Nilingon niya ang binata pagkatapos niyang magbihis. Kanina pa ito tahimik at tulala. Ngayon ang araw na pupunta sila sa bahay ng mga magulang niya. Huwag mong sabihin iyon ang dahilan? "Humihinga ka pa ba d'yan?" tanong niya. "Yeah." Dumako ang mga mata nito sa kanya nang lumapit siya. Kaagad na hinawakan nito ang braso niya at pinaupo sa kandungan nito. "Don't wear heels," utos nito. Mukhang kahit tulala. Alam nito ang binabalak niya. "3 inches lang naman, eh. Para bagay dito sa dress," kumbinsi niya. "Flats are better. Huwag matigas ang ulo, Celestine." Umismid siya. "Bakit ka ba tulala? Joke lang naman 'yung sinabi ko. Wala talagang shotgun si Papa sa bahay. Hindi humahawak ng baril 'yun," saad niya. Lumamlam ang mga mata nito. Nakaramdam siya ng goosebumps nang haplusin nito a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


