Episode 1

1187 Words
After 1 year.... Maagang bumangon si Aubrey para magluto sa kanilang almusal as usual alam niyang Hindi naman kakain ang asawa niya. Isang taon na rin silang kasal ni Art ngunit wala pa rin nagbabago sa pakikitungo nito sa kanya. Malamig pa rin at laging galit . Napilitan kasi ito na magpakasal sa kanya kahit hindi naman sya nabuntis kasi matalik na kaibigan ang mommy niya at ang mommy ni Art. Nang nalaman na anak siya ni Sheila ay tuwang-tuwa ang mommy ni Art kaya sila pinakasal. Hindi na naka attend si daddy sa kasal ko kasi sa judge lang naman gusto sana ng aking biyenan na sa simbahan pero ayaw ni Art. Kaya ito ako ngayon isang battered wife . Dahil sa paglipas ng ng ilang buwan minahal ko na si Art pero siya kahit kailan alam kong hindi niya ako mamahalin. Sinabi na yon sa akin at sobrang sakit kasi mahal ko na sya. Pagkatapos ng kasal namin dito na kami tumira sa condo niya. Hindi na man kailangan magpatayo siya ng mansion para sa akin kasi hindi niya ako mahal at kahit kailan ay hindi niya mamahalin.... Naputol ang aking malawak na pag-iisip nang may naamoy akong nasunog. “Oh my God , yong niluto ko.!.pinatay ko kaagad ang stove. Sya namang paglabas nang magaling kong asawa sa kwarto na naka office attire.. “What the hell was that bitch.!!?, sigaw nya sa akin. “Nakita mo diba, bakit ka pa nagtatanong.? Asar na tanong ko. “Wala ka talagang kwenta kahit kailan!!!.sigaw niya at naglakad palabas. Yes, ganyan ang ang lagi nyang sinasabi sa akin walang kwenta daw ako. Nong una umiiyak lang ako sa tuwing sinisigawan at sabihan na walang kwenta. Pero kalaunan narealized ko na dapat matapang at palaban ako para hindi niya ako aapihin. Heto naging matapang sa harap niya pero pagwala na siya saka ko iiyak ang sakit. Pasalamat na lang ako kahit lagi kami nag aaway kahit kailan hindi niya ako pinagbubuhatan ng kamay. At mula ng ikasal kami wala na ulit nangyari sa amin paano na man kasi sa ibang kwarto ako pinatulog. Mabuti na lang talaga hindi ako nabuntis nong may nangyari sa amin kasi pag nagkataon kawawa kami ng magiging anak ko. Natandaan ko pa ang sinabi niya sa akin noon. “Alam mo kahit kailan hinding-hindi kita mamahalin kahit mag kaanak pa tayo .yan ang tandaan mo bitch.!” yan ang lagi niyang tawag sa akin b***h. Grabe ang sakit nung una sobra akong nasaktan dahil sa kagagawan niya at ever since he never called me by my name. Pero ayos lang at least hindi niya pinagbuhatan ng kamay at hindi sya nambabae. Kasi pag nagkataon na may babae sya ay hindi ko kakayanin mahal na mahal ko ang asawa ko at umaasa ako na balang araw mamahalin niya rin ako. Hanggang isang araw umuwi siyang lasing sinusumbat niya sa akin ang nangyaring kamalasan sa buhay. “ Alam mo ba simula ng dumating ka buhay ko wala nang nangyaring maganda sa akin lahat puro kamalasan sana hindi na lang kita nakilala sa p**ang i**a na bar yon.!!!! saigaw niya sa akin. Hindi ko sya pinansin dahil alam kong lasing lang sya. Pero aaminin ko sobrang sakit para sa akin yon. Yong para sinaksak ng kutsilyo ang dibdib ko. Umalis ako sa harapan niya at pupunta ako sa kwarto para doon umiyak. Pero hindi pa ako nakalayo narining ko syang umiyak. “ hek- hek alam mo ba kung anong nangyari sa akin ngayon kinuha lang naman ni daddy sa akin ang posisyon bilang CEO kasi nalaman na hindi kita tinrato ng tama, hek..ayos lang sana sa akin yon eh.,pero alam mo ba kung ano ang hindi okey?!,yong araw araw kitang nakikita dito sa pamamahay ko,yon ang hindi okey.!! Tuluyan ng nalaglag ang luha na kanina ko pa pinipigilan. All these years yon pala ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita ako. “ I’m sorry kung dahil sa akin kaya nagkakaganyan ang buhay mo. Pero maniwala ka man o hindi minahal kita .Kahit alam kong wala kang naramdaman sa akin okey lang kasi umaasa ako na balang araw mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sayo.” Umiiyak na sabi ko sa kanya. “ Paano kita mamahalin kung sa simula pa lang alam ko sa sarili ko na hindi kita gusto kaya lang naman may nangyari sa atin ng gabing yon kasi lasing ako, alam mo ba kung bakit hindi ako kumakain dito? Kung bakit lagi akong wala dito sa bahay? Kasi naiinis ako sa pagmumukha mo! Everytime I look at you, lagi kong naalala kung gaano ako katanga ng gabing yon.!! Sobrang sakit ang naramdaman ko sa sinabi niya . Wala na ba talagang magmamahal sa akin? Ganon na ba ako kasama na kahit sariling kong ama at asawa ay ayaw sa akin.? Pero kahit nasasaktan ako pinakita ko sa kanya na matapang ako na hindi ako apektado sa sinasabi niya. “ Kung hindi mo talaga ako kayang mahalin magtiis ka nalang total wala ka nang magagawa asawa mo ako. Ano pa ba ang gawin ko ? Ginawa ko naman lahat as your wife diba? Kung iisipin mo nga ang tulad ko ay isang ideal wife. Pinagluto nga kita diba pero ikaw tong ayaw kumain. Gusto kitang pagsilbihan pero ikaw tong may ayaw.! Kaya magtiis ka.! sigaw ko sa kanya sabay talikod papunta sa kwarto. Pero hindi pa ako nakalayo may sinabi siya na nagpakaba sa akin. “ Tingnan lang natin kung hanggang saan ang tapang mo b***h,akala mo siguro wala akong plano kung paano ka mawala sa buhay ko.” Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya kasi alam ko lasing siya. Nagtungo ako sa kwarto at doon ko binuhos lahat ng sakit sa dibdib ko. Hindi ko akalain na magiging ganito ang buhay I feel so unloved by the people that I loved the most. First, my father and then my husband. Kung sana buhay pa si mommy ay hindi maging ganito ang buhay ko. Si mommy ang laging umalalay sa aking noon. Sa tuwing binully ako sa school sya ang lagi nandyan para sa akin. Pero nang mawala siya wala nang nagmahal sa akin even my daddy. When my mom died kasabay din na nawala ang presensya ni daddy sa akin. Buti nalang nandoon si Yaya Myrna sya lagi ang umalalay sa akin. Pero nong nag-asawa ulit si daddy pinaalis nila si Yaya Myrna. Kaya wala na akong kakampi lagi na lang ako nagkukulong sa aking kwarto. Ayokong lumabas dahil ayokong makita sila daddy at bago niyang asawa na masayang-masaya kasama ang step sister ko. At ako parang hindi nila nakikita. Hanggang sa dumating ang araw na minaltrato ako ng asawa ni daddy ,ako yong taga hugas ng pinggan pag wala si daddy. Sobrang sakit. Laging akong umiiyak. Lagi kong tinatanong ang Diyos kung bakit naging ganito ang buhay ko. Pero sa murang isip ko nasabi ko na hindi ka bibigyan ng pagsubok ng Panginoon na hindi mo kakayanin. Kaya nagpakatatag ako. Pero hindi ko alam hanggang kailan ako magiging matatag lalo na dumating ang araw na kinatatakutan ko....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD