Ilang araw na ang nakalipas at ito na nga ang huling linggo sa unang buwan na pag-stay ni Salem sa probinsya. So far, wala pa namang nakakaalam ng relasyon nila ni Noah at ngayon nga ay aalis sila para mag-date. She looking at her outfit in the mirror. Nakasuot siya ng high waist cotton silk black white pants at spaghetti strap crop top na kulay pink at nagsuot rin siya ng puting cardigan. “Saan ang punta mo?” Napatalon si Salem dahil hindi niya inaasahan na may tao pala sa kwarto niya. She turn around and saw Markus leaning on the door. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya. Kanina pa ba ito? Tumaas ang kilay ni Markus. “Kumatok ako pero hindi mo yata narinig. Saan ka pupunta?” “Well, I’ll go shopping. I know ma busy kayo kaya I’ll go there by myself,” pagsisinungaling ni Salem. T

