Chapter 3

3423 Words
"May tama ka na?" amused kong tanong kay Elesa na hindi na gaya kanina na nakangiti at tawa ng tawa lang sa kahit anong maliit na bagay na aming mapag-usapan.   Itinaas nito ang panglimang bote niya ng mamahalimg tequila sa tapat ko at malalim na lumagok bago ibinaba ito ng wala nang laman, "Para... Sa wakas, tumalab na din ang pesteng alak na ito. Mamahalin pero mahina ang tadyak."   "Or mabagal. Oh baka siguro sanay kang malasing, Elesa."   "Sanay?" natatawang balik tanong niya sa akin sabay tingin sa mga empty bottles sa harap nya, "Baka nga. Maari... After all, sa sobrang hirap ng pinagdaanan ko sa buhay, ang pagpapanggap na lasing palagi at walang pakialam sa mundo araw-araw ay nakasanayan ko nang gawin for more than a decade or so to the point na kailangan ko ng alak para mahulasan sa aking ilusyon na wala akong pake sa buhay ko."   "Elesa..." sambit ko na lang as she smiled sadly before offering her right hand to me again.   "I'm Elesa Villarin, nice to meet you," she said meaningfully as she shook my accepting hand, "Pwede mo na akong makausap ng matino, Verna."   "Is this the reason why gusto mong magtagal ako dito kasama mo?"   "Indeed. Gusto talaga kitang makausap ng masinsinan but I'm afraid I'm far too deep in my pretentious little world na hindi ko makuhang mag seryoso sa usapan natin until hindi ako nahuhulasan sa aking kahibangan. I'm sorry," natatawang paumanhin sa akin nito.   I looked at her at lalo akong nagulat. Looks aside, the way we move, we carry ourselves and act is eerily the same.   Na kung isa kaming tauhan sa kanya-kanya naming istorya eh iisipin kong iisa lamang ang aming "ama" o author na lumikha sa aming dalawa.   "Well I was really expecting there is more from you than what you really show and I am not mistaken, Elesa. It's nice meeting the real you," nakangiti kong sabi sa babaeng nasa harap ko na sa halip na tanggapin ang more than ten million pesos na bayad for services redered, she instructed me to wire it anonymously to the country's largest and oldest charitable institution.   Wala na sa kanya ang pera it seems.   Or rather kahit gaano kalaking pera siguro ang meron sya, hindi nito maiibsan ang pagkukulang sa kanyang pagkatao.   "Well, mukhang paparating na any moment ang owners ng resto so I better say this to you, Verna," she said while looking directly at my eyes, "Ang mga gaya mo ang mga pinakamumuhian kong tao sa mundo."   Walang sugarcoating, she dropped those words without hesitation na parang isang malaking bato na dumagan sa aking puso.   Wala pang tao sa buong buhay ko ang nakapagsabi sa akin ng mga katagang binitawan niya.   I decided not to say anything dahil ramdam ko na may sasabihin pa siyang kasunod sa akin.   "Mga taong hindi marunong magmahal kung ano ang meron sila. Hindi marunong makaintindi na nasa harap na nila ang wala ako at nakukuha pang magreklamo at maawa sa sarili," she said with so much hate and contempt na parang ilang beses akong sinuntok at sinampal sa bawat salitang ibinagsak niya.   Gusto kong magalit sa mga sinabi niya pero I know deep down na walang hindi totoo sa mga binanggit niya.   Masyado na nga talaga akong nagpalamon sa awa sa sarili na hindi ko na magawang makita man lang o maramdaman na may ibang mga tao na walang-walang kasama sa buhay.   Na may mga gaya ni Elesa na tulad ko na nawalan ng magulang dahil sa gyera ngunit hindi pinalad na magkaron ng mga tulad ni Hoshiro at Ravinder sa kanyang buhay.   "Paano na lang ako na sadyang walang kasama sa buhay? Nabubuhay mag isa dahil naiwan ng iba. Kung ang tawag mo sa sarili mo ay nag iisa..." she said in almost a whisper.   Napatungo si Elesa sa kamay nyang hawak ang bote ng tequila before smiling sadly, "Ano ang tawag sa isang tulad ko?"   Tumingala ulit siya sa akin and what I saw broke my heart.   I saw tears flowing from her eyes while she is still trying to smile at me, "Wala na?"   Naramdaman ko na din na umagos ang mga luha mula sa aking mga mata. I feel guilt and shame. Sino ako para kaawaan ang sarili ko kung merong mga tulad ni Elesa na nabubuhay ng solo sa buhay at naiwan na ng ilang beses hanggang sa mapilitan na lang siyang magbalat-kayo at mabuhay sa sarili nyang mundo na puro kasinungalingan at pagpapanggap?   "Nakakainggit ka Verna. Ramdam ko wala naman tayo halos pinagkaiba sa ating pinagmulan, sa kung paano tayo nabubuhay at dinadala ang sarili natin pero tama nga sila. Walang pantay-pantay sa mundong ito at tanggap koi yon. Tanggap na tanggap ko..."   Inabot niya ang kamay ko at ngumiti siya na halos dumurog sa aking puso. Ngiting hindi naiiba sa batang nakakita ng taong hinahangaan...   "Sana maging masaya ka sa kung anong meron ka ngayon. Kung sino ang nasa paligid mo at alam mong nagmamahal sa iyo kahit pilit mo itong itinitanggi. Lahat ng kung anong nasa iyo ngayon, isa lamang pangarap na malabo kong marating kahit gaano pa ako magpakamatay sa aking trabaho ko, kahit gaano pa kadaming tawa ang gawin ko, kahit anong kasikatan ang matamo ko o perang mahigaan ko, Verna," hinawakan niya ang kanyang dibdib at nagpatuloy, "Nakakainis ka, may lalaking nagmamahal sa iyo ng lubos, may lalaking tumatayong pamilya mo tapos ako ung dalawang lalaking naging importante sa buhay ko ay parehong hindi ko na maabot tapos daig mo pa akong mag self-pity? ‘Yong totoo? Sino ba talaga sa ating dalawa ang tunay na pinalad at ang tunay na minalas?"   Sabay nalang kaming napatawa at pinahid ang aming mga luha.   Nagkatinginan kaming dalawa sa we exchanged smiles and silent agreements, "Tama ka. Masyado na akong naging manhid at nasanay sa kalungkutan at pag-iisa na kahit nasa harapan ko na ang pinapangarap ko, hindi ko pa makuhang magsaya at tanggapin ito. Siguro kailangan ko lang siguro ng isang tao na magpapa-alala na wag akong makalimot bilangin ang mga biyayang meron ako. Salamat, Elesa."   "Happy to be of service, Verna," masayang sabi nito sa akin sabay taas ng kilay at tumingin sa aking likuran, "Now let's go back to our regular programming. Matagal na akong endorser ng kasabihang "mas chismoso ang mga lalaki kesa sa ating mga babae". Mukhang hindi ako nagkamali. Gaano na kayo katagal dyan sa likod?"   Napakunot ang aking noo sa sinabi niya kaya minabuti kong tumingin sa aking likuran at nagulat ako na may dalawang lalaki na nakatayo at nagkakamot ng ulo.   They have the same face but different hair, eyes and skin complexion. Apart from that differences eh wala na silang pagkakaiba.   Ang isa eh nakaka mesmerize ang mga mata dahil magkaiba ang kulay ng mga ito. Isang blue at isang black. Itim na itim ang kulay ng buhok nito at mukhang reserved.   Samantalang ang katabi niya ay mukhang isa sa mga parte ng mga dugong bughaw ang tindigan. Golden hair and skin with piercing blue eyes na walang pinagiba sa bughaw na mata ng katabi niya. He is albeit sportier and muscular dahik medyo merong pagkapatpatin ang lalaki na magkaiba ang mata.   But the rest are the same. Kambal na kambal!   "Busted, brother," natatawang sambit ng blonde.   Napangiwi at pilit na ngumiti ang kanyang kapatid, "Indeed."   "Grabe nasaan na ba ang courtesy nowadays, Verna?" eksaheradang tanong sa akin ni Elesa na balik na sa kanyang Kyria persona, "Tayo pa ba ang kailangan magpakilala porket makalaglag panty sila?!" ‘Yong tataa?! Hala sige nakakahiya naman, ako na, ako na ang tatayo at magpapakilala!"   Napailing na lang ako sa sinabi ni Elesa na akmang tatayo pero pinigilan ng dalawang magkapatid in a comedic fashion.   "A thousand apologies, ladies," paumanhin ng blonde at tumungo ng malalim fitting for a royalty, "Gaius Galesor, Heir Apparent to the House of Sullington and this starstruck man beside me is Rycen Galesor, Heir Apparent to the House of Galesor. An honor to meet the most celebrated media influencer of our generation and of course, the Ambassadress Plenipotentiary and Extraordinary of the Theocracy of Hyillia and Kingdom of Akimrea to the Federal Republic of the Philippines, Presumptive Queen to the Utsuwa Ruling Family of Akimrea Monarchy," smooth na sabi ni Gaius sabay kuha sa aking kamay at hinalikan ito ng mabilis, fitting for a royalty.   "Seriously Verna. Ilang milyong tao ang nakaka-alam ng bagay na sinasabi mong "top secret"," naiiling na tanong sa akin ni Elesa na tulad ko eh natatangahan na lang sa fact na alam ni Gaius kung ano ang tunay na katayuan ko sa Akimrea na naikwento ko kay Elesa na sobrang konti lang ang nakaka-alam.   Bumuntong hininga na lang ako at nagkibit-balikat at ibinalik ko ang tingin ko kay Gaius na nakangisi sa akin.   "Only the people that matters, Verna," sagot nito sabay kindat sa akin, "Oh, am I allowed to call you in your first name? Sana pwede?"   "No problem, Gaius. Nice to meet you as well. Though I believe nagkita na tayo sa Riksent if I'm not mistaken? Isa ka sa mga nakasayaw ni Stacie right?"   "Exactly. A very interesting night it was to say the least. Napakiusapan lang ako ng childhood friend ko na pumunta at isayaw siya to at least save her from pain and embarrassment pero... God, mamatay ka nga naman sa maling akala, literaly speaking," naiiling na sabi niya sa akin meaningfully.   "My thoughts exactly. Mukhang may remembrance ka din ng gabing iyon?" tanong ko sabay turo sa peklat sa kanyang kanang bisig na mukhang simpleng gasgas lang pero dahil may tatlo din ako sa aking kaliwang kamay na nakangising tinititigan niya kanina pa eh alam ko na mula iyon sa daplis o tama ng bala.   "Yep. But I bet mas madami kang nahakot na souvenirs kesa sa akin."   Tumango na lang ako at sabay na lang kaming napatawa as we relieved in our heads the memory of that birthday party gone horribly wrong.   "AVID LISTENER MO AKO FIRST EPISODE PA LANG NG KYRIA-ANG! PROMISE! WALA AKONG PINALAMPAS NA SEGMENT MO! KAHIT NAOSPITAL NA AKO O NASA GITNA NG TEST NAKIKINIG AKO! BATA PA LANG AKO TAGAPAKINIG MO NA AKO! MEMORYADO KO LAHAT NG OPENING AT CLOSING SPIEL MO, KYRIA! NAKAKATUWA AT NAKAKAINSPIRE ANG MGA TOPICS MO AT MADAMI AKO NATUTUNAN! NI ISA SA ILANG LIBO MONG SEGMENTS WALA AKO PINALAMPAS KAHIT ISA!"   I never see a fanatic in my life pero isa siguro ang kapatid ni Gaius na ngayon ay walang tigil na inaalog ang kamay ni Elesa at todo-todo ang fanboying nito to the highest level na kahit si Elesa eh hindi na alam ang sasabihin sa deklarasyon ng ultimate fan niya.   "Mr. Heterechromia?!"   Napaiyak si Rycen at nagtatalon ito ng parang baliw at walang tigil na tumango na parang the best thing na nangyari sa buhay niya ang makilala ng kanyang iniidolo, "AKO NGA! WOW! TANDA MO AKO! NAKILALA MO AKO!"   "Well, as you said ikaw ang pinakamatibay sa mga listeners ko since nagsimiula ako nung high school ako until this very day. Lagi kang may mga pagbati every day at natawag every week so pamilyar na ang boses mo sa akin. Nakakatuwa na ganto pala ang tingin mo sa akin. I am humbled na may ganto akong kagwapong listener, ‘di ba Verna?"   Tumango naman ako at tiningnan ang kambal na may-ari nitong restaurant, "Swerte mo. Laway pa lang nakakahatak ka na ng gwapo."   "Oh, ‘di ba? Wag lang magpapakita ng mukha!" nakakalokong sagot nito na nagpatawa sa aming apat.   Tiningnan ko ang dalawang lalaki sa harapan namin at ngumiti ako sa kanila, "Nakakatuwa naman kayong kambal. Sa way pa lang ng disposisyon ninyo at pagdadala sa inyong mga sarili, I am silently wishing na sana at least we experienced your childhood."   Napasulyap ako kay Elesa na malungkot na napatango sa akin sabay balik tingin kila Gaius at Rycen na napakamot sa kanilang mga ulo.   "Totoo. Tinitingnan ko pa lang sila, napapaisip na lang ako, Verna. Ano na lang kaya kung naranasan natin ang buhay nila? Will we be different from who we are now? Will we be happier? Will we be talking at this very place right now? Oh di kaya kuntento na tayo sa ating mga buhay?"   Tumingin na lang ako sa mga mata ni Elesa at tumango.   No need to answer her. No need for words or anything.   Alam na namin ang katotohanan...   We can wish, reminisce and yearn for what could haves and what could be's, but in the end of the day...   We can never change the past no matter how much we wanted it to...   "We've been here long enough to know that compared to the both of you, napakaswerte ang aming buhay. Nakakainis na hindi namin nagawang icherish ang mga bagay na mga pinapangarap n’yo  lang," wika ni Rycen na tinulungan makatayo ang medyo tipsy na si Elesa.   "Lalo na ako, compared sa kapatid ko I lead a priveledged way of life na nakalimutan ko ng maging thankful sa mga bagay na araw-araw ko lang binabasta-basta pero hindi pala maabot kahit gustuhin ng iba," sabi naman ni Gaius na magalang na iniabot ang kanyang kanang kamay para alalayan akong tumindig.   "Gaya nga ng sabi ko kay Verna, minsan sobrang layo na ng tingin natin, hindi na natin napapansin kung ano ang nasa ating harapan. Cherish and enjoy every moment while it last. May mga taong hanggang imahinasyon lang ang kung anong meron sa harapan mo," sabi ni Elesa sa akin sabay tingin sa mga sundalong nag-aabang sa aking paglabas ng restaurant.   Nakaramdam ako ng init sa aking dibdib ng magsilapitan sa akin ang mga sundalong pinadala ni Hoshiro na nasa harap ko na ngayon at tinatanong kung ayos lang ako at kung ano ang aking kailangan kung meron man.   "Pagbigyan n’yo  na ako habang lasing pa ako."   Napatingin kaming lahat kay Elesa na nakaupo sa hood ng kanyang kotse at malungkot na nakangiti sa aming lahat.   "Nagsisinungaling ako kung sasabihin ko ngayon na ayos lang ang lahat sa buhay ko. Na nakalimutan ko na ang mga taong lumisan at nag-iwan ng malaking butas hindi lang sa aking puso kundi maging sa aking pagkatao. Pag talaga sobrang tamis at biglang nasobrahan ay nagiging mapait na ang lahat, ‘di ba, Chef Rycen?"   Tumango naman ang fan ni Elesa na namamasa na ang mga mata.   Napatungo ang DJ sa kanyang mga paa, "Ang layo na ng nilakbay ng aking mga paa pero hindi ko pa rin maiwan ang aking nakaraan. Ang tagal bago maghilom ang sugat ng kahapon pero isa lang ang sigurado ko sa magulong buhay kong ito. Hindi man tumigil ang ulan ng problema at bagyo ng pagsubok, hanggat sa nahinga ako sa mundong ito, tuloy pa rin... Tuloy pa rin ang buhay ko."   Lumapit sa akin si Elesa at hinawakan ang aking mga kamay, "Ang mga kagaya talaga natin Verna ‘yong mga tipong parte na ng buhay natin ang paghihirap at pag-iisa. Nasanay na tayo sa kalungkutan, natakot na tayo sa pagbabago. ‘Yong sa sobrang hindi natin abot ung katotohanan mas pinili na lang nating magpanggap para hindi na mas masaktan pa. Kailangan mo nang buklatin ang kasunod na pahina ng iyong buhay at simulan mo nang maglakad papalapit sa mga taong nagpapasaya sa iyo dahil hinihintay ka na nila."   Binitawan na niya ang aking mga kamay at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap bago tumalikod sa aming lahat at nagsimula nang maglakad papunta sa kanyang sasakyan.   "Kahit wala nang tigil ang pagpatak ng ulan sa aking buhay at basang-basa na ako, umaasa pa din ako na ako'y muling makakasilong."   Iyon lang at sumakay na siya sa kanyang kotse at napansin kong inactivate niya ang automatic mode nito.   Malakas siyang bumusina para tumabi na kami sa kanyang dadaanan but not before opening her window and putting her left hand up in the air with a middle finger on it.   Napatawa na lang kaming lahat na naiwan ng kanyang humarurot na sasakyan.   "Ambassadress, Captain Kowru wanted you back A.S.A.P. We have a verifiable decisive victory with Presumptive President Lycan Fortalejo and Senator Tristan Lacerna assured of their victories. They are currently celebrating as we speak your excellency," magalang na sabi ng leader ng mga personal guards ko.   "Very well, prepare for our departure."   "At once."   Lumingon ako sa dalawang lalaki sa likuran ko at nginitian ko sila, "Thank you very much for the food and the place. It is nothing but perfect."   "I am glad you enjoyed yourself," masayang sagot ni Rycen.   "I did. Nakakatuwa talaga kayong kambal. Swerte siguro ng mga girlfriends n’yo."   Napailing si Gaius sa akin, "Well let's get this straight, Verna. Kambal yes. Our fathers to be exact are the twins and no, we don't have any romantic relationship so far."   "So far? Really?"   "Since birth," sagot ni Rycen, "Sabi ni nanay wala kaming karapatang mag girlfriend hanggat hindi namin naipapasyal around the world all expenses paid siya at ang ninang ko."   Napataas ang aking kilay in approval, "A wise woman. Send my best regards to her. Clearly, alam niya ang tunay na takbo ng buhay."   "We will," sabay na sagot ng magkapatid.   "Ambassadress pwede na po tayong umalis."   "Until we meet again, Gaius, Rycen," paalam ko sa kanila at sumunod na ako sa aking mga sundalo na inescortan ako papunta sa aming convoy.   Napatigil ako sa harap ng nakabukas na pintuan ng sasakyan at nilingon ko ang mga sundalong personal na pinadala ni Hoshiro para bantayan ako every waking moment of my life here.   "Are there any problems, Ambassadress?" alalang tanong ng pinakabata sa kanila na nagpailing sa akin.   "None. Tama nga si Elesa, masyado nang malayo ang tingin ko hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko. Salamat ng madami sa inyo."   Nagkatinginan silang lahat at nagtanguan bago nagsalita ang pinakabata sa kanila, "Marry our Crown Prince and we will call it even, Ambassadress."   "I will work on it when we return to Akimrea," sagot ko sa kanila na gumulat hindi lang sa kanila kundi pati na rin sa aking sarili.   Sabay-sabay silang sumaludo sa akin ng mga nakangisi at sumakay na ako ng kotse.   Umandar na ang sasakyan at mabilis na naming tinatahak ang highway pabalik ng kamaynilaan habang naiwan akong nag-iisa sa likuran ng kotse.   Baka nga handa na akong buklatin na ang susunod na pahina ng aking aklat kasama si Hoshiro...   Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa Embassy na pagbabang-pagbaba ko pa lamang ay kinig ko na ang malakas na tawanan at tugtugan kahit malayo pa ako sa main building.   Mabilis akong naglakad papasok ng embahada at natuwa ako sa aking nakita.   Ang mga empleyado ko ay mga masasayang nagkakainan at nagkwekwentuhan. Makalat pa rin pero wala nang mga papeles kahit saan ko tingnan.   They already purged the sensitive files and they are just celebrating the night away.   Nakita nila ako pero nag thumbs up lang ako para iparating na ipagpatuloy nila ang kanilang pagsasaya.   Dinismiss ko na ang mga guards ko at inutusang makisali sa kasiyahan at nagsimula na akong maglakad papunta kay Kowru na may seryosong kausap sa kanyang cell phone.   Hindi niya ako napansin dahil tutok na tutok siya sa pakikipagusap.   "... I will tell her. As you wish," iyon lang at mukhang natapos na ang kanyang pakikipagusap dahil ibinulsa na niya ang cell phone at tumingala na sa akin.   "Welcome back, Ambassadress. I guess you already heard the news?" nakangising tanong nito sa akin.   "Loud and clear, Kowru. An absolute victory," proud kong sabi sa kanya.   "Congratulations, Verna. I expected nothing less from my family," robotic na sagot niya sa akin and I can only guess where those words came from.   Niyakap ko ng mahigpit bigla si Kowru na nagulat sa aking ginawa.   "Ambassadress, I am just relaying a message from one of my boss," nahihiyang sabi nito sa akin habang nakayakap pa rin ako sa kanya.   "Thank You, Kowru. For everything," naiiyak kong sabi sa batang alam kong hindi ko nabigyan ng pasasalamat na nararapat para sa lahat ng kanyang ginawa sa akin.   Ilang saglit na katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa at naramdaman ko na lang na mahigpit na din niya akong niyakap, "Basta para sa pamilya ko, kahit ano, kahit kailan."   Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking balikat.   Ang mga katagang binitawan niya ay ang mga salitang laging sinasabi sa akin ni Ravinder noong mga bata pa kami tuwing tinutulungan niya ako...   I am really blessed...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD