“Dahil hindi na ito yung tipikal na pagnanakaw na dati mong ginagawa Louise, makinig ka sa plano natin. Susugod tayo sa Mismong Main House nila at gagawa kami ng ingay sa baba. Habang nagkakagulo sila kunin mo naman ang pagkakataon at dumaan ka sa taas gamit ang parachute mo. Dahil salamin ang bubong nito, subukan mong h’wag itong basagin para hindi ka makagawa ng ingay na ikakabahala nila. Dahil kapag nalaman nila ang totoong plano natin. Tapos na, tapos na ang buhay mo dahil tsak na ikaw ang aasintahin nila.” Paliwanag ni Holy sakin. “Pagkatapos mong makalagpas at makapasok ng walang ingay, suotin mo ‘tong disguise costume namin para sayo. Isa yang guy suit na parang sa mga uniform ng mga tauhan ng Crimson. Merong sampung kwarto sa bawat palapag. At ayon sa aming research eh nasa pang 8

