DIANE POV
Ngayon ang alis namin ni Christian papuntang America dahil sisimulan ng operahan ang anak ko and my baby wants me to be there for him kaya nakiusap ako kay Christian na kung pwede kong puntahan ang anak ko na syang sinang ayunan nya agad
"m-mommy" yumakap agad sa akin ang anak ko ng makita ako pagkarating namin sa room nya
nagkakalaman ang anak ko mula ng ma confine sya sa hospital, sabi naman ng doctor ay natural lang yan dahil under observation pa sya at hinahanda ang katawan nya para sa operasyon. Hinihintay nalang na lumabas ang result para maoperahan na si JR.
"my baby" miss na miss ko ang anak ko kaya super higpit ng pagkakayakap ko sa kanya
My baby's name is Johann Rain Sanchez hes 3 years old. Oo sa akin gamit na apelyido ng anak ko, masisisi nyo ba ako kung hindi sa ama nya ang gamit nya?!
"i miss you mommy" kahit 3 years old palang ang anak ko ay mature na ang kanyang isip, hindi narin sya bulol kung magsalita at may private tutor din si JR dahil advance ang kanyang IQ kumpara sa ibang mga bata na kasing edad nya.
"miss you too baby"
umupo ako sa tabi nya at tinadtad sya ng halik sa mukha. Ang bango naman ng anak ko.
"Ma" tawag nya sa akin kaya tumigil na ako
napatingin naman sya kay Christian na nakalimutan ko na kasama ko pala at nakatingin lang sa amin
"Ah, baby this is Tito Christian my b-boyfriend, Christian anak ko" sabi ko
Pinalapit ko sya sa amin at pinaupo ko sa tabi ko
"Hi JR im Tito Christian. Christian Carter" agad na sabi ni Christian at nilahad pa ang kamay nya
napatingin naman ang anak ko sa kamay ni Christian
"be good to my mommy okay?" sabi ng anak ko ng seryoso, inabot na nya ang kamay ni Christian
"Im Johann Rain inshort JR" sabi nya pa at ngumiti
nakita tuloy ang dalawang dimples nya. Ilang sandali lang ay kinuha na sya ng mga nurse para dalhin sa OR
"Baby kaya mo yan ha" si Ynna habang nakasunod kami sa pagdala sa anak ko sa OR, hawak hawak ko ang kamay ni JR
"Yes po tita Ninang" pinipigilan kong umiyak dahil ayaw ng anak ko na makitang umiiyak at malungkot ako. At alam ko din na matatag ang anak ko kaya makakaya nya to.
Malakas ang anak ko.
"mommy i love you" bagong tuluyang makapasok sa loob ng OR si Jr ay sinabihan nya pa ako
ng matamis na 'i love you' nya
"i love you too anak"
kinakabahan ako. Ilang oras din kaming naghihintay dito sa labas ng OR. Kamusta na kaya ang anak ko?
"Bes" nagyakapan kami ni Ynna at alam ko na pareho kaming kinakabahan
~
After 3 hours and 30 minutes
"Doc how's my son JR?" agad kaming napatayo at lumapit sa doctor
"The operation was successful but we need to monitor him for a few days and will see the side effect of his operation" sabi sa amin ng doctor
pagkatapos namin magpasalamat ay umalis narin ang doctor. Nagkayakapan kami ni Ynna sa magandang balita na sinabi ng doctor. Magaling na ang anak ko. His operation was successful!
Thanks God! Ito na ang pinakamagandang balita na narinig ko! Ang gumaling ang anak ko
Inilipat narin ng kwarto si JR at ang anak ko ay mahimbing parin na natutulog.
"Christian matulog kana, ako na magbabantay sa anak ko"
tulog na kasi si Ynna at kami nalang ni Christian ang gising, anong oras narin naman kasi at wala pa kaming tulog at pahinga-lalo na si Christian na galing pa sa trabaho nya.
"No im okay-ikaw na ang magpahinga" sabi pa sa akin ni Christian kaya agad akong napailing
"I insist Diane-magpahinga kana hmmm"
tatanggi pa sana ako ng pinahiga ako ni Christian sa may sofa kung saan kami nakaupo-actually pinahiga nya ako sa lap nya
"*sigh* thank you" banggit ko at ipinikit ko na ang mata ko
CHRISTIAN POV
Magdamag akong gising at binantayan sila. Masaya ako dahil magaling narin si JR ang pamangkin ko. Magiging normal na sya katulad ng ibang bata na malusog at walang iniinda na sakit, makakasali narin syang makipaglaro sa mga bata, at matatanggal narin ang pag inom nya ng maraming gamot.
Napatingin ako kay Diane na mahimbing ang tulog sa lap ko. YOU ARE AMAZING DIANE dahil malakas at matatag ka like ni JR. Ang dami mong pinagdaanan na problema at lahat ng iyon ay nakayanan mo at nalagpasan mo. Hindi ka sumuko! Nilabanan mo!
Napapangiti ako dahil hindi mo mahahalata sa kanya ang mga mabibigat na problema dahil kung tingnan mo sya ay maaliwalas ang kanyang mukha at palagi syang nakangiti. Ang ganda nya.
Habang nagbabantay ako ay nakipagmeeting din ako sa secretary ko through video call-at ginawa ang trabaho ko hanggang sa hindi ko namalayan ang oras ay madaling araw na pala ng matapos kami sa ginagawa namin.
"Hmmm" napatingin ako kay Ynna ng gumalaw sya at ng magdilat ang mata nya
"Christian" mahinang tawag nya sa akin
"Good morning Ynna" bati ko sa kanya
Inayos ko ang pwesto ni Diane na mahimbing parin ang tulog. Saka lumabas kami ni Ynna at naglakad lakad
"So kamusta?" tanong agad sa akin ni Ynna na alam ko naman ang ibig nyang sabihin
Napabuntong hininga ako-iniisip ko parin kasi ng mabuti kung talagang naka move on na si Carlo. Sa nakikita ko kasi-talagang seryoso na sya kay Carol. Kung dati kasi halos hindi nga nya pansinin si Carol.
Sinabi ko lahat kay Ynna ang mga nangyayari pati ang mga haka haka ko na baka posible o baka naman imposible.
"Hmmm... First kailangan natin malaman kung bakit nawala si Carol ng ilang taon, second kung talagang wala ng pag asa sila Carlo at Diane" napatingin ako kay Ynna habang nagsasalita sya halatang malalim ang iniisip sya
Nandito kami sa seven eleven ni Ynna at bumili ng pagkain
"I dont know but i smell something fishy ei"
"I know" pag sang ayon ko kay Ynna
Nang maubos namin ang pagkain namin ay bumalik na kami sa hospital at naabutan namin si Diane na kakagising lang
"morning bes"
"morning sweety"
sabay namin na sabi ni Ynna-lumapit ako kay Diane.
"For you my lady" nakangiting sabi ko at inabot sa kanya ang isang mocha coffee at mga biscuits.
"wooosh sweet" komento naman agad ni Ynna
napangiti naman kami at nag usap
after 1 hour and 30 mins
"JR" agad kami napatingin at lumapit kay JR ng tawagin sya ni Ynna
Kanina lang sya ang pinag uusapan namin-kung paano sya lumaban sa sakit nya. Ang pagiging mabuting bata-anak ni JR, ang pagiging talented nya.
"mommy" niyakap agad ni Diane si JR
"anak ko gising ka na"
napapangiti nalang ako dahil kitang kita ko kung gaano kamahal ni Diane ang anak nya. Ang paghihirap nya-ang pagsasakripisyo nya para lang mabuhay sila.
Diane matatapos din ang paghihirap mo dahil tutulungan kita.