“Saan ka galing?” tanong ni Hubert kay Noah na kadarating lang. Umalis kasi ito pero hindi nila alam kung saan pumunta. “May ginawa lang ako, pero tapos na,” sagot ng binata at tinulungan silang buhatin ang mahabang upuan papalapit sa mahabang mesa. Lumapit dito si Juan at bumulong. “Alam ko kung saan ka nagpunta. Huwag ka na magsinungaling sa akin, Noah. Hindi ko ako mauuto.” Kumunot ang noo ng binata. “Ano’ng ibig mong sabihin?” nagtataka nitong balik. “Pinuntahan mo si Salem, noh? Nakita ko kayong kumabas pareho sa direksyon mula sa likod. Huwag mo sabihing hindi iyon?” Tumaas baba pa ang dalawang kilay ni Juan habang nakangisi ng mapanloko sa kaibigan. Hah! Crush talaga ni Noah si Salem at gumagawa na ito ng aksyon na akala nito ay hindi niya napapansin. Siniko niya ito. “Ano? B

