NAKAUPO siya. Pinagmamasdan si Alexendris na nagtratrabaho. Naglalaro padin sa isip niya yung sinabi ni Hera kanina. Matindi ang curiousness nya kung ano ang tinutukoy niya. Magtatanong sana sya kaso parang nireregla na naman si Alexendris kapag nawawala sya sa paningin nito. Nasa labas kasi si Hera. Pinalabas ni Alexendris. "Nagugutom ako." Tumaas ang kilay ni Alexendris. Naka-poker face pa yan. "Kakain mo lang." Pinagkros niya ang mga braso niya. Pinantayan nya ang pokerface ng kausap. "Gusto ko ng mangga na may toyo. May nakita akong mangga kanina sa kusina!" "You had eaten so much earlier. Where are you going to put that food in your stomach?" nakakunot-noong tanong ni Alexendris "Problema ko na yon. Gusto ko ng mangga." Bumaling uli sa laptop si Alexendris. "I'll ask someone

