabi niya ang totoo na nalaman ni Sofia ang kanyang plano at nakatakas ito. Hindi ito nagustuhan ni Miguel kaya pinagbantaan siya nito. Nagdagdag na din siya ng tauhan upang mahanap ng mabilis ang kapatid subalit wala pa ring nangyayari. Nauubos lamang ang kanyang pera kakabayad sa mga inutil niyang tauhan. Mag iisang bu

