NAGISING si Celestine dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Kahit ayaw pa niyang dumilat. Nagbukas siya ng mga mata.
She felt like her heart just stopped nang ma-realize niyang tao ang nakadagan sa kanya. Hindi lang pala basta tao.
It's him!
Nanigas siya sa kinahihigaan. Gusto niyang itulak ang binata na nakadikit ang pisngi sa dibdib niya. Just below her collarbone. Ngunit hindi niya magawa dahil ramdam niya ang payapang paghinga nito. Indicating that he’s deep asleep.
He's really lying to her. Hindi niya alam kung paano sila napunta sa ganoong posisyon. Kanina lang siya ang nakahiga tapos ngayon nakadagan na ito sa kanya!
Wala sa sariling umangat ang kamay niya at hinaplos ang likod nito. She doesn’t know if she’s waking him up or something. Hanggang sa lumapat ang mga daliri niya sa buhok nito.
He moaned, still asleep, when she ran her finger through his hair. Alexendris looked like a baby with his face on her chest. Sana lagi na lang itong tulog.
Muli niyang ipinikit ang mga mata. She let her fingers on his hair hanggang sa di niya namalayan na nakatulog ulit siya.
Nang magising siya sa pangalawang paggising niya. Wala na ang binata pati ang attache case nito. Tila para itong bula na naglaho. Napaupo na lang siya sa sofa.
“Finally. My peace,” bulong niya.
Ilang saglit muna siyang pumikit bago tumayo at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Mayamaya lang ay papasok na siya sa trabaho.
Naupo siya sa bangko. Habang humihigop ng kape, binuksan niya ang cellphone para i-check kung may nag-text ba sa kanya.
She was silently thanking that there’s no message na galing kay Alexendris. At least, payapa na ang mundo niya. She’s wishing na sana hindi na ito magpakita pa.
So her life would go back to how it was before.
CELESTINE started her day with a smile. She’s a house sales agent. Nakadepende sa maibebenta niya ang kikitain. Kung susuwertihin pa siya. Malaki ang makukuha niyang komisyon kaya kailangan niyang makabenta ng marami.
Hindi na niya namalayan ang pagtakbo ng oras. Nang makaramdam ng pagod. Saglit siyang naupo at chineck ang cellphone niya.
Nawala ang ngiti niyang nang makita ang isang text mula sa number na gamit ni Alexendris. He wants her to bring him lunch.
Hindi ba siya marunong mag-order ng pagkain? Bakit kailangan ako pa?
Dinial niya ang number nito. He immediately answered.
“Bakit ako? May trabaho ako. Wala ka bang secretary d’yan?” naiinis niyang tanong.
“You proposed to me that you’ll do anything in order for me not to sue you. Nakalimutan mo ba?”
May inis sa boses nito na gusto niyang sapawan. Mariin siyang pumikit. Bakit nga ba naisip niya ‘yon? She could’ve thought of a much better deal!
“Cooked me food. I’ll send you the address…”
Lumaki ang mga mata nya. “Cooked? Nasa trabaho ako!”
“I don’t care. I want my food now…”
Nanggigigil pa siya at gusto itong pagmumurahin nang ibaba na nito ang tawag. Naihilamos niya ang palad sa mukha. He’s an asshole!
Bumaba ang tingin niya sa cellphone nang tumunog ito. It’s Alexendris. He texted her the address. Nag-reply siya kaagad dito, asking how to find the place.
At mas lalo lang syang nanggigil sa reply nito.
“Hanapin mo.”
Impit siyang tumili sa sobrang inis niya. Halos mapunit ang papel na hawak sa kabilang kamay sa inis.
Kota na talaga ang lalaking ‘yon!
Celestine wished she never met him. Payapa pa rin sana ang buhay niya. Ilang minuto niyang kinalma ang sarili bago tumayo at nagpaalam sa head nila. Mabuti na lang pinayagan siya.
Nang makarating sa bahay. Kaagad siyang nagluto ng pagkain. Naglagay siya sa baunan at nagtabi sa ref. Para hindi na siya magluto pa mamaya.
She makes sure na wala nang mairereklamo ang binata para makabalik kaagad siya. Para na rin hindi niya masapok ito.
Unfortunately, hindi niya kaagad nahanap ang address nito. Nakailang ligaw ata siya bago niya nahanap ang pinagtra-trabahuan nito. It’s a tall glass building.
Hindi niya na-appreciate ang taas at ganda ng building dahil sa sobrang panggigil niya at stress. All she wants is to find the goddamn man at itampal dito ang pagkain.
“Nandito na ako. Saan ka!?” asik niya sa cellphone.
“Top floor. Use the private elevator to get here. Someone’s waiting for you there… “
Sabay patay ng cellphone. Napabuga siya nang marahas saka tinahak ang loob ng gusali. May ilang sumusulyap sa kanya dahil siguro hindi siya kilala ng mga ito.
Good thing she’s wearing a business clothes kun ‘di magmumukha siyang pulubi na napadaan sa loob ng gusaling ‘to.
“Saan ba ’yon?” naiiritang bulong niya.
Sa laki ng lobby hindi niya mahanap ang sinasabi nitong private elevator. May nakita siya pero siguradong hindi iyon dahil siksikan ang mga tao roon.
“Aww!”
Napahawak siya sa braso nang may mabangga siya. Kamuntikan pang mahulog ang dala niya mabuti na lang at nahawakan niya ng mahigpit.
“Watch out.”
Nag-angat siya ng tingin sa lalaki. Matangkad at naka-black suit. He’s a foreigner. She could tell from his deep eyes and blonde hair.
“I-I’m sorry. I was just…trying to find the elevator,” paumanhin nya.
She doesn’t want another Alexendris. Mukha pa namang strikto ang isang ‘to. Kita niya rin sa tagiliran nito ang umbok. In her conclusion, it’s probably a gun.
“The elevator is there.” Tinuro nito ang elevator na nakita niya kanina. Kaagad siyang umiling.
“What I mean is, the private elevator. Do you know where it is?” tanong nya.
Bahagyang kumunot ang noo nito. Seryosong-seryoso ito at ‘di man lang kumukurap. She felt awkward.
“No one’s allowed there especially if it’s a woman,” istriktong sagot ng lalaki
“A-Ah, eh… “
Napakamot siya sa ulo. Ano ba’ng dapat niyang sabihin?
“I am exempted!” Tumaas ang kilay nito sa sagot niya. “I am saying the truth! Please, just tell me. I need to give this to that asshole,” tumalim ang tinig niya nang banggitin ang huli.
“Who?”
“Alexendris! That asshole. Kailangan ko siyang ma—”
Naputol ang sasabihin niya dapat nang may tumawag sa kanya. Naka-suit naman ito at red tie.
“Miss Celestine?”
“Ako nga!” maagap niyang sagot.
“Please, follow me. Hinihintay na po kayo ni Sir.”
Humarap siya sa unang lalaki na kausap niya para magpaalam pero wala na ito roon. Kumunot ang noo niya. Saan na ’yon?
“Miss?” untag ng lalaki sa harap niya.
Tumango na lang siya at sinundan ito. Mahabang hallway muna ang dinaanan nila kung saan dinala siya sa elevator. Must be the private one.
Ilang minuto rin ang itinagal nila sa loob ng elevator. Nasa top floor pa kasi ang opisina ng lalaking ‘yon.
“Nasa office po siya, Ma’am,” saad ng lalaki pagkabukas ng elevator.
“Hindi ka sasama?” tanong niya.
“I am not allowed, Miss. Good day.”
Yumuko ito. Napatitig na lang siya rito hanggang sa magsara ang pinto ng elevator. May malaking double door saka desk sa gilid. Sa tingin niya, desk ng secretary iyon.
Nasaan ang secretary niya?
Bumalik ang paningin niya sa pintuan na may nanlalaking mga mata. Wala naman sigurong ginagawang kababalaghan ang lalaking ‘yon?
‘Di ba?
Kahit nag-aalangan. Humakbang siya papalapit sa pinto. Humugot muna siya ng malalim na hininga saka akmang kakatok nang kusa na iyong bumukas.
Napatitig siya sa batang lalaki na nag-angat ng tingin sa kanya.
“Walter…”
Bumaling ang mga mata niya kay Alexendris na papalapit sa kanila. Nakita na siya nito. She looked back at the child curiously.
“Sino—” naputol ang itatanong niya nang tawagin ng bata ang lalaki na ikinalaki ng mga mata niya.
“Papa!”