CHAPTER TWO

1280 Words
WHAT to do? Celestine envied her friends. Kalmado lang ang mga ito habang nanunuod hindi katulad niya na kinakabahan at namomroblema sa sulok ng sofa. She can't forget the text message. Isang malaking pagkakamali talaga ang pumasok sa bahay ng lalaking ‘yon. Ang sarap batukan ng sarili niya. Ano ba kasi ang nag-udyok sa kanya at pumasok siya roon? Ito talaga ang nangyayari sa mga katulad niyang hindi mapigilan ang kuryusidad sa mga bagay. She hates that nature of hers. "Ayos ka lang ba? Bakit mukha kang natambakan ng utang?" Nagising siya sa realidad nang marinig ang boses ni Vander. Tumingin siya rito. Pati rin pala si Ericka nakatingin na sa kanya. Parehas nagtataka. Pilit siyang ngumiti. "May iniisip lang." Nanliit ang mga mata ni Ericka. "Kung ano man ‘yan. Huwag mo nang ituloy, Celes. Kilala kita," paalala nito. Kumunot naman ang noo ni Celestine sa sinabi ng kaibigan pero hindi siya nagsalita. Marahil akala nito nacu-curious na naman siya sa isang bagay. "Curiosity kills the cat, sabi nga nila. Mamaya isang araw ikapahamak mo ‘yan," banta ni Ericka sa kanya. "Nope." Mali si Ericka dahil napahamak na siya. Wala nang silbi ang pagsisi niya at panunumpa na hindi na uulitin iyon. That man might be chasing her for what she has done with his balls. Napapikit siya nang mariin. If he's really ruthless, she's doomed. Ano’ng laban niya roon? He have wealth and influence. Money lang meron siya. Minsan hindi pa sapat. Ericka's phone rang and she immediately answered it. Mukhang importante dahil nagpaalam kaagad ito na aalis. "Ano na namang gulo ang pinasok mo, Celestine?" Bumalik ang kaba niya sa tanong ni Vander. Ganoon na ba siya kakabisado ng kaibigan para mahulaan kaagad nito ang iniisip niya. Napakamot siya sa ulo. She had to tell it to someone before she lost her mind kaiisip. "I'm doomed, Van." "Hindi halata, Celestine," sarkastikong sambit nito. "What did you do this time? Ngumiwi siya. "I kicked someone's balls." Hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag kaya ‘yon na lang ang sinabi niya. ‘Yun naman talaga ang rason kaya siguro siya hinahanap ng lalaking ‘yon, ni Alexendris. "Why would you do that?" hindi makapaniwalang tanong ni Van. "Did you harass someone?" "Ako pa talaga ang sa tingin mong nang harass, ah," naasar niyang saad. "Eh, kasi, na-curious lang naman talaga ako kaya ako pumasok sa bahay niya. Akala ko kasi nalooban siya. Ang balak ko lang naman ay sumilip. Kaso ‘yun, naabutan niya ako. Nag-away kami. He insulted me kaya kaya ayon. Nasipa ko siya roon," saad niya. Napapikit nang mariin si Van sa kwento niya. He massaged his temple. Mukhang na-stress niya masyado ang lalaki. "Kailan ka ba titigil sa kakausyoso, Celestine? What if he's after you pagkatapos ng ginawa mo? Damn! Mapapahamak ka!" sermon niya. Napakagat-labi siya. "’Y-Yun na nga, eh. He's chasing me and he'd just got my address. Anong gagawin ko?" nagpapanic niyang tanong. Vander released a harsh breath, calming down himself. Nang kumalma ito ay nagtanong muli sa kanya. "Who is he? Kakausapin ko," seryosong tanong ni Van. Napayuko siya. Siguro siya na magagalit na naman ito sa isasagot niya or worse, atakihin na si Van sa puso sa kalokohan niya. "A-Alexendris... I kicked Alexendris Courner's balls," mahina niyang sagot. Napapikit na lang siya nang marinig ang malutong na mura ni Van. "F**king hell!" SOBRANG sermon ang inabot niya kay Vander nang sabihin niya ang nagawa niyang kabulastugan. Alam ni Van ang ugali niya kaya noon pa lang, ito na lagi ang nagliligtas sa kanya sa sarili niyang katangahan. Kaya galit na galit ito nang malaman na hindi sa basta-bastang tao siya may atraso. Sino ba namang ‘di magagalit? How could someone compensate for a man who was rumored to have a very bad attitude? Napangalumbaba siya. "Siguro naman makakausap ko siya sa maayos na paraan," bulong niya. ‘Pinagpatuloy niya ang pagkain. Ang sarap pa naman ng ulam niya. ‘Di puwedeng mawalan ng gana. Nakakatatlong subo pa lang siya nang makarinig ng tatlong sunod-sunod na katok. "Teka!" Tumayo siya para magtungo sa pintuan. She opened the door and look at her visitor. Biglang nanlamig ang mga kamay niya nang makita ang matangkad na lalaking matalim ang tingin sa kanya. "Got you, woman," mariing saad nito. Mabilis niyang isinarado ang pintuan pero maagap ang lalaki. Napaatras si Celestine nang tuluyang makapasok ito at pabalagbag na isinarado ang pinto na ikinapitlag niya. "K-kakasuhan kita! Trespassing ‘to! Huwag kang lalapit," banta nya. He ignored her. Inihagis nito ang dalang attache case sa lamesa niya. Napaigtad siya sa lakas ng tunog noon. His eyes are not leaving her. "What if I tell you the same thing? Kasuhan kita sa pagpasok mo sa bahay ko at pagtuhod sa ‘kin. Would you beg me not to?" Mabagsik ang anyo nito. "P-Puwede naman nating p-pag-usapan, eh," pakiusap niya. Tumaas ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko ngunit patuloy sa paglalakad ang binata hanggang sa tuluyan itong makalapit. Matangkad ito na ipinagpapasalamat niya. She won't see his eyes. Nasa dibdib ng binata ang mga mata niya. "How dare you kicked me?" Madilim ang mga mata nito. "Ininsulto mo ako!" depensa niya. Mas lalong bumagsik ang anyo nito na parang lalapain siya. "At saan doon ang insulto? Answer me!" "T-that 'f' thing! S-sa tingin mo ba papatulan kita? ‘Di kita type kaya insulto ‘yon!" sigaw niya rin. Umawang ang mapupulang labi ng binata. Nawala ang bagsik sa mga mata nito dahil nauwi sa gulat. Tila hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Niyakap niya ang sarili saka bahagyang umatras. He saw it. Naging blangko ang mga mata nito bago tumalikod. Naglakad ito at naupo sa sofa niya. Hindi niya alam kung makakahinga ba siya nang maluwag o hindi dahil ‘di pa rin ito umaalis. "Sit here. We're going to talk." "A-ano pa bang pag-uusapan na-" "Don't test my patience, woman. Kung ayaw mong makulong," matalim nitong saad. Wala siyang choice kung ‘di lumapit at umupo sa single sofa na katabi lang nito. Yakap niya pa rin ang sarili. "Talk." "Huh?" naguguluhan niyang sambit sa sarili. Tumalim ang mga bughaw nitong mata. "Give me reason not to sue you, woman." Reason? Pumikit siya nang mariin para mag-isip ng kung ano’ng dapat niyang sabihin. Mukha pa namang hindi nagbibiro ang lalaki. What if he would really sue her? PINAGMASDAN niya ang nakapikit na dalaga na alam niyang nag-iisip nang malalim. He take it as advantage to freely stare at her face. She's beautiful but she's more beautiful when closer. "I am waiting," saad niya. Alexendris doesn't really have a long patience. Mabilis siyang mainip lalo na ang mainis. He needs an answer right away. "T-teka!" Dumilat ito dahilan para magtagpo ang mga mata nila. He held her gaze. Kahit alam niyang maiilang ito. He didn't bother looking away. Napakamot sa ulo ang dalaga. "I don't have enough time for this, Celestine," maawtoridad niyang paalala. "P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" gulat nitong tanong. "I'll give you one minute." Imbes na sagutin. Binigyan niya ito ng countdown. Naiinip na siya. "G-gagawin ko kahit anumang ipag-utos mo sa loob ng isang buwan. Wala na akong maisip bukod doon," nag-aalangang sagot nito. He remained void outside but he felt excitement. Gusto niya ang sinabi nito. A small smirk appeared on his lips. “Anything I want in one month?" he murmured. "Are you sure about that, lady?" Nakita niyang napalunok ito. Umayos siya ng upo sa sofa. He rested his one arm in the arm rest and patted his lap. “If that's so, sit on my lap facing me, Celestine. Prove to me your words."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD