"Saan tayo pupunta?"-takang tanong ko ng mapansing palabas ng manila ang punta namin. Galing na kami sa ospital at matapos matingnan ay pinilit nya na akong ilabas. Nabugbog lang naman kaya namaga. "Magpapahinga.."-tipid nyang sagot ng hindi man lang ako nililingon. "Magpapahinga? Dapat si Sab ang niyaya mo dito mas matutuwa yun sayo."-sarkastiko kung sagot dito. "Sab is a friend.. And a friend is not ideal when your wanted to rest. And besides that place doesn't belong for Sabrina." Sa inis ko kasi naalala ko na naman ang bruha hinampas ko sya sa braso. Paa lang ang may problema sakin hindi kasama ang kamay. "Saan nga?" "Sa bahay natin.. Stay still pwede ba? Baka lalong mamaga yang paa mo. Mas pabor yun sakin kasi mas lalong hindi ka makakaalis."-ismid nya sakin. Sa sobrang inis

