Chapter 4

2102 Words
Lakad-takbo ang ginawa ni Akira habang nagsusumiksik sa napakaraming mga taong nadadaanan niya. Pinili niyang baybayin ang tila malaalong mga taong sumasayaw at nakikipaglandian sa mga taong naririto mapababae man o lalaki. Napakunot na lamang ang noo niya dahil sa mga nakikita niya. Bitter na kung bitter pero dakila siyang laitera lalo na kung pagdating sa mga relasyon ng mga tao. Ngunit ganon na lamang ang pagtigil niya sa kakatakbo at hawi ng mga taong naririto nang maramdaman niya ang paghawak ng isang matangkad na lalaki sa palapulsuhan niya. Pamilyar ang nilalang na ito sa kaniya at tila nagloading pa ang utak niya ng ialng segundo kung sino ito. Nanlaki naman ang mga mata niya ng tumama ang ilaw sa mukha ng matangkad na lalaking ito. Halos maihi siya sa takot nang malaman kung sino ba ito. Ito lang naman si Henley Montefiero. Ang sikat na aktor at isa ring CEO ng napakalaking kompanya. Dahil doon ay tila nakaramdam si Akira ng labis na takot hindi dahil sa hawak siya nito kundi dahil sa ginawa niya. Ang utak niya sy tila nagsusumigaw sa takot at tila sinusulsulan siya nitong tumakas na mula sa pagkakahawak ng sikat na aktor sa kaniya. Sinubukan ni Akira na pumalag ngunit sa higpit ba naman ng pagkakahawak ng aktor sa kaniya ay tila ba nagmukha siyang ewan sa pinaggagawa niya idagdag pang nagmukha siyang dwende sa malahiganteng height ng binatang nasa likuran lamang niya. "Hoy babae, alam mo ba ang ginagawa mo ha? Wag ka ng magbalak na tumakas pa dahil---ahhhh!" Sambit ni Henley Montefiero habang makikitang mabilis itong napahiyaw ng kinagat siya sa kamay ng babaeng may bibit na DSLR na hindi niya alam kung sino ito. Dahil doon ay nabitawan niya ito mula sa mahigpit nitong pagkakahawak rito. Walang sinayang si Akira at mabilis na humarurot patakbo sa labasan ng malaking club na ito. Halos hingalin at mawalan ng hininga si Akira nang mapansing napakalayo na ng pagtakbo niya sa nasabing mamahaling bar. Rinig na rinig niya ang dagundong ng t***k ng puso niya. "Sh*t ka Akira. Muntik ka ng mahuli ng malaking damulag na iyon hmmmp!" Sambit ng utak ni Akira na animo'y kinukutusan ang sarili niya. Mabilis na tinanggal ni Akira ang nasabing memory card (San disc) sa maliit na dslr camera niya. Kitang-kita niya ang mga malalaking cracks sa DSLR camera niya at doon ay napamura na lamang siya sa kaniyang sariling isipan. Halos maiyak siya ng mapagtantong walang-wala na pala siya at paniguradong ilang milyong sermon na naman ang maririnig niya mula sa supladitang senior niyang si Miss Katakutan. Naiisip pa lang niya ito ay halos kilabutan na siya sa matinding takot. Mabuti sana kung napupulot lamang ang mga pera ngunit batid niyang hindi ito magandang senyales ng papalubog niyang karera sa pagiging reporter niya. Naiwan niya pa si Baklang Salve at ang peyborit boy ni Miss Katakutan na si Jun na lalong nagpakaba sa kaniya ngunit hindi niya maaaring sisihin ang sarili niya at konsensyahin pa sa nangyayari dahil wala siyang pagpipilian. Takot na siyang bumalik pa roon at makaharap ang malaking damulag na iyon. Mamaya ay baka tambangan pa siya doon at gawan ng masama. Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya sa maliit na pouch na bitbit niya. Hindi na siya nagpatinag at agad na nagtransfer ng pera sa kaibigan niyang si Salve. Hindi na siya nag-iwan ng mensahe rito dahil alam niyang wala rin namang silbi ang sasabihin niya sa lasing niyang mga kaibigan. Minsan lang kasi sila magbar at matic na libre pa eh malamang ay "itodo na to" ang inuman ng mga iyon. Ewan niya lang kung fresh pa bukas ang mga iyon upang magtrabaho. Ngunit hindi talaga siya maka-move on sa lense ng DSLR camera niya dahil napakamahal nun idagdag pang wala siyang pambili ng bago. "Kasalanan talaga ng lalaki na yun kung bakit napakamalas ko ngayon. Sumweldo nga ko pero mukhang mamumulubi ako sa bayarin sa bahay lalong-lalo na sa pambili ko ng bagong camera lenses huhu..." Sambit ni Akira sa sarili niya lamang. Tingin nga niya ay siraulo ang aktor na yun, di ba niya alam na mahal yun huhu... Wala siyang nagawa kundi ang umuwi na lamang sa kanila. Sumakay na lamang siya sa isang pampublikong jeep upang makauwi sa kanila. Buti na lamang at hindi ma-traffic kaya nakauwi siya kaagad ilang minuto lamang ang nakakalipas. ... Akira POV Pagkababang-pagkababa ko pa lamang ay mabilis ang paglakad ko hanggang sa nakita ko ang ina kong nasa tapat ng bahay namin maging ang kapatid kong si Andrei. "Ba't ka nagpapagabi anak? Ano'ng oras na ho?!" Pasimula ni mama habang nakita niya akong malapit na sa bahay. Halos humaba pa ang leeg nito maging ang kapatid ko ay nag ala-giraffe rin ang leeg nito. *Stretchable yarn? "Mama naman o, hindi pa masyadong malalim yung gabi o, mukhang ewan kayo ng kapatid ko. Ang OA ha?!" sarkastikong wika ko habang makikitang nag-roll eyes pa ko. "Ayyy maldita yarn?! Manang-mana ka talaga sakin hahahaha!" Sambit ni mama na tumawa pa na animo'y kontrabida sa isang teleserye. "Mukha kang adik ma kapag tumatawa ka hahaha kakapanood mo yan ng TV hehehe!" Wika ko naman sabay tawa ng malademonyo. "Ate, mukha kang ewan diyan pero alam mo na hehe." Sambit ni Gio habang makikitang nafhand sign pa ito ng "pera". Ah kaya pala ang bait mo ngayon Gio dahil hinihintay mo talaga yung paambon ko noh?!" Sarkastikong wika ko muli sa kapatid ko habang naniningkit ang aking mga mata. "Ako din anak hehe tumawa ka lang ng tumawa kanina pero paambunan mo din ako hehe." Sambit naman ng aking ina habang nakangiti ito ng malawak. Mabilis ko namang inilabas at ibinigay sa inay ko ang lilibuhing sweldo ko. Mostly halos doble buo ang binibigay ko pero not this time. Yung gagastusin ko sana sa lenses ay ibabawas ko nalang sa allowance ko. "O anak ba't ang dami naman nito? Sobra to ha?! O siya ito sa'yo at ito sa Gio." Sambit ni mama habang makikitang una niyang binigay sakin yung pera at ang dalawang libo ay sa kapatid kong si Gio na tuwang-tuwa pa. "Salamat ate. I love you!" Sambit ng kapatid ko habang makikitang yumakap pa ito sakin ng mahigpit at nag-kiss pa sa kaliwang pisngi ko sabay takbo papasok ng bahay namin. Kitang-kita naman ni mama na hindi ko kinuha yung perang ibibigay niya sakin pabalik. "Anak ba't di mo tinatanggap? Okay na sakin ito ho, masyadong malaki yung binibigay mo samin." Sambit ni mama habang tila papaluha na. "Ang drama mo ma. Meron pa ko dito o. Tsaka binigay ko talaga yan kasi ilalagay mo yan sa savings ng mga kapatid ko maging sa inyo ni papa." Sambit ko kay mama habang makikitang di ko gusto yung ganitong side naming mag-ina tuwing abutan na ng pera pag PAY DAY. "O siya di na ko kokontra dahil di kita mapipilit. Napakaswerte ko talaga sa iyo anak maging ng mga kapatid mo sa'yo dahil naging ate ka nila." Sambit ni mama na animo'y nagdadrama na naman dahil naluluha naman ito. "Ano ka ba, siyempre ate nila ako tsaka anak niyo ko. Responsibilidad ko kayo, di ko nga kayo narinig na nagsalita o nagreklamong pagod kayo sa pagtataguyod samin, ako pa kaya?!" Sambit ko naman kay mama na animo'y maluha-luha na rin. Di man kami mayaman at hindi nakatira sa mala-palasyong bahay ay masaya na ako sa buhay na meron ako at ng pamilya ko. "Kung andito lang sana ang ama mo ay siguradong hindi ka mahihirapan anak. Alam mo bang hindi ganito ang pinangarap niya sa inyo?!" Sambit ni mama na animo'y naluluha na. Kahit kailan talaga si mama, palagi niyang pinapaiyak ako. Nikayap ko na lamang ang aking ina ng sobrang higpit. Ganito talaga kami pag bigayan na ng pera dahil sa mga bayarin sa bahay maging ng tuition fees ng mga kapatid ko. Masyado talaga kaming madrama. Umiyak na rin ako dahil sa sinabi niya. Bata pa lamang ako ay namulat ako sa hirap ng buhay namin. Ako palang noon ang solong anak ni mama Lourdes habang pinagbubuntis nito ang kapatid kong si Andrei at Gio. Praternal Twins sila at hindi pa iyon alam ng mga magulang ko dahil sa hirap ng buhay namin noon ay hindi na bago pa ang ganitong senaryo na obligadong magpa-ultrasound maging ng iba pang medical process sa nagbubuntid at medyo hindi pa high tech noon kumpara sa kasalukuyang panahon natin ngayon. Construction worker si Papa at iyon lang ang trabaho niyang bumubuhay samin at ng maaksidente ito sa tinatrabahuan nitong gusali ay halos gumuho ang mundo namin lalo na ni Mama. Masyadong masakit isiping wala na si Papa sa murang edad ko maging sa buntis na si mama. Pero lahat ng trahedyang iyon ay nabaon sa limot. Wala kaming nakuhang hustisya para doon at napunta kami sa lusak ng kahirapan dahil sa pangyayaring iyon. Kaya nga nagsusumikap akong makapag-aral at makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabahong mapapasukan at ibangon ang estado ng pamilya ko sa kahirapan. Kaya ng matanggap ako sa trabaho ay nangarap ako na hindi na kami babalik sa lusak na iyon. Bilib nga ako kay mama dahil nakaya niya kaming buhayin ng siya lang mag-isa idagdag pang maaga siyang na-biyuda dahil sa insidenteng iyon. Gagawin ko ang lahat para sa kanila upang ihaon sila sa hirap ng buhay at madilim na reyalidad ng mundong ginagalawan natin. Hangga't kayo, magsusumikap ako para sa kanila. Tumigil na lamang ako sa pagkakayakap ng nagsalita ang aking ina. "Papatayin mo ba ako sa pagkakayakap anak?! Antagal ha." Reklamo ni mama ng bumitaw na ito ng yakap. "Yan tayo mama eh, gusto mo lang yakapin kita ng matagal eh. Naku naku ikaw talaga mama eh noh." Sambit ko kay mama habang makikitang mabilis ko itong kiniliti sa baywang nito. May kiliti kasi ito doon kaya di na ko nag-atubiling gawin ito. "Tama na Akira anak huhu... Namimihasa kang bata ka!" Ani ni mama habang patuloy kong dinudutdot ang baywang nito. Walang nagawa si mama kundi ang tumakbo papasok ng bahay. Malakas pa si mama at di naman masyadong malaki ang agwat ng edad nito sa amin. Bata pa kasi ng nabuntis ito at di na rin nag-asawa pa dahil di na rin daw niya kailangan iyon dahil si papa lang daw ang tanging lalaking mamahalin niya hanggang sa mamatay ito. Kapag sinasabi ito ni mama ay ramdam kong mahal nga niya si papa at di na ito magmamahal pa. Natutuwa ang puso ko kapag kinikwento ni mama ang love story nila ni papa. Napakaganda nito at masasabi niyang sila nga talaga ang para sa isa't-isa. Parang telenovela nga ang kwento ng buhay pag-ibig ng magulang niya. Ngunit ganon pa man ay di niya maiwasang malungkot dahil nauwi sa trahedya ang buhay ng papa niya dahil sa trabaho nito. Ganon ka-unfair ang buhay at minsan ay kinikwestiyon niya ang sarili niya maging ang diyos kung bakit ganon? Bakit ang papa niya pa? Pero magkagayon pa man ay alam niyang mayroong dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari sa mundong ito. Pumasok na rin sa loob ng bahay upang sundan ang ina niya. Niyakap niya ito ng mahigpit muli na siyang ikinagulat pa ng ina niya at nakisabay na rin ang kapatid niyang si Gio. Third POV Naabutan naman ni Andrei ang kapatid niya at ang mama nilang nagyayakapan kaya nakisabay na rin siya sa pagyakap rito. Kumalas ang lahat at nagsalita ang ina nito. "Anak pwede bang maligo ka? Ang lagkit mo na ho!" Anas ng ina nito habang pinakita ang pagiging best actress nito. Magsasalita na sana ang bagong dating na si Andrei nang maunahan itong magsalita ni Akira. "Iwww.... At ang baho mo pa Andrei hay naku. Basketball pa more, uso din maligo." Saad ni Akira habang tumakip ito ng kaniyang sariling ilong. Napatakip na rin ng ilong ang ina nito at maging si Gio. Imbes na magalit si Andrei ay napatawa na lamang ito ng malakas dahil sa ginawa ng kapatid nito maging ng ina nito. "O siya ito na maliligo na ko. Alam ko na ang tinginan niyong tatlo ahahaha!" Sambit ni Andrei habang inamoy-amoy niya pa ang sarili niya. "Ang asim ko nga hehe!" Dugtong pa niya at nagkamot ng sarili at sabay dampot ng towel sa gilid. Mabilis itong pumasok sa banyo upang maligo na, sa laking tao ba naman niya ay talagang tutubuan na siya ng hiya noh, andugyot niya pala habang nakiyakap siya kanina. Pero masaya siya lalo na ang puso niya dahil mayroon siyang masayang pamilyang inuuwian. Sana ganito na lamang palagi dahil hindi niya gugustuhing masira ang pamilyang meron sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD