MALAKAS na tumibok ang puso niya sa narinig niya galing kay Alexendris. When he cupped her face and kissed her. Hinayaan niya ngunit nanatiling bukas ang mga mata nya. "Don't look at me like that." mahinang reklamo ng binata Napansin nyang namumula ang mga pisngi nito. Tinakpan nya ang bibig. Bahagya kasi siyang natatawa. Si Alexendris nagblu-blush. "Ang cute mo." Sinimangutan lang sya ng binata. Sinapo niya ang magkabilang-pisngi nito. Natawa na naman sya. "Grabe. Ganito mo ba ako kamahal?" natatawang tanong niya Naasar na tinabig ni Alexendris ang kamay niya. Nag-iwas ng tingin sa kanya ang binata. Inabot nito ang plato saka kutsara para mag-isang kumain. Mahina naman syang natawa. "Uy! Parang di mabiro. Mahal mo naman talaga ako diba? Inamin mo nga." Pabiro talaga ang nais niya

