"Kuya uuwi na ako.. Masakit na yung ulo ko kakarevised nitong report."-angal ko kay Kuya Mart ng pumasok sya sa opisina ko. Halos maduling na ako kakatitg dito sa tambak ng papel na nasa lamesa ko. Yun agad ang binungad sa akin ni Kuya ng makabalik ako. Alam ko namang galit sya pero diko naman alam na idadamay nya ang trabaho ko. Pati nga si Z kung saan-saan nya pinapadala. Dapat daw laong magsipag ang kumag kasi magkakapamilya na kami. Mga pakialamero sila din naman babaero noon... "Tapusin mo yan ng makauwi kana.. Yung kompanya muna ang asikasohin mo hindi yang boyfriend mong mangot."-asik nito napakunot-noo tuloy ako sa sinabi nya habang naglalakad palapit sakin at nilapag ang pagkaing dala. "Anong mangot?" "Laging nakasimangot. Diba totoo naman?"-napatawa ako sa sagot nyang iy

