Makalipas ang tatlong taon. Bumalik sa probinsya sina Noah at Salem. Napagdesisyunan kasi ng dalawa na mas mabuting doon na lang manirahan dahil mas maganda ang buhay dito. Sa trabaho naman ay nagpalipat na si Noah sa Bicol dahil ayaw niya naman maiwan ang asawa lalo na at maselan ang pagbubuntis nito. “Ito na ba ang apo ko?” salubong sa kanila ni Aling Nadia. Dumiretso sila sa bahay ng magulang ni Noah. Ang bahay nila ay medyo malapit sa hacienda ngunit nasa labas at hindi nasa loob. Iyon sana ang gusto ni Donya Isabel ngunit nag-insist si Salem na sa labas na lang dahil parang ang awkward niyon sa magulang ni Noah na papasok pa at nay bantay. Karga-karga ni Noah ang dalawang taong gulang na batang si Soliel, ang panganay nilang babae. Inilahad ni Aling Nadia ang dalawang braso upang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


