INILAPAG niya ang hawak na bag sa sahig at sumalampak sa sofa. Di pumayag ang papa niya na umuwi siya dito. Nag-away pa sila pero kalaunan nanalo din siya. Kinakain na siya ng curiousity. Malakas ang kutob nya na may kinalaman yung sinabi ni Hera sa kanya sa rason kung bakit ayaw ng papa niya kay Alexendris. Ano kaya yon? Bakit ngayon pa kung kelan may pagkakaunawaan na sila ni Alexendris. Kung kelan mahalaga na sa kanya ang lalaki. Kinuha nya ang cellphone para magreply kay Ericka. Updated yung dalawa sa problema niya. Ipinaalam niya di lang dahil kailangan nya ng payo ngayon ng kaibigan. Para narin magkaron ng clue. Baka may alam yung dalawa sa kung anong sinasabi ng papa niya. Nag-angat siya ng tingin sa pinto nang may kumatok. Ambilis namang dumating ng dalawa. Napakurap siya pagb

