TINITIGAN nya si Callisto. "Bakit parang ang dami mong alam?" nagtataka nyang tanong Tumingin uli sa harap si Callisto at namulsa. Hindi mo makitaan ng interes sa mukha nito habang nagkwe-kwento sa kanya. "Kaaway sila at kinikilala ang kaaway. Hindi mo maiintindihan kasi mahal mo." nababagot na sagot nito Bumaling din siya sa harap at tinignan ang pagbaba ng numero. "Yung sinabi mo kanina. Anong ibig sabihin nun?" Ilang segundong tahimik si Callisto, bago uli nagsalita. "Have you heard about Alexendris' mother?" "Alam kong wala na ang mama niya. Bukod doon wala na." sagot nya "Merong isang paraan para baliin, or should I say, ipasa sa pangalawang panganay ang legacy ng mga Courner. That is to never date any woman romantically." paliwanag ni Callisto. "Alexendris' father fell in love

