MY ONE AND ONLY PRINCESS NG BUHAY KO

2742 Words
Lalake : bitawan nio siya!!(utos niya) Yna : tulungan mo ako!! . Nagulat si Yna dahil ang lalaki ay ang pinagkamalan niyang magnanakaw ang naroon. . Lalake : ikaw!! Yna : oo ako nga. Ano pang ginagawa mo diyan, tulungan mo na ako dito sa mga panget na ito! Holdaper 1 : hoy, kung sino ka man huwaG mo kaming pakialaman dito, asawa ko to.(sabi sa lalake) Yna : ang kapal ng mukha mong panget ka, hindi mo ko asawa..tulungan mo na ako, gusto nila akong r**e-pin. Huwag kang tatanga tanga diyan..(sigaw niya) Lalake : hoy miss, bahala ka sa buhay mo, kung makapag-utos ka parang body Guard mo ako ah. Yna : tulungan mo ako, babayaran kita kahit magkano, mayaman ako kaya kung ibigay kahit magkano ang gusto mo, tulungan mo lang akong makatakas sa dalawang aswang na ito. Holdaper 2 : aba, jackpot tayo pare mayaman pala ito. Yna : tulungan mo na ako! Lalake : bahala ka diyan. Yna : sige na pogi. . Paalis na sana ang lalake, ngunit natigilan siya nang tawaging syang pogi ni Yna. . Yna : tulungan mo na ako. Sabihin mo lang kung magkano, please pogi, kahit magkano!(pakiusap niya) Lalake : bahala ka sa buhay mo, sayo na ang pera mo. Yna : please naman, sorry kung napagsalitaan kita ng masama kanina, kahit anong gusto mo gagawin ko, huwag mo lang akong pabayaan sa dalawang ito.kahit anong gustuhin mo. Lalake : talaga!! Gagawin mo kung ano ang gusto ko? Yna : oo. Lalake : promise? Yna : oo pangako. Lalake : oh, paano mga panget, ayaw niya sa ínyo, sakin niya gusto, kaya pakawalan niyo siya dahil akin siya!! Holdaper 1 : hoy, nagpapatawa ka, isa mo lang, kami dalawa, ulol!! . Nagtatawanan ang dalawang holdaper, kahit ang lalake ay nakikitawa sa mga holdaper, si Yna naman ay nangingiwi na lang dahil daw pati yata ang lalake ay may sira sa ulo, dahil nakikipagsabayan sa tawa ng mga holdaper. . Holdaper 2 : kung ako sayo, huwag mo kaming pakialaman, kundi bubutasin namin yang tiyan mo ng balisong namin. Holdaper 1 : oo nga, nakikita mo tong balisong namin, bagong hasa lang ito. . Nagtawanan na naman ang lalake at ang holdaper. . Yna : Ay naku, patay ako dito, mga baliw yata sila. . Lalake : ah talaga ba!! (May kinuha ang lalake sa may bewang nito) siguro naman sabog ang mga laman loob niyo dito sa baril kong hawak kapag ipinutok ko sa inyo ito..(ipinakita ang baril, ar sabay tawa ng malalakas) . Nanlaki ang mga mata ng dalawang holdaper. . Holdaper 2 : pare atras na tayo, dehado tayo diyan, ayoko pang mamatay. . Kumaripas na ng takbo ang mga holdaper dahil natakot sila sa hawak na baril ng lalake..nag-uunahan pa sa pagtakbo ang dalawa, si Yna naman ay pansamantalang nabunutan ng tinik ng mga sandaling iyon. . Yna : Mister salamat ha.. Lalake : anong salamat, may kapalit yun ah. . Nagulat si Yna sa sinabi ng lalake, at napaisip siya, oo nga daw pala napangakuan niya na gagawin niya ang ano mang gustuhin o naisin ng lalake, nagsimula na naman siyang kabahan, hindi pa nga pala siya ligtas, at mas natakot siya dahil baril ang hawak ng lalake at hindi balisong, at sigurado na hindi niya kayang takasan ang lalake..pero pinatatag ni Yna ang kanyang sarili, tinibayan niya ang kanyang kalooban..kung iyon daw ang kapalit ng pagiging matigas na ulo niya ay tatanggapin niya. . Yna : oo mister hindi ko nakakalimutan yun(sabay simangot) Lalake : mainam ng nagkakaliwanagan tayo. Yna : may isang salita naman po ako,(madiin niyang sabi) Lalake : kung ganun sumama ka sakin. Yna : H-ha, s-saan tayo pupunta? Lalake : wala ng maraming tanong. Basta sumama ka nalang. . At sa takot ni Yna sa lalake na suwayin ito ay sumama na lang siya, dahil daw mas gugustuhin na niyang mapahamak sa lalake na kasama niya kesa sa mga homoldap sa kanya. . Yna : para nagtatanong lang eh. Lalake : sabi mo lahat ng gusto ko ay susundin mo..(paninigurado niya) Yna : oo nga sabi eh. Ang kulit din eh! . At sumakay sila sa Jeep, pinauna siya ng lalake na umakyat sa jeep, at nakasunod sa kanya ang lalake, at tumabi pa sa kanya ang lalake sa upuan..nakaramdam pa siya ng kakaiba ng masagi ng lalake ang kanyang hita, at nalanghap pa ni Yna ang mabangong amoy ng lalake, sa isip niya ay malinis ang lalake, at hindi mukhang dugyot, hindi katulad ng mga lalakeng nag-holdap sa kanya kanina na amoy anghit, at lumipas ang kulang kalahating oras ay narating na nila ang pupuntahan nila dahil pumara na ang lalake,.at ang pinuntahan pala nila ay isang pier,at sumakay sila ng isang maliit na Roro at parang nakaready ang lalake dahil tuloy tuloy na silang sumampa sa roro at may ticket na ito para sa dalawa. . naroon na sila sa kanilang cabin, nakaramdam ng hapo ng katawan si Yna at nakakaramdam din ng gutom pero tiniis na lang niya, itutulog na lang daw ang kanyang gutom, nakaramdam ng ginaw si Yna ng mga sandaling iyon, at sakto naman at pinahiraman siya ng jacket ng lalake at pinahiram din siya ng jogging pants, at inalukan siya nito ng makakain, may baon din palang pagkain ang lalake sa bag..kinuha niya ito at nagpasalamat..sa isip niya mukhang mabait naman ang lalake, parang nababawasan ang takot niya dito, kaya lang sa kabilang banda ng isip niya na baka masamang tao pa din ito, baka naman daw kung saan siya ipupunta ng lalake kaya, bumalik na naman ang takot niya. Na baka daw ibebenta siya nito sa mga nangunguha ng mga organ, kukuhanin ang mga organ niya at ibebenta sa nangangailangan, naku nagsimula na naman siyang matakot. . Lalake : kumain ka na, para malamnan yong sikmura mo, siguradong gutom na gutom ka. . Natuwa naman si Yna dahil mukhang maaalalahain ang lalake, kaya kahit may kaba siya sa dibdib niya ay kumain na din siya para daw magkaroon siya ng lakas, at kung sakali man na may mangyari uli sa kanyang masama ay malakas ang katawan niya, na kahit anong mangyari daw eh lalaban at lalaban siya, hanggang sa lumipas ang mahabang paglalayag nila sa karagatan, at sila ay nakababa na ng barko, lumulan na naman sila ng Bus, at bumyahe sila ng pagkahaba haba, na sa akala ni Yna ay pagkababa nila ng bus ay makakadating na sila sa kanilang pupuntahan, ngunit hindi pa pala, at dahil kailangan pa nilang magtransfer uli ng sasakyan, at hindi niya alam kung saan ng lupalop sila naroon ng lalake, matagal na niyang kasama ang lalake ngunit di pa niya alam ang pangalan nito..bago sila sumakay ng Jeep na lilipatan nila ay inaya muna siyang kumain ng lalake..pumasok sila sa isang karinderia, at naghanap sila ng mapupwestuhan, at ng makahanap na sila ay iniwan siya ng lalake sa lamesa, at umorder ang lalake ng makakain nila, kung tutuusin pwede na niyang takasan ang lalake, dahil nakatalikod na ito sa kanya, pero hindi niya ginawa, at hanggang sa ngayon lang niya napagmasdan ang lalake, guwapo ito, at may magandang pangangatawan, natitigan niya ng matagal ang lalake, at sa dahil nalilibang siya sa pagtitig sa lalake at dahil nasisiyahan siyang titigan ang gwapong mukha nito na may mapupungay na mga mata..ay hindi niya namamalayan na nasa malapit na lang pala sa kanya ito, at huling huli siya ng lalake na nakatitig siya dito, para siyang nahihipnotismuhan, naiiling na lang ang lalake sa kanyang isip at natatawa. . Lalake : guwapo ba ako? Yna : H-ha?? Lalake : kasi kanina mo pa ako tinitingnan eh, may pagnanasa ka sa kin no, at sa makisig kong katawan ano? Yna : A-ang yabang mo din ano? Hindi ako nakatingin sayo, kapal talaga! Lalake : eh sinong tinitingnan mo? Yna : wala kang paki!!(sabay irap) Lalake ; ang sungit mo naman miss! Yna : mayabang ka kasi, at saka nasan ba tayo? Lalake : huwag ka ng magtanong. Ayoko ng tanong ng tanong. Buti pa kumain na tayo. . At nag-umpisa na ngang kumain si Yna, pero nagtataka si Yna sa nararamdaman niya, parang kinikiliti ang puso niya, dahil sa presensiya ng lalakeng kasama niya.. . Lalale : siya nga pala, medyo matagal na tayong nagkasama, hindi pa tayo magkakilala, ako nga pala si Nico. (Inilahad ang kamay) . Tinitigan ni Yna ang kamay ni Nico, parang ang linis linis ng kamay nito, walang ni isang bahid na dumi sa mga kuko ng lalake ang linis linis tingnan. . Nico : hello, miss ako nga pala si Nico(pag-uulit niya)..ikaw anong pangalan mo? Yna : h-ha P-princess, ako si Princess..oo ako si Princess!! . Inabot ni Yna ang nakalahad na kamay ni Nico at nagkamay sila. . Nico : kaygandang pangalan, Princess-Prinsesa!!(nakangiti niyang sabi) . Bumilis naman ang t***k ng puso ni Yna dahil sa pagkakangiti ng lalake sa kanya, sinaway niya ang puso ano daw ba ang nangyayari sa kanya at naging abnormal ang pintig ng puso niya. . Nico : sige Princess kumain na tayo, kasi malayo pa yong bibiyahehin natin!! Yna : malayo pa? Nico : oo malayo pa. Yna : saan mo ba ako dadalin? Nico : ayoko ng maraming tanong, diba sabi mo, ang lahat ng naisin ko ay gagawin mo. Yna : oo may isang salita naman ako. . At pinagpatuloy na ni Yna ang pagkain..at hanggang sa may tumawag sa celpon ni Nico, lumayo si Nico sa dalaga upang sagutin ang celpone niya. . Nico : Boss.. Nico : opo boss… Nico : sige Boss…. . At ng matapos ang paguusap nila Nico at ang kausap niya sa celpon ay bumalik na siya agad sa lamesa nila, at pinagpatuloy niya ang pagkain.. . Nico : may gusto ka pa bang kainin Princess? Yna : wala na, busog na ako.pero meron sana akong gusto? Nico : Sino? Yna : hindi sino, ano! Nico : ano pala? Yna : baka pwedeng makahiram ng celpon at may tatawagan lang ako.. Nico : ay sorry, hindi pwede..ayoko!! Yna : grabe ka naman kadamot mo naman. Nico : basta ayoko!! Yna : di wag!!(pairap niyang sabi)..madamot..(bulong niya) Nico : may sinasabi ka ba Princess? Yna : wala!!(pasinghal niya)sabi ko ang gwapo mo kaso nga lang bingi ka naman!!(mahinang sambit niya) Nico : sabi ko na nga ba eh. Nagugwapuhan ka sakin. Yna : hay kapal talaga!!(sa isip) . At hanggang sa natapos na silang kumain..nagpahinga lang sila ng konti at lumabas na sila sa karinderia na kinainan nila, nagpunta muna sila sa isang pwesto na bilihan ng mga damit at bibilan ni Nico si Yna ng mga damit at mga underwear. . Nico : Princess, pumili ka na ng mga damit mo, at pati na panloob mo para may gamitin ka! Yna : wala akong pera pambili..diba nga naholdap ako. Tapos na snatch pa yong bag ko. Nico : ako ang bahalang mag-bayad kaya pumili ka na ng kahit na anong gusto mo.bilisan mo at gagabihin tayo sa pupuntahan natin. . At namili na nga si Yna ng mga damit. At pinili nga ni Yna ang mga mamahaling damit, at mga underwear, kumuha din si Yna ng mga gamit sa mukha at mga pabango at ng kung ano ano pa..madami siyang napili, at ng makita ni Nico ang mga kinuha ni Yna ay nailing na lang si Nico ng sabihin ng cashier kung magkano ang napamili nila, halos 5k mahigit ang halaga ng pinamili nila. . Nico : wow, uubusin mo naman pala yong laman ng pitaka ko. Yna ; sorry ka, sabi mo kasi kahit anong gusto ko, ah meron pa nga pala akong idadagdag— Nico : oopss, hindi kana magdadagdag, wala na akong pera! Yna : di hindi na, madali naman akong kausap eh. . At ng mabayaran na nila ang kanilang pinamili ay nilakad na lang nila ang sakayan ng jeep. . Yna : grabe naman tong lalake na ito napaka-ungentleman naman, hindi man lang ako tinulungan sa bitbit ko..(bulong niya) . Pero ang bulong niya ay naabot sa pandinig ni Nico. . Nico : sorry ha, kasi gamit mo naman yan, kumuha kuha ka ng marami pagkatapos saka ka magrereklamo sa pagdadala niyan. Yna : ang sama mo!(pairap niyang sabi) . Natawa na lang si Nico kay Yna, nagagandahan talaga siya dito lalo na kapag umiirap daw ito, at sa totoo lang mula ng makita niya si Yna ay nakaramdam na siya ng kakaibang damdamin para sa dalaga. Na noon lang siya nakaramdam ng ganoong damdamin. . Nico : sige na nga, tutulungan ko na ang aking Prinsesa..(sabay kindat) Yna : dapat kanina mo pa ginawa yan, kung kelan malapit na tayo saka mo kukuhanin..(pasinghal niyang sabi) Nico : sorry na po, aking Prinsesa!!(sabay kuha sa mga bitbit ni Yna) . Nahawakan pa ni Nico ang mga kamay ni Yna, at si Yna naman ay parang may gumapang na kuryente sa kanyang katawan dahil sa pagdaiti ng kamay ni Nico sa kanyang kamay, at parang nahinto naman ang mundo ng dalawa ng mga sandaling magkadaiti ang kanilang mga kamay. At ng matauhan si Yna ay binitawan na niya lahat ang hawak niya at Ibinigay na lahat ni Yna ang bibit niyang mga paper bag kay Nico at saka siya nagpatiunang lumakad, nagmamadali siyang lumakad dahil kailangan niyang ikubli kay Nico ang pamumula ng mukha niya dahil parang nakaramdam siya ng kilig.. nakasunod sa kanya si Nico ng nangingiti sa naging kilos ni Yna at sa reaksiyon, kitang kita ni Nico na nagblush pa si Yna sa pagkakahawak niya sa kamay nito. Dahil sinadya niya. Talaga na hawakan ang kamay ni Yna..tumatambol naman ang puso ni Yna dahil natutuwa ang puso niya sa pagsagi ng kamay ni Nico sa kanya, sinaway niya ang sarili, dikta ng isip niya ay dapat matakot siya kay Nico dahil baka daw may masamang balak din si Nico sa kanya na baka daw patayin siya, hindi na bale na daw kung ang virginity niya lang ang kukunin eh kung paano daw kung pati buhay na niya ay kitilin din..peo kahit na ganun ang dikta ng isip niya ay wala naman syang makapang takot sa puso niÿa..huminto sa paglalakad si Yna para hintayin si Nico dahil hindi niya alam kung saan sila sasakay..kung tutuusin pwede na sana niyang takasan si Nico, o di kaya ay humingi ng tulong para mailayo siya kay Nico pero bakit hindi niya magawa na parang ayaw niyang mahiwalay sa lalakeng kasama niya..at ng malapit na sa kanya si Nico ay sinadya niyang tingnan sa mukha si Nico, at nagtatalon na naman ang puso niya sa kilig gawa ng kinindatan siya ni Nico..itinago niya ang nararamdang kilig, bagkus inirapan niya ito. . Nico : Princess, dito tayo sasakay.. Yna : Ano dito? Nico : oo, bakit ayaw mo ba? Yna : paano ka naman sasakay jan sa jeep na yan eh, puno na, tingnan mo nga oh nagsisiksikan na sila sa loob..ayaw ko ngang makipagsiksikan jan, baka mamaya may amoy anghit pa sa loob, mahilo pa ako sa baho.. Nico : edi sa bubong tayo uupo! Yna : Ano??? . Wala ng nagawa si Yna kundi sundin si Nico, tinulungan siyang umakyat ni Nico sa bubong ng jeep, sa tanang buhay niya ay noon lang siya sumakay sa bubong ng jeep, at ng umandar na ang malaking jeep ay takot na takot siya pakiramdam niya ay mahuhulog siya,lalo na siyang natakot sa kalagitnaan ng biyahe, dahil sa konting pagkakamali ng driver ay malalaglag sila sa bangin. Ang lakas lakas pa ng hangin na tumatama sa kanila, sobrang natakot siya wala siyang makakapitan kundi kay Nico lang.napakapit na siya sa may braso ni nico at isinubsob na niya ang mukha niya sa braso ni nico dahil sa takot ayaw niyang makita ang dinadaanan nila dahil nalulula siya dahil nga nasa mataas na lugar sila., ramdam naman ni Nico na natakot si Yna kaya ikinulong naman ni Nico sa mga bisig niya si Yna, sa ginawa ni Nico ay parang nabawasan naman ng konti ang takot na nadarama ni Yna, at habang nasa byahe sila ay dasal naman ng dasal si Yna na sana ay makalagpas sila sa nakakatakot na daan na iyon at hanggang sa pagdadasal niya ay hindi niya namamalayan na nakatulog na si Yna dahil sa kapanatagan na din niya. . ITUTULOY… Ano kayang kabayaran ang nais ni Nico, ang p********e kaya ni Yna? Abangan po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD