FOUR

2114 Words
Pagkatapos ako iwan ng my so called husband naglakad-lakad na ako para hanapin si Fhixie. Napagod na ako kakahanap pero umuwi na ata ang bruha ng susuko na ako para umuwi sana ay biglang may lumapit sa aking gwardiya. "Mrs. Barramedez yung kasama nyo po nag-aantay daw po sa inyo sa Cafe House."-nakangiti nitong saad sa akin. Lumingon pa ako sa likod ko para sigurohing ako ang kausap nya. "Ako ba ang kausap mo Kuya?"-turo ko sa sarili ng nagtataka. At nakangiti lang syang tumang-tango. "Opo.. Diba po Kayo si Mrs.Saffron Elise Barramedez ang asawa ni Mr. Volt Barramedez."-nakangiti nya pang tanong sa akin na parang siguradong sigurado. "I am Saffron but im not a Barramedez. Tsk"-inis kung sabi dito at dire-diretsong umalis para hanapin si Fhixie. Nang mahanap ko ito ay halos tumirik na ang mata sa mga pagkaing nilalantakan nya. "The hell? Naubos mo yan lahat Xie? Pagod ka bes?" "Grabi ka naman. Masarap kasi bes tapos libre pa to lahat kaya lafangs nalang bes wag ng choosy."-nakangisi nyang sagot bago nilantakan naman ung pizza sa tabi nya. "Saan ba galing yan? Imposible namang kay Xander kasi Tapsi lang ang kayang ipakain sayo nun." "Woi grabi ka naman sa boyfriend ko. Kahit ganon yun effort yun with love naman yung tapsi nila ah! Tsaka galing to sa asawa mo noh!"-halos mabilaukan na sa sobrang bilis kumain at laki ng subo nya. "The hell? Galing yan dun kay Barramedez? Hindi mo nga kilala yun and your accepting foods from strangers?"-naiinis kung hampas dito. Na parang walang nangyari at sumige padin ng kain. "Ano ba? Kumain kana dyan baka magalit ang self proclaimed husband mo. Tsaka bes his not a stranger anymore. Nagpakilala kaya sya kanina while his assisting me. Inyo pala tung mall na ito nakakaloka mayaman kana mas lalo kapang yumaman. Sabi ko nga dapat minsan itour nya naman ako sa mga pagaari nyo pa."-tuloy tuloy nitong litanya habang subo din ng subo. Nakakaloka itong babaeng to pati pagkain ayaw paawat at talagang close na sila ng my so called husband. "Bes meron akong nakitang dress na maganda kanina. Bagay talaga yun sayo lika dito."-hatak nya sakin papunta dun sa isang boutique. Kanina pa kami nagiikot matapos nyang maubos lahat ng inorder kanina ni Stranger no more. Tumawag din si Xander at ito daw ang susundo sa amin mamaya nagtaxi lang kasi kami papunta dito. "Ah Miss meron ba kayong iba pang design nito?"-tawag ni Xie sa Saleslady. "Maam meron po. Meron din po kaming mas mura nyan medyo pricy po kasi yung design na napili nyo."-saad agad nito ng makalapit samin. Kaya nangunot lalo ang noo ko mukha ba kaming walang pera? Kaya nga kami pumasok dito para bumili ng gusto namin nakakaloka ito. "Excuse me Miss.. But can you just give us what we need and were not asking for your opinion in the first place."-naiirita kung sabat ko dito. Natakot ata at agad tumalikod para kunin ang hinihingi nii Fhixie. "Maam eto na po yung hinihingi nyo. Akala mo naman afford nila mga ambisyosa!"-dinig kung bulong nya sa mga huling salita. Magsasalita na sana ako pero nauna na ang maldita kung kaibigang bigyan sya ng leksyon. "Saleslady ang trabaho mo dito diba? Trabaho mo ang iassist kami at ibigay lahat ng hinihingi ng mga customer mo. Kaya wag kang makaasta asta ng ganyan kasi itong damit na hawak ko o yung tinda nyo at centimos lang kung bibilangin sa pera namin."-mayabang na sumbat ni Xie dito matapos hilahin ang buhok nito. Tatawa na sana ako pero naulinigan kuna ang pagkakagulo ng ibang tao doon sa loob ng boutique. Meron naring papalapit na guard para awatin ang maskulada kung kaibigan. "Tama na yan. Nakakahiya kana mukha kang tanga. Dika na mukhang mayaman mukha ka ng namental."-bulong ko dito para tumigil na. "Bakit ano kung mageskandalo tayo dito? Maganda yun para malaman nila na asawa mo ang mayari ng mall na inaapakan nila. Narinig nyo MAY-ARI kaya ikaw bruha ka wag kang magmaganda ah!"-dagdag nito na lalapitan pa sana ang saleslady kung hindi ko lang ulit nahila palayo dito. "Xie lika na.. Maeksena na tayo masyado dito sa mall na to."-awat ko dito pero ang bruha sumigaw pa. "Is there a place that you can't cause a hammock?"-bulong ng baritonong boses galing sa likod ko. Nang lingunin ko ito ay sumalubong sa akin ang isang mukhang seryoso. Ang mga matang hindi ko alam kung galut ba ito o nagpipigil ng inis. Siguro pareho dahil simula kanina pagapak palang naming magkaibigan dito ay gulo na ang dala. Matagal itonng tumitig sa akin bago nagsalita. Hindi ko na alam kung anong sinabi nya doon sa loob ay nagmamadali ko ng hinila ni Fhixie palayo doon. Sakto lang ang labas namin ng mall dahil kararating lang din ni Xander. Hindi na namin pinababa pa si Xander dahil nagmamadali ko ng pinasakay si Fhixie para makaalis agad kami. "Where do you think your going?"-hila sa braso ko ng isang malaking kamay. Nagmumukhang stick ng kahoy ang hawak nito sa liit ng sukat kumpara sa mga kamay nya. "U-uuwi na. Bitaw nga makahawak ka parang close tayo ah!"-gulat kung baling dito pero nakabawi din agad. Lumingon ako sa likod nito ng humilira doon ang mga nakaitim na lalaking kasunod nya. Akala mo presidente laging may nakabuntot na mga aso. Nasa mall nya sya diba imposible namang may magtangka pa sa buhay nya. Mukha namang kagalang-galang sya sa suot nyang suit. Pero masyadong seryoso ang mukha nya para lapitan ng mga tao. "Are you done checking me out?"-taas kilay nitong uyam sa akin. "Dika din mahangin ano? Sabagay mayaman ka nga pala dina yun nakakapagtaka."-bara ko dito. Nakakaasar ang kabayabangan nito akala mo kung sino. Ito ba yung lalaking pakakasalan ko? Ano bang naisip ng mga magulang ko nung ginawa ang kasunduang yun. "Sulamangit nawa ang kanilang kaluluwa."-pagaantada ko ng maalala ko ang mga magulang ko. "What are you doing?"-taka nitong tanong sa ginawa ko at umayos ng taayo palayo sakin habang nilalagay ang mga kamay sa dalawang bulsa nya. "Doing some ritwals baka kasi nakakahawa yang sakit mo maganda ng maagap ako." "Ahermmmm.. Baka naman gusto na nating umalis bes kanina pa nakukulili ang tenga ko sa busina dito."-sabat ni Xie habang nakasilip mula sa passenger seat ng kotse ni Xander. "Oo nga Saff sakay na. Nakakaabala na tayo oh!"-dagdag pa ni Xander. "Bye Mr.CEO.. Sorry for ruining your day. Byeee"-nakangisi kung paalam dito at nagmamadaling sumakay sa kotse. Akma nyang hahabulin ako pero mabilis na napaandar ni Xander ang kotse. "Talagang mapapangasawa mo yun Saff? Infairness ang yaman ah! Pakasalan muna agad. Aray ah!"-reklamo nito ng batuhin naming pareho ni Xie ng unan. Kanina pa syang ganyang ng kinuwento ko yung tungkol dun sa lalaking yun. Minsan lang makarinig ng kwentong pang sobrang yaman kaya ito amazed na amazed. "Wag mong lantakan yang mga candy ko. Para sa customer yan kayo nakikikain lang diba?"-sita ko dito ng nginata na ng nginata ang mga candy kada table. Andito kami ngayon sa café ko. Ito ang naipundar ko bago pa ako matapos nagcollege. Ito ang perang minana ko sa mga lola at lolo ko dito ko sya nilustay. Ag aking tambayan at pangalawang tahanan Momento Lamesita dito ko ginugugol ang oras ko pag hindi ako busy sa school. Syempre bukod pa yung paggagala namin ni Fhixie. "Magangang Momento Madam welcome to Momento Lamesita."-nakangiti kung bati sa dalawang estudyanteng pumasok. Pag nandito kami I openly stay here at the counter. Minsan nagaassist pero madalas tiga bati lang ng customer. Noon maliit lang sana ang balak ko dito kaso sayang naman sabi ko minsan lang naman ako magtayo ng ganitong branch so why not diba. This place is my safehaven ang white,puple,skyblue at powder pink na kulay ng buong paligid ay nagbiblend sa buhay ko makulay. I personally pick those colors kasi malamig sa mata. Nakakagaan ng feelings para sakin ewan ko sa iba hehe. Pero parang makikita mo palang sya sa labas maiiwan muna ang lahat ng iniisip mo bago ka pumasok. Yun ang gusto kung gawing vibes ng buong shop. There's readers section here may table and chairs kami for people who loves to drink coffee or eat while reading. Meron din kaming area na comfy ka we have sofa and maliliit na tables with pillow as upuan. Mellow lang din ang tema ng kantahan dito bawal rakrakan and the books all kind of are here. Actually lahat lang ng mga paborito ko yung iba dagdag nalang they rent for the books in a small amount syempre. They can rent books and read here or they can take home it. Walang limit kung hanggang kilan basta ibabalik ang books coz we have list of people who bring home our books and no books no entry. "Bes.. Woi bes anyare na? Natulala kana? Iniisip mo si Mr. So called Husband to be?"-untag ni Xie haba kassi ng kwento kaya nakalimutan ko may mga kasama pala ako. "Ewan ko sayo. Yang bibig mo dapat laging may pasak daldal mo ei."-irap ko dito bago inayos ulit ang mga cookies at breads. "Pero seryoso bes. Anong gagawin mo pag pinilit nya na ikasal kayo?"-biglan nitong tanong. Ano nga ba? Kasi kahit ako hindi ko rin alam kung anong gagawin kasi hanggang ngayon magulo parin ang isip ko. "Hindi ko alam. Masyadong maraming gumugulo sa isip ko ngayon. Bahala na si Batman." "Oo nga Saff. Masyadong seryoso ang usapang kasal ako nga hindi pa ako siguradong pakakasalan ko si Fhixie ei."-dagdag pa ni Xander kaya napatawa nalang ako dito. Sabagay sila nga na matagal na wala pang ganung usapan kumusta naman ako na hindi ko pa mismo nakikilala. "Gago nandito ako. Tsaka ako ba tinanong mo ba ako kung ikaw din ang gusto kung pakasalan?"-irap ni Xie bago umalis papunta sa book section. "Woi baby sorry na. Joke lang yun to naman pinapatawa ko lang si Saff ei. Babyyy"-habol ni Xander dito. "Baby mo mukha mo."-at ayun doon naman sila nagkulitan. Minsan mahirap magisip ng tama napabuntong hininga nalang ako sa dami ng iniisip ko. "Ang lalim naman.."-untag ng isang boses sa harap ko. "Ikaw pala South.. Sorry kanina kapa?"-tanong ko dito ng umupo ito sa harap ng counter. Inikot nya muna ang paningin sa loob ng café bago bumaling sa akin. "Madaming tao ah! Pero bakit parang dika masaya?"-usisa nito bago bumaling sa nasa likod ko. "Sha isang Ice Americano"-order nito sa kape na madalas nya naman talagang inumin pag nandito sya. Kilala na nga sya ng mga staff ko sa dalas ng paglalagi nya dito. "Hindi ako malungkot. Im fine."-tipid kung sagot dito. Pero kibit balikat lang ang isinagot nya sa sinabi ko. "Pareng South aga natin manligaw ah!"-tapik ni Xander dito. Nakabalik na pala ang dalawang baliw may dala narin silang kanya-kanyang inumin. Inaya ko nalang sila doon sa likod para medyo hindi kami makaabala sa mga customer talaga. "Kahit naman tanghaliin ako pinapaasa nya parin naman ako pre ei!"-seryosong sagot ni South sa sinabi ni Xander. Matagal ng nanliligaw sakin ni South pero sadyang kaibigan lang ang tingin ko dito. Pero lahat ng pwede mong hanapin o magustohan sa isang lalaki ay nasa kanya. Sadyang may mga bagay lang sigurong hindi naaayon sa mga nais natin. "Tumigil nga kayo. Mamaya biglang sagutin ka nyan lalo na depressed."-nakangising dagdag pa ng kaibigan kung baliw ng maupo ito sa tabi ko. "Baliw.."-saad ko dito pero tumawa lang sya. "Depressed? Gusto mo magunwind? May offer ako?"-nakangising tanong ni South kaya lahat kami ay napabaling sa kanya. "Actually dapat kay Saff lang to ei kaso andito narin naman kayo kaya aayain kuna kayo."-kakamot kamot nitong litanya. "Ano ba yan? Wag kang paasa dude."-biro pa ni Xander dito. "Pupunta kaming Palawan sa wed sama kayo? It's a one week trip lang naman. Barkada to guys so don't worry-" "Were in..Sasama kami masaya yan for sure."-energetic na sagot ni Fhixie. Bumaling sakin si South kibit balikat lang ang nnaisagot ko. Umoo na ang alibugha kung kaibigan makakatanggi paba ako. Tsaka blessing in disguise na din siguro sa dami ng pinagdaanan ko this week. "Wag kang mag-alala baka dun mahalin muna ako"-nakangising untag ni South sakin may pagbunggo pa ng balikat ang kumag. Akala mo nagbibinata kinikilig ata. "Ang pagmamahal ko parang dagat hindi ko masukat kung kilan darating."-pagbaling ko dito sabay iwan sa kanila at bumalik sa loob. "Wooohhh... Boompanes dude."-dinig kung sigaw ni Xander. At tawanan at asaran nalang ang narinig ko bago ako makapasok sa loob. Siguro nga kailangan kung idivert ang lahat ng iniisip ko. Mahirap man tanggapin ang lahat pero talagang hahanapin ko kung mamahalin ko nga ba sya o sasagot ako ng oo para sa kasal kung walang kasiguradohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD