3. [ Normie Girl x Otaku Boy ]
Zachary's POV
My first day in college on Winterfield. Sabi nila, I'm so lucky to be the eldest offspring ni Luis Cruszi; I don't have to work hard to gain fame, power, and fortune because I'm already privileged.
I have been born with a silver spoon in my mouth. But little do they know the pressures I carry on my shoulders. I may look like I'm playing it cool but I'm working hard, harder than anyone of my age.
Hindi ko naranasan magkaroon ng big circle of friends. I didn't experience to be in someone's house for a group project, or stroll in the mall with my classmates.
After classes, I have to go to my special class. It's about economics, business management, anything about corporate world and personality development subjects dahil bawat galaw ko ay magiging laman ng balita someday kapag pormal na akong mag take over ng aming korporasyon.
Gusto ko sana kumuha ng degree for animation like, digital media or visual arts but I already dedicated my life to follow my Dad's footsteps kaya I'm taking up Journalism.
Another reason is, mas payapa rito. Kahit MassCom ang choice ni Mom para sa akin, dahil siya na ang bagong Dean of the College of Mass Communication, ay hindi ko sinunod dahil karamihan duon ay mga extroverts. I find them flashy and loud malayong-malayo sa aking personality na introvert at melancholic, as some others regard as 'sadboi'.
I'm an hour early for my first class. May ilan na rin ang narito at dahil first day, tahimik lang. But I'm aware that they are glancing at me. Since grade school, I'm known as the heir of the Cruszis. An introvert. Weirdo. Otaku.
Otaku, ito yung tawag sa mga anime fanatics, super fan ng mga anime na tingin nila ay nagiging weird na sa sobrang panatiko.
Sanay na ako sa mga tawag nila sa akin dahil may sarili akong mundo. I'm not affected at all. Kuntento na ako basta meron akong dalang Japanese Manga, sketch pad, at lapis. I do digital arts but I'm into traditional arts.
Palabas na sana ako ng pinto para ibalik ang Manga na hiniram ko sa best friend kong si Camilla nang may nakasalubong akong apat na kababaihang masayang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Papasok sila habang ako'y papalabas kaya di sinasadyang nabangga ako nang isa sa kanila at nahulog ang libro na hawak ko.
I'm on my bended knee to pick up the book
pero naunahan na akong pulutin ito ng isang babae. She's also on her knees habang inaabot sa akin ang libro.
I startled when our eyes met. It's been years since the last time I saw such mesmerizing green eyes.
I can't understand this feeling. A deja vu? Or is this really happened in the past? I remember a scene like this before. It's still vivid on my mind.
Siya nga iyon!
How can I forget that angelic face? Her long, wavy silky black hair that bounces in the wind. Having natural pinkish lips. Fair smooth skin. Indeed, a 2D anime girl manifested in the flesh.
[ CHARI! ]
Pareho kaming napatingin sa kinaroroonan ng tinig.
Tumayo na ang babae at nakipag beso duon sa tumawag sa kanya habang unconsciously bitbit nya yung libro. She has completely forgotten about me.
So it's 'Chari'. Ang pagkakarinig ko kasi ay 'Zachary'. And I'm right, she really is Charielle Richards.
What is she doing here? Buti pinayagan siya ng kanyang parents na dito mag aral despite the fact na si Dad na ang president ng Winterfield, ang mortal na kaaway ng kanyang ama na si Rafael Richards.
-------------
Lunch break...
Kasabay ko ang aking dalawang best friends na mag lunch sa cafeteria.Tahimik lang kaming kumakain nang may naglapag ng libro sa mesa.
"Hi there. Sorry sa istorbo."
Natigilan kaming tatlo at napatingin sa nag sabi n'on. Todo pa ang ngiti ng babae.
Alam kong hindi lang ako ang nagulat kundi pati na rin ang mga kasama ko. Nakakagulat nga naman na ang gaya ni Charielle ay lalapit sa'ming may sariling mundo.
She's a very cheerful and energetic lady. Usually, those kind of women make Camilla irritated and annoyed.
Hindi ko rin inaasahan na blockmates pala kami ni Charielle. Hindi ko siya napansin sa enrollment. Or was I really apathetic or unaware of my surroundings kaya hindi ko siya napansin but she's the only woman who caught my attention, imposibleng hindi ko siya napansin.
Isa pa, sobrang sikat niya. Probably, she was a late enrollee.
"May I sit here?" Tanong niya sa amin at umupo agad sa'king tabi.
"Sorry, nakalimutan ko kasing ibalik kanina yung comics mo." Sabi niya habang naka titig sa akin at sumipsip ng cola. Na-conscious naman ako bigla sa kanyang titig.
"It's called manga."
Sabat ni Camilla na walang halong emosyon.
"Oh, sorry again. " Nakangiting sabi ni Chari matapos ubusin ang diet coke.
"By the way, I'm Charielle Richards. Just call me Chari. "
Nabawasan ang sigla ni Chari nang walang umiimik sa amin. Hindi naman sa hindi siya welcome, sadyang hindi lang kami sanay na mga introverts sa ganitong eksena.
"I'm Zachary Cruszi." Saad ko, para na rin sumunod sina Camilla at Carl magpakilala.
Isusubo na sana ni Chari ang kanyang kinakaing barbeque nang bumalik ang sigla sa kanyang mga mata. "Oh my, the first time I hear you speak. Kasing gwapo mo yung boses mo!"
Dito na tumawa ang dalawang kaharap namin. Nakakatuwa kasi yung reaksyon ni Chari na overacting. Tapos kinikilig pa.
" Ha ha. That's funny. I'm Camilla."
"And I'm Carl."
Pagpapakilala ng dalawa kong best friends.
"Nice to meet you all. Alam niyo kasi mga prof namin kanina, lecture agad. Wala ng 'tell me- tell me about yourself. Nag practice pa naman ako ng introduction ko." Sabi ni Charielle, at oo ang daldal niya.
~~~~~~~
After class, sinundo ko sa classroom ang younger sister kong si Cassidy na ngayon ay grade three na.
May kausap siyang classmate. Natigil lang sila nang nakita ako ni Cassidy at masayang sumalubong sa akin.
"Kuya, I'll introduce you to my pretty friend."
Sabay hila sa aking kamay.
"Rica, this is my kuya yung sabi mo kanina may nakita kang cutie, s'ya yun di ba?"
Namula ang pisngi ng batang si Rica at hindi makapag salita. She's really pretty. Na flatter naman ako dahil may isang batang babae na naka appreciate ng ka-guwapuhang tanging nanay ko lang naman ang nagsasabi.
Parang kahawig ni Rica si Chari.
Speaking of Chari...
"Rica! Uwi na tayo! Nandyan na si Nanay! "
Kapwa kami natigilan nang nagtama muli ang aming tingin ni Chari.
" Zac!"
Bati niya sa akin habang gulat na gulat. Ang sarap titigan ng kanyang mala-emerald na mga mata. Buhay na buhay at bilugan, nakaka adik titigan.
"Halika na Ate." Aya ni Rica.
Ate niya pala si Chari. Kaya pala kahawig sila.
Ngunit ang kulay ng mata nila ay magka iba. Kay Rica ay brown.
Pati ang kanilang buhok ay malaki ang pagkakaiba. Ang buhok ni Chari ay sobrang itim samantalang ang kay Rica ay golden brown. Ang magkatulad lang ay pareho silang wavy ang buhok.
Mahiyain si Rica at napakahinhin, kabaligtaran ni Chari na friendly at high-spirited.
We introduced ourselves to each other's siblings.
Ow small world for Cruszis and Richards indeed.
"Zac!"
Lahat kaming apat ay napatingin sa tumawag ng aking pangalan.