“Louise? Anong ginagawa mo dito?” Napahinto ako bigla sa paglalakad ko ng bigla na lang may bumanggit ng pangalan ko. “Elisé?” gulat na sambit ko lang habang nakatingin rito. Si Elisé nga! Pero –ano namang ginagawa niya dito? Paanong– “Naku Louise!” at agad agad siyang bumaba sa kotse at napatakbo papunta sakin. Hinubad din niya yung Jacket na suot niya’t binigay sakin. “Anong nangyari sayo? Ba’t basang basa ka? Tsaka bakit ka naglalakad sa highway na ‘to??” “H’wag mo nang itanong! Dahil hindi ko rin maintindihan. Masyado kasing mabilis yung mga nangyari eh.” sagot ko naman sakaniya. Syempre bawal kong sabihin kay Elisé na galing akong Shadow Lane dahil wala naman siyang alam na ako at si Black Phantom ay iisa. Inosente pa kaya siya at kailangan kong itikom ang bibig ko para walang m

