Nag umpisa na kaming magtrabaho gaya ng dapat. Bali mga 9pm na ngayon kaya naman mukhang kailangan ko ng pauwiin ‘tong si Ciel at baka kung ano pa ang isipin ng mga magulang niya samin. “Pwede pa ba akong mag-stay ng ilan pang sandali? ” sabi niya. “Nope. Umuwi ka na dahil baka nag-aalala na si Tita sayo. Don’t worry kaya na namin ni Daddy ‘to.” sagot ko naman. “Eh. Pwede naman akong magpaalam kay Mommy ah?” “Why are you so stubborn? Umuwi ka na at baka mapano ka pa!” “Fine! Basta wag kayong magpupuyat, Okay?” “Yes yes.” “Uuwi na talaga ako?” pahabol pa niya. “Oo! Umuwi ka na!” “Tss. Okay Sige sige.” at nagpaalam na siya’t umalis na. At kaming dalawa na lang ni Daddy yung naiwan sa library na nagbabasa ng mga files. “18 years old si Sharmaine Caling nung nawala siya. Malapit lang

